CHAPTER 21

27.5K 633 12
                                    

CHAPTER 21:
Balita

"Ay maganda yan bes! Wagi! Tapos may dangling colored creeped papers na may nakadikit na photos namin together!" Excited na sabi ni Bea.

"Yeah that would be nice! Then there will be bubbles too for a romantic ambiance plus roses scattered around." Sabi naman ni Charm.

Roses? Waah! Naalala ko si Nathan. Ano kaya? Yes or No? Or na lang kaya? Waah baliw! Yes lang o no! Ano ba?! Huhu..

Nandito na naman kami ngayon sa bahay nina bes Bea. Nagbrabrainstorm kasi kami para sa surprise niya kay James para sa Anniversary nila next week. Actually ready na yung dinner and something na kasama ako. Yung pakulo nalang talaga ang kulang.

"Then perhaps fireworks after dinner?" Si Bea ulit.

"Neh, masyadong bongga yan bes at saka dapat yung lalaki ang gumagawa nun." Si Anne naman.

Sabi ko pa naman kahit ano gagawin ko para makabawi sakanya. Nasabi ko pa yun sakanya eh. Pero anong ginawa ko? Di ko pa siya masagot!

"Yeah you have a point there Anne. And oh, a small stage for the singers too you know! Tumango sina Anne at Bea.

"Tapos hmm.." Sabay tingin nila sakin pero ako ay wala lang imik.

Naalala ko yung itsura ni Nate nung wala akong nasagot sakanya. Napansin niya na rin siguro na hindi ko pa alam ang isasagot ko. Pero bakit nga ba? Syempre dahil kay Mike. Umaasa ako na baka alukin niya akong maging partner niya sa prom.

"Ui bes! Anong suggestion mo?" Nakatulala lang ako, habang sila nagtinginan na.

Tutal wala pa naman akong nababalitaang inalok na nga ni Mike si Stella. Dahil kung oo na, siguradong ipinamukha na naman sakin yun ni Stella. May pinanghahawakan pa naman ako di ba?

Pwede pa niya akong alukin---

"Bes!!!" Sabay-sabay sila.

OMG! Napatingin ako sa kanila.

"Huh? Ano, oo maganda yun." Yun na lang ang nasabi ko sabay tango.

Tumaas ang kilay ni Bea at humalukipkip si Anne habang si Charm nakatilt yung ulo habang nakatingin sila sakin. My gulay! Ano ba Kim! Focus nga at napaghahalataan ka. Hays.

"Ang tanong ko bes ay kung anong suggestion mo, hindi yung kung maganda ba yung suggestions namin. Medyo lutang ka bes. Hindi obvious." Sarkastikong sabi ni Anne.

"You seem preoccupied. Tell us what's bothering you, Kim." Sabi naman ni Charm.

"Dali na bes, spill!" Niyugyog pa ni Bea ang braso ko.

Napakagat labi ako. Hay, ayan at napaghalataan na tuloy ako. Sinabi ko na din ang lahat sa kanila. Teka, parang dejà vu to ah. Lagi na lang ako nahohot seat.

"Ano?! Don't tell me irereject mo yang si Nathan? Tapos ano? Aasa ka na naman 'dun kay Mike? Bes, you know better. 'Wag kang gagi. Sayang ng ganda mo." Ani Bea.

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon