CHAPTER 45
"Kuya, matagal pa ba?" Tanong ko kay kuya habang nag-aabang kami para kay Ate Patty dito sa airport.
Halos mamuti na ang mga mata ko at malula na ako sa mga dumarating na tao. Ang aga pa naman. Mabuti na lang at wala kaming pasok ngayong umaga. May meeting daw kasi ang teachers. Ang swerte ko nga naman.
"Her flight was delayed. But she will be here in a few." Sabi niya sabay tingin sa wrist watch niya.
Umupo na lang ulit ako sa may bench sa may malapit at nagbasa sa wattpad sa phone ko. Ang dami ko kasing pending na stories eh. Yung iba, ang tagal naman mag-update. Pero naiintindihan ko naman. Basta mag-update sila! Yung iba kasi forever pabitin. Ang sarap nilang ibiting patiwarik. -_____-
Astig talaga ang Karmic Hearts! Di ako magsasawang ulit-ulitin. Hehe. Sana imovie nila iyon kasi ang astig nun! Yung may matchmaker tapos may cupid na oh-so-gwapo tapos may jar of hearts tapos may red strings of fate. That would be soooo amazing. Kapag pinublish nila yung libro na yun, ako ang mangunguna talaga sa pila! ^___^
Naka-tatlong chapters na ako ng biglang nagsalita si kuya.
"Here they come." Huh? They?
Isinara ko na ang wattpad ko at napaanggat ng tingin kay kuya. Nakatingin na siya sa harap kaya sinundan ko ang tingin niya.
OMG.
O___O (Ako)
♡___♡ (Si kuya)
Haha! Oo, may puso ang mga mata ni kuya. Ako naman, kulang na lang ay lumuwa ang mga mata at malaglag ang panga. Si ate Patty ba talaga yun?
Woah. Parang anghel na supermodel ang dating. Natitibo ako! Hahaha. De joke lang. Ang ganda talaga kasi eh! *O*
Nakaputing loose top siya, black pants and chanel shades. Nakahigh heels din siya at light lang ang make-up. Wow! Magiging idol din siya ni Bea, promise!
Naghug sila ni kuya pero hindi nagkiss. Nahiya kasi siguro. Hihihi! Nahiya pa eh. XD
Nakita ako ni ate at nagulat.
"Oh my! Is this Kim already?" Tanong niya kay kuya.
"The one and only!" Sagot ko sabay ngiti. Napangiti siya sabay yakap saakin.
"Wow Kim!" Napakalas siya ng yakap. "Look at you! You're so beautiful! Ang tangkad mo na rin!"
"Syempre. Gwapo ang kuya eh." Tinaas baba niya ang kilay niya.
"Che!" Sabay naming sigaw ni ate. Nagtawanan kami habang si kuya ngumiwi at namulsa.
"Thank you ate! Pero OMG naman! Ni wala sa kalingkingan ng beauty mo ang beauty ko! Ang ganda ganda mo! At namiss kita ate!"
"Awh, thanks baby Kim. And I missed you so much as well. Kung alam mo lang." She gave me an apologetic look. Hinawakan niya rin ang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya. Pero nagulat ako sa batang hawak ni ate Patty sa kanang kamay niya.
Nanlaki ulit ang mga mata ko.
"OMG! May anak ka na ate?! Pero..sino ang ama?" Tumingin ako kay kuya na worried ang itsura. "Wah! Kung hindi yan kay kuya, hindi pwede! Wah---" Tinakpan ni kuya ang bibig ko.
Hindi pwede! Paano na ang barko kong KyCia? Gusto ko ng magandang sister in law! Hindi ako papayag! My ship should sail!
"Shh! Ano ba Kim. Wag ka ngang mag-eskandalo." Saway ni kuya.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...