CHAPTER 47
'Seven hundred two, seven hundred three, seven hundred four..'
Aish! Ano ba yan. Hindi na naman ako makatulog! Naubos ko nang bilangin ang mga tupa, pati mga ipis, lamok at langgam nga nabilang ko na rin.
Napatingin ako sa katabi kong nasa may kabilang gilid ng kama. So technically, hindi kami magkatabi talaga. Pero magkatabi na rin. Ah basta! Mabuti pa siya himbing na himbing sa pagkakatulog.
Napatingin ako sa phone ko at alas-dose na pala. Hay nako, good luck na naman lang saakin bukas. Big event pa naman. Bahala na nga.
Dahan-dahan akong bumangon sa kama at umalis ng kwarto namin. Gusto ko sanang uminom ng hot choco pero lalo lang akong di makakatulog niyan. Kaya naman maglalakad na lang ako sa labas. Para na rin makapag-isip-isip ng mga gagawin ko after nitong birthday ni bes.
Nasabi na rin saamin ni bes Bea na kakausapin niya na si James about sa pag-aaral niya sa France for college bukas. Sa tingin ko ay right time na rin ito. Mas magiging kumplikado ang lahat kung papatagalin pa nila ito. Nakakahalata na rin kasi si James eh. Kaya nga napapayag ko siya sa surprise namin kay bes kasi daw he wants to make her happy. Nagiging tahimik daw kasi o medyo ilang si bes minsan. Hindi lang niya siguro mapigilan minsan ang frustration na nararamdaman niya lalo na't nagtatago siya sa syota niya. I can't blame her though. Mahirap nga ang ganon.
Pagtapak ko sa labas ng hotel, sinalubong agad ako ng napakalamig na hangin. Oo, malapit na nga ang summer pero malamig pa rin lalo na kapag gabi, paumaga.
Nakalimutan kong magdalaga ng jacket. Ang galing mo talaga Kim. Tsk. Nakasando lang kasi ako at pj's. Feel ko lang nasa bahay ako eh.
Napayakap ako sa sarili at naglakad na patungong dalampasigan. Nasa harap din kasi ng beach itong resort kaya naman ang lamig talaga. Maliwanang naman ang paligid at tanaw na tanaw ang nangniningning na mga stars sa kalangitan.
Hay, stars again.
Umupo ako sa sa may malaking troso at tumingin lang ako sa tahimik na dagat sa harap ko. Ang peaceful naman dito. Sana ganito na lang ulit kapeaceful ang buhay ko. Yung walang masyadong iniisip...yung grades ko lang at ang photography club. Iyong walang Stella na lagi akong binubwisit at Mike na lagi akong nasasaktan. Yung walang RedStriker na nagbabata sa buhay ko at best friend kong nasasaktan sa sitwasyon niya dahil sa magkakahiwalay sila ng minamahal niya.
Pero sino ang niloloko ko?
Lahat naman tayo may problemang hinaharap. Kagaya ko, ilang milyon ring tao ang may problema. It's part of life. Pero naisip ko rin na sa milyun-milyong mga tao na yun, may mga mas malala pang problema silang kinakaharap kaysa sa akin.
Well, pwera na lang sa death threat na yun! Hindi ko lang alam kung seryoso ba yun o hindi. Baka naman hindi? Pero kasi, ilang beses na rin akong muntik nang mapahamak. At ngayon, alam ko na ang rason niya kung bakit niya ako binabantaan.
**Flashback
Hay ang cute talaga ni Dylan! Nakakatuwa siya na nakakatawa. Gets? Kasi naman kung makapagsalita parang binata na. Iba talaga kapag laking Amerika. Hindi mo aakalaing isang five-year-old ang kausap mo.
"Kuya, five years old lang ba talaga iyong si Dylan?"
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...