CHAPTER 42:
Bituin"HAHAHA!" para na akong baliw dito katatawa mag-isa.
Ano ba yan. Nakakatawa talaga ang mga sagot ni Sir Ramon sa mga nagtatanong! Ang sakit na ng tiyan ko katatawa.
Kanina pa kasi ako nababaliw kaiisip ng mga nangyayari. Kaya para malibang, instead sa pagpunta sa bar, pumunta ako sa bookstore sa may malapit sa hotel na pinuntahan namin ni Nate. Nagpasama naman ako sa loob at doon ko nakita itong libro.
Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo? By Ramon Bautista.
Pero hindi ito iyong istorya ha? Mga advices itong wala namang kwenta. Yung iba. Dated 2012 pa to eh. Pero binili ko para maaliw naman.
Mas mabuti pang pagkamalan kang naloloka-loka kesa mabaliw ka na talaga sa kaiisip!
"HAHAHAHA!" Siguro kung kasama ko sina bes, babatukan na ako nun. Pano ba naman kasi, eto ang example:
"Sir Ramon, binasted ako nung nililigawan ko dahil hindi ko daw kamukha si Daniel Padilla. Any tips or suggestions po, sir?"
Lubayan mo na siya, napapangitan sa'yo yan at wag mo nang hintayin na siya mismo ang magsabi sa'yo kung kukulitin mo pa siya.
BOOM! haha! Sabog yung nagtanong. Obvious naman kasi ang sagot eh nagtatanong pa. XD
Eto pa..
"Sir bakit ganun? Si crush in denial na hindi daw niya ako kilala. Though lagi ko naman siyang nakikita at nahuhuling sumusulyap sulyap. Arghh."
Sumusulyap-sulyap yon kasi kibakabahan sa'yo baka kung anong ka-feelingan ang ginagawa mo.
Another boom! Haha! Oo nga naman, baka nacrecreepyhan lang sa kanya. Pero nakakarelate ako. Ako nga lang yung tumitingin-tingin. Hays.
Naglipat ako ng page and I saw a chapter about Moving On Techniques. Na may quote na, "If you can't move on, move on some more."
Relate much? Lol.
"Para sa wasak ang puso't damdamin sa mga oras na to. Sir, anong step-by-step process ang iyong maibibigay para sa mga taong kailangan ng mag move-on?"
Step 1: Isipin na there's more to life. Tapos.
Napatigil ako. Teka lang, di pa maprocess ng utak ko ang nabasa ko.
Isipin na there's more to life.
Tama. Hindi lang naman sa kanya umiikot ang mundo ko di ba? Marami pa akong bagay na dapat tuunan ng pansin at isa na doon ay ang play na..kasama rin pala siya.
At worse, siya pa ang leading man ko.
Just great! Ugh.
Now, pano ko naman siya maiwasan nito? There's more to life! Not just him, Kim. Kaya mo to! Work is work, di ba? Tama!
Bigla nalang tumunog ang laptop ko, meaning may nagchat saakin sa facebook. Iniwan ko kasi itong bukas.
Isinara ko muna yung libro ko ang I checked who it was from.
Kumunot ang noo ko.
Facebook User.
Tapos, nang inopen ko yung message, may picture ni Mike na nasa bar at...
Tinakpan ko ang bibig ko sa gulat.
Hindi, this is just a fraud. Hindi to totoo.
Fake lang to at pinaglalaruan lang ako kung sino man ang nagsend nito.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...