CHAPTER 26

23.5K 624 10
                                    

CHAPTER 26:
Sorpresa

***

Di maalis sa isip ko yung huling sinabi ni Bea sakin noong nag-usap kami kanina.

".. It's not bad to follow your heart bes, but take your brain with you."

Gasgas man yung quote na yun pero sadyang natamaan ako. Yun naman talaga ang ginagawa ko ah. . .minsan. Kasi minsan din ay nagpapadala ako sa puso kong 'to. Kagaya na nga kagabi. Pero 'di naman masamang piliin paminsan-minsan na sumaya ka di ba? Alam ko naman ang limitasyon ko at 'di naman ako tuluyang magpapadala sa nararamdaman ko.

Because the harder you fall, the more pain you'll encounter.. the greater is the damage.

At di mo na alam kung maaayos pa ba yung damage na 'yun o hindi na. O kung maayos man, hindi mo alam kung gaano ba katagal. Maaring isang mahaba at mahirap na proseso.

At isa pa ay yung sinabi sakin ni Anne kanina. Yung reason behind her smirk. Nakakabagabag! Wew big word.

"Hi Kim!" Napatingin ako sa tumawag sakin. It's Tammy.

Andito na pala ako ngayon sa auditorium for the last screening. My goodness. Lumilipad pala ang utak ko. Mabuti na lang at andyan si Tammy. I need a distraction.

Focus Kim, focus! This is the last stage. Ruin it and you're done!

Tumabi sakin si Tammy at nginitian ko siya.

"Ready? I wish you good luck! Kung pwede nga lang na pareho tayong makapasok as Cinderella eh. Pero di naman pwede. Kaya good luck na lang sating pareho." She smiled.

"Oo nga eh. Di ko nga alam na kumakanta ka rin. I wanna hear your voice Tammy. I bet angelic yun, like you." Sabi ko na ikinahiya niya.

"Naku naman Kim! Wag ka namang ganyan. Baka maniwala ako sayo." Tumawa siya ng mahina. "Uhm, oo kumakanta din ako pero I'm not as good as you are at hanggang sa banyo lang ako. Di ako sanay sa tao eh."

Tumango ako at 'di ko na naiwasang tanungin sa kanya 'yung tanong na noon ko pa gusto talagang itanong.

"I just wanna know, alam ko kasing mahiyain ka at sabi mo nga na hindi ka sanay sa tao. So why did you auditioned then? Sorry ah, curious lang ako."

Parang nabigla siya sa tanong ko pero bumalik naman agad sa dati ang expression niya.

"Kasi..pangarap ni mom na maging stage actress slash singer ako. I'm just fulfilling her dream." Ngumiti siya ng matipid.

I nodded. Ah ganun pala. Naalala ko tuloy sa kanya si bes Bea noong bata pa siya.

Sa audition na 'to, hindi kami sa front ng stage pina-stay habang nagmememorize ng kanta. Sa backstage kami lahat at may sari-sariling mundo. We were given 10 minutes para makabisado yung piece. Kapag nagpeperform na yung una, saka lang bibigay sayo ang piece at doon ka sa kabilang side ng backstage magmememorize para di marinig ng iba.

Tinawag na kami isa-isa papunta sa stage na may piano. Kahit di mamemorize since pwede namang magbasa ng lyrics. Yung melody and pronunciation lang talaga ang key points dito. Syempre pati delivery kasi di lang naman to simpleng pagkanta katulad ng ginagawa ko talaga. This is for a musical play kaya with emotions talaga and all. After din palang kumanta, uupo na sa may audience area katulad noong first audition kaya heck lang, mapapanood ako ni Mike! Shems!

I pupush ko to!

Fighting!

Mas nauna si Tammy kesa saamin nina Stella at Mike. Sunod naman sakanya ay si Mike, then ako at sunod si Stella. Apat na lang kami na mag-aaudition sa role na Cinderella. Si Jamaine yung isa na 3rd year. Magaling din siya, vocalist ng banda. Ang flexible niya pala!

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon