CHAPTER 43:
TakasBuhay pa ba ako?
Wah! Hindi pa ako ready mamatay! Magkikita pa kami ni G-Dragon at Jin ko! Huhu!
Ay teka, kung patay na ako, bakit parang may naririnig ako? At may nararamdaman?
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at doon ko nakita kung sino ang nasa tabi ko.
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko.
Nakahiga pala kami sa may damuhan sa sidewalk at ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko sa impact ng pagbagsak namin. Buti nalang pala at sa may damuhan kami nahulog kundi bagok ang precious head ko.
"Kim, are you okay?"
Ay oo nga pala, speaking of kami. Nagulat ako sa sumagip saakin. Di ko talaga inaasahan.
"Faye?!" Kunot noo kong tanong. Napahawak ako sa braso ko at napakunot-noo kasi mukhang napuruhan ito. Ito kasi ang itinukod ko ng bumagsak kami. Pero tumingin ulit ako kay Faye. "Anong ginagawa mo dito?"
Gabi na rin eh. Bakit siya nasa village namin? Dito rin ba siya nakatira?
"I'll explain later. Sa ngayon, we need to aid your wound." Sabi niya sabay tingin sa braso ko.
Ay shoot, may sugat pala ako. Siguro nakatama sa may bato. Ang hapdi naman. Ngayon ko lang naramdaman. Wah, ayokong magkapeklat!
"Huh? Ah, sig---"
"On second thought, I think I should get going. Sorry Kim. Bye." Balisa na kinakabahan ang itsura niya tapos dali-dali na akong iniwan.
Wow naman! Iniwan daw ba ang isang sugatang babae na mag-isa dito sa may gilid pagkatapos niyang iligtas.
And speaking of, napalibot ako ng tingin at wala na yung sasakyang muntik nang makabangga saakin. What the heck lang? Pano nagkaganon dito sa Village namin? Ang bilis magdrive at this time of the night tapos sa village pa! Aba naman!
"Kim?!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.
There, sa harap ko ay nakita ko si Marky na papalapit saakin. Nakakunot ang noo niya at mukhang nag-aalala. Nakaupo pa pala kasi ako sa sahig.
"Marky!" Ang aking gwapong pinsan na nalihis ng landas. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya ng makalapit na siya saakin.
"I should be the one asking you that. What are you doing here at this time of the night?!" Aw, parang si kuya lang eh. Pero teka, is it me o mukhang lalaki na ang aking pinsan? I mean, pati sa kilos at salita, lalaking lalaki!
O dala lang ba to ng impact? Baka nga.
"Sorry na. Eh gusto ko lang namang pumunta sa park eh." Para akong batang nahuling gumawa ng di dapat. I even pouted.
"Tss. You know you shouldn't be going out this late! Look at you." Hinawakan niya ang braso ko. Napa-aww ako sa paghawak niya. "You're really clumsy, aren't you? Tara na sa bahay niyo para magamot na yan." Inis niyang sabi.
Hala! Jaru jusko. Pag ako nakita ni kuya na may sugat at lalo na kapag nalaman niyang tumakas ako, I'm dead.
"Wah! Marky, pwede bang wag na lang sa bahay? Tumakas lang kasi ako eh. Patay ako nito kay kuya eh." Pagmamakaawa ko. Kilala din kasi ni Marky si kuya. Alam niya kung pano magalit ito, lalo na kung safety ko ang usapan.
Napahinga siya ng malalim at napahawak sa sintido niya.
"Like what I'm thinking. Ang kulit din kasi ng lahi mo noh? Pero dahil kilala ko ang kuya mo, I'll let this pass. Let's go sa kotse ko." Nginitian ko siya. Yes! Ligtas ako! Whoohoh!
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...