CHAPTER 22:
Galak***
"..The nominations are closed. And the nominees for Prom King are.."
Nagsitilian na ang mg babae kong batchmates. Yung katabi naming section, rinig na rinig ko ang sigawan. Lalo na sa loob ng classroom mismo namin!
"Waah! Sana makapasok sa nominees si Papa Kyrex!"
"Si Prince Mike! Ayieeee!"
"Si Papa James din! Waah!"
"KIRBYYYYY!!!!"
"EJ Falcon! Este EJ Fuentes!"
"Light Alexander Aragon!!!"
"Mike Tyson!!!!"
Jeez. -_____- Marami pa silang sinabing names kaya lang tinakpan ko na ang tenga ko sa ingay.
Malapit na pala ang Prom namin, just 5 days to go kaya eto at nag-aannounce na ng nominees for Prom King and Queen. Kaninang umaga hanggang lunch time yung nomination kaya at this very moment, natally na nila yung votes at agad may result. Via computer kasi ang voting kaya talagang mabilis. Technologies nga naman. Honestly, I'm not really excited about dun at lalo ng hindi ako nag-aambisyong makasali sa mga nominees di tulad ng most of the girls. No thanks!
"Light Alexander Aragon.."
Narinig kong naghiyawan yung kabilang section. Si Light ay captain ng Football team. Sikat din siya dito, malamang at isa din sa hearthrobs. Charming pero may pagka mysterious siya pero yun ata ang gusto ng mga babae sakanya. Brazilian hottie ang isang to kaya makalaglag panty din. Old crush nga yun ni bes Bea eh. Lahat naman ng gwapo eh. -____-
"James Bryan Vasquez.."
"Yiiiiiii Papa James!"
"Team Vasquez for the win!"
Girls. -_____- Pinandilatan naman ni bes Bea 'yung mga 'yun. Natawa tuloy ako.
Naghiyawan rin yung boys' section na katabi nung katabi namin. Yup, magkakalapit lang naman kasi ang rooms namin. May dalawang boys' section lang sa babang floor at dalawang girls' section din. Tinukso naman namin si bes Bea na kinikilig at proud sa boyfie niya.
"Michael Anthony Tyson.." And the girls went wild.. Again.
"SI PRINCE MIKE!!!!!!"
"OMGEEEEEE!!!!! I'LL VOTE FOR HIM!!!"
Jusmeng sigawan yan! Alam na. Kaya di na ako nagulat. Last year nga nanominate siya kahit 3rd year pa lang! Dapat seniors lang eh. Lakas talaga ng appeal ng Mike KO. Oh! Walang aangal. Haha!
"Haha! Like expected!" Sabi ni Stella sabay ngisi. Tinutukso naman siya ng mga alipores niya. Che! Baka lagyan ko lang ng sili ang mga bibig ng mga babaeng to. Tss.
"Kirby Cheng and.."
Wow! Si Kirbs nominated din! Sabagay B-Boys. What do I expect? Eh sila kaya ang pinakasikat na boys sa school naming to. Kiniliti naman namin si bes Anne na tinatapik naman kami. Sungit! Haha!
"Nathan Justin Villamor."
O__O Woah! Si Nate?! Seriously?! Pero wait, bakit ba ako nabigla? Eh gwapo naman siya at sikat din dahil sa dance troupe eh. Again, what do I expect?
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...