CHAPTER 67

18.6K 501 88
                                    

CHAPTER 67

Nagising ako at puting pader ang una kong nakita. Nakita ko rin ang braso ko at mukhang nakatulog akong nakasandal sa mesa habang nakasideview kaya naman napaupo ako at pinaikot-ikot ang ulo ko dahil medyo masakit ito. Nangalay na eh.

Pero teka, napansin kong iba ang damit ko! At nasaan nga pala ako?! Wah! Nakidnap na naman ba ako?! Huhu!

Napatingin ako sa may harapan ko and I saw my own reflection at the mirror that has big bulbs on the sides. Mukhang nasa isang dressing room ako.

Bakit ako nakapang maid uniform?! At ang sosyal ko naman atang maid kasi nakamake-up ako! Pero hindi yun ang tanong kundi..anong meron?!

Bigla na lang may kumatok sa pinto at may pumasok na babae. Teka..

"Betty?!" Nakaheadphone siyang may yung speaker sa bibig at may hawak na parang pad at ballpen. Ngumiti sa akin.

"Hi miss Kim! Buti po't gising na kayo."

"Nasaan ba ako? At bakit ako nakapangmaid? At sinong nagbihis saakin?" Mukha ba akong maid?

Nasa harapan ko na siya at tumayo ako para ipakita yung suot ko.

"You're in the audi's dressing room po. Wala po kasi si miss Tamara kaya naman po ikaw ang pinalit ni direk as Cinderella since ikaw naman talaga ang original. At sina Micah at Jen naman po ang nagbihis at nagmake-up sa'yo." Nakangiti niyang sabi.

"ANO?!" Ako? Ako na ang lead sa play? The heck?!

"Asan ba si Tammy?" Seryoso ba to? Wala man lang hours of warning? My gahd!

"Di po namin alam. Basta sabi ni direk ikaw na daw po ang gaganap na Cinderella!" Masiglang sabi ni Betty.

"Pero..yung mga lines! Ano..baka mamali o makalimot ako!" Eh kasi naman kahit saulado ko yung mga yun, ang pressure teh! Hindi ako prepared!

"Don't worry po. May tiwala si direk sa'yo at ako rin po. Kaya mo po yan, ikaw pa! Alam mo miss Kim. Mas okay ka pang magCinderella kaysa doon sa Tamara. Kaya ang saya ko ng malaman kong ikaw na ulit. Mas bagay po kayo ni kuya Mike." Kinikilig niyang sabi.

Oh shocks. Oo nga pala si Mike! Paano na to? Wah! Inis pa siya saakin eh. Di kaya maapektuhan ang play namin dahil doon? Sana hindi naman.

Pero talking about reality...ako na talaga! Me already! Ako na ang bida! Pero teka..ano nga bang nangyari kay Tamara? Bakit wala siya sa importanteng araw niya? Ilalaglag niya pa si Mike at ang play dahil sa MIA siya. Hmp!

Di Mo Lang Alam (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon