CHAPTER 30
"Kung gusto mong sabihin, andito lang ako ha?"
Andito kami ni Nate ngayon sa may garden malapit sa 2nd gate. Wala kasing pumupunta dito. Gusto kong mapag-isa pero nagpupumilit si Nate. Di na lang ako umangal kasi kailangan ko nga rin siguro ng masasandalan kahit papano. Di ko lang masabi sakanya kung ano ang dahilan ng pag-iyak ko. Ayokong malaman niya ang kadramahan ko. Tutal, di naman nga niya alam na mag bestfriend kami dati eh. Baka anong isipin niya.
"Thank you Nate sa pagsama. Pero bumalik ka na sa loob. Late ka na eh. Ok lang ako dito." Sabi ko sabay punas ng mga luha ko gamit ang panyo ni Nate.
"No, it's okay. Dito lang ako, di kita iiwan."
Natulala ako sa sinabi ni Nate.
Dito lang ako, di kita iiwan..
Di ko namalayang tumulo na naman ang mga luha ko. Tsk! Bakit ba kasi pareho pa sila ng sinabi? Yun yung sinabi sakin ni Mike noong una kaming magkita eh. Naalala ko na naman tuloy yung narinig ko kanina.
*flashback*
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sabihin ninyo kung bakit? Bakit pa kasi ako nandito?!
"--ako ang para sayo. Will you please keep that in mind? Matagal ko na yan sayong sinabi di ba? Oo, mahal kita Stella--"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko.
So, gusto niya talaga si Stella. Tama nga ako. Bakit ba ang tanga tanga ko?! Bakit ko pa ba sinunod tong puso kong to?! Masaya siya pagkasama niya si Stella, at ako? Iniwan niya lang na parang wala kaming pinagsamahan. Pero bakit si Stella? Bakit siya pa Mike?
"Si Kim, you like her don't you?" Narinig kong tanong ni Stella ng nakabalik na ako sa sarili ko.
"No, I don't like her.." Ang cold ng pagkakasabi niya.
Once again, parang tumigil ang mundo sa narinig ko.
"..I don't like her.."
"..mahal kita Stella.."
"..I don't like her.."
"..mahal kita Stella.."
Parang sirang plakang paulit-ulit sa utak ko.
Di ko namalayang tumatakbo na pala ako palayo. Ayaw ko na rin kasi atang marinig ang mga masasakit na sasabihin pa niya. Di ko na namalayang tumutulo na rin pala ang mga luha ko habang unti-unting nadudurog ang puso ko.
Alam kong matagal niya na akong iniiwasan at ayaw niya na rin akong maging kaibigan. Na baka mahal niya talaga si Stella. Ako lang naman tong patuloy pa rin na umaasang babalik siya, yung dating kami.
Pero iba pa rin pala talaga kung galing na mismo sa bibig niya. Grabeh, parang ice pick na tinutusok tusok yung puso ko. Parang martilyo pa nga eh na tinitibag sa sobrang sakit. Sabi nga, 'People say actions speak louder than words, but sometimes it's the words that hurt the most. Actions are easy to ignore but words hit your heart where it hurts.'
It hurts, it freaking hurts.. A LOT. Few words, yet with great impact. Sometimes, it's those very words that determines what actions you will take. At alam ko na ang dapat kong gawin. . .ang matagal ko ng dapat ginawa.
Yan na siguro ang sign na kailangan ko ng itigil tong katangahan ko kay Mike. Ang tanga tanga ko! Gusto niya talaga si Stella, hindi ako at masaya siya kaya dapat maging masaya na rin ako para sa kanya di ba? Matagal ko na nga dapat tong ginawa, eh ako lang naman ang nagbubulag-bulagan pa rin. Pero bakit siya pa? Bakit ba hindi ako? Kulang ba pa Mike, ha? Ano pa bang kulang? Anong nakita mo sakanya na wala saakin?
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...