CHAPTER 48
Ang ganda talaga dito sa resort nila Kirby. Kitang kita din ang stars sa langit. Ang ganda lang. Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Mga sosyal ang mga bisita. Karamihan sa mga di ko kilala ay models at mga katrabaho ni tita sa Modeling Agency niya.
Mag-isa lang ako sa table ko. Yung boys kasama ang mga kateam nila sa varsity. Si Nate kumuha ng maiinom namin. Si Bea nag-eentertain ng guests niya. Si Anne ay nag-CR lang at si Charm naman ay nagfafangirl doon sa America's Model something something. Natatawa nga ako sa reaksyon ni Charm. Ganon ba ang itsura ko pagdating kay Daniel Matsunaga? Haha! And speaking of, asan na kaya iyon?
Naglibot ako ng tingin at hinanap siya. Maya-maya, may nagsalita sa likod ko.
"Hi pretty lady. Mind if I join you?" Napalingon ako at heck! Ang gwapo naman nito. Parang hinugot sa magazine. Ang haba ng hair ko. Hehe!
"No, it's okay." I smiled at him. Mukhang mapapaEnglish na naman ako nito ah. Naalala ko tuloy si Dylan! Kumusta na kaya iyon? Miss ko na siya. Di bale, sa susunod na araw dadalawin ko siya.
"Great." Umupo siya sa tabi ko. "I'm Travis by the way. Travis John Peterson. And you are?"
"Kim. Kim Perez." Inabot ko ang kamay niya at nakipaghandshake.
"A pleasure knowing you Kim. By the way, why are you all alone here? And are you Bea's friend?" Gosh, those gray eyes. Pero mas maganda pa rin ang hazel eyes ni Mike. Aish! Erase! Mike na naman. Tss. -_____-
"Well, my friends are out there somewhere. They'll be back. And I'm best friends with Bea. How about you? Are you her co-model?" Mukhang model siya eh. Mukhang half something siya. American? British? Ay ewan. Basta ganun.
"Yeah. And I'm also one of the models in her mom's modeling agency. You model?" Nagulat ako sa tanong niya.
Ako? Model? Asus, nahiya naman ako. Pagkamalan ba akong nagmomodel? I like him na talaga haha! Kinapos ako sa height eh. I'm only 5'5" na ata. Tumangkad na rin kasi ako. Hehe! Sana tumangkad pa ako.
"Naku, hindi noh. Wish ko lang." I smiled. Nagtataka ang itsura niya. Oops! Nakalimutan ko palang Englishero ang kausap ko. "I mean, no." Sabi ko na lang.
"Oh, you should try though. You're much too qualified if you were to ask me. You're beautiful." He said at lumapad pa ang ngiti niya.
Wow, did he just say that I'm beautiful? Galing sa isang lalaking parang hinugot sa magazine? Ang mga babae pa naman ay sumasaya agad kapag pinpuri eh. Enebenemenyen! I'm flattered! Feeling ko abot Edsa na ang buhok ko. Haha!
I blushed. Naman eh!
"And your voice is also amazing. You were the one who sung awhile ago, right? You're a really gifted girl Kim. I hope you still don't have a boyfriend yet." He smiled sweetly at me.
Aw, I'm so grateful na nagustuhan niya ang pagkanta ko kanina. Pinakanta kasi ako bigla ni bes Bea. Hindi daw kasi pwedeng hindi ako kumanta sa birthday niya. Kumusta naman ang on the spot ano? Kung hindi ko lang mahal yung babaeng yun at di niya birthday, hindi ko talaga iyon pinagbigyan. Mga bigatin pa naman ang mga guests niya, plus, nanonood si tita! Ang strict pa naman nun. Patay ako kung pumalpak ako kanina. Buti na lang I survived. Buti na lang at may instrumental ako sa phone ko. Hay, mabuti na talaga ang maging girl scout.
Boyfriend daw? Haha! I wished.
Magthathank you na sana ako nang may tumikhim sa likod namin. Sabay kaming napalingon.
Oh noes. Si Mr. Heartbreaker slash Mr. Labo.
At cold niya kaming tinitingnan. How awkward.
"Mike!" Napansin kong siya lang ang bumalik.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...