CHAPTER 10:
Nakaw"Orgs Fest Night na mamaya!" Nagsisisigaw ako sa kama ko paggising ko. Kinuha ko yung pillow na bigay ni Mike saakin at niyakap ko ng mahigpit. Inspiration lang. Pampaboost ng confidence. Pero mas masaya sana kung siya ang kayakap ko. Okay, ako na ang umaasa na naman.
Nakita ko rin yung stuffed toy na bigay ni Drew. "Selos ka ba?" Sabay tawa ko. Para akong baliw. Gosh! Eto na ata ang epekto ng pagiging paranoid. Tumayo na ako at huminga ng malalim.
"Kaya mo to Kim! Fighting!" Sabi ko sa sarili ko while doing a fist pump at pumunta na ng banyo para maligo.
Good vibes ako ngayon kahit na super tense na tense para mamaya. Dapat hindi ako paaapekto kagaya nga ng sinabi ni granny. Tumawag sakin si daddy na nasa airport na daw sila. Nadelay yung flight nila kaya hindi ko na sila nasundo kasi may pasok ako kaya mamaya ko pa silang gabi makikita. Hanggang 9PM na rin kasi matatapos yung Orgs' Fest Night.
Nagpractice kami ni Nathan nung lunch at sabay na kaming kumain after. Kahit isang oras lang yun, super dami kong namemorize! Inadrenaline rush ata ako! Pero buti naman nga kasi few hours to go na lang! Waaah!
Walang pasok buong hapon para na rin daw sa preparation sa Orgs' Fest Night kaya pumunta na agad ako sa Dance Studio. Pinasolo practice muna kami with our partners then by group na.
After 1 hour..
Wah! Memorize ko na ang lahat! OMG!
"Perfect! Ang galing mo pala Kim! 2 hours lang, kuha mo na agad! Galing!" Sabi ni Nathan at pumalakpak pa.
"OMG Nathan! I wouldn't have pulled this off without a great dance instructor. Thank you! Buti na lang at hindi ka nagsawa sa mukha ko." Natawa ako.
"No problem. Ikaw ang magaling na student! And I will never get tired seeing your face everyday. Sa ganda mong yan!" Sumilay ang mga dimples niya ng ngumiti siya. Ang cute talaga!
"Basketball player ka ba?" Tinaas ko ang kilay ko. He looked confused.
"Huh? Bakit?" Parang may mali akong sinabi sa klase ng tingin niya. Parang sumama kasi ang timpla ng mukha bigla. O baka nag-iimagine lang ako.
"Eh kasi ang bolero mo!" Sabi ko sabay tawa. Nawala ang aura na yun sa kanya at tumawa na rin siya ng mahina. Parang nakahinga siya ng maluwag.
"Hindi kita binobola noh! Totoo ang sinabi ko!" Sabi niya,
Eh? Uminit tuloy ang pisngi ko.
"Nathan! Tawag ka ni Chie." Sabi ni Kendra, ka-org din namin.
Phew! Save by the call!
Pumunta na si Nathan kay Chie at nag-usap ng sandali. Pagkatapos nun, dumating na si bes Bea pati yung ibang taga Dance Troupe na napunta din sa ibang orgs. May intermission number kasi sila kaya may final practice pa.
Habang nagpapractice sila, hinanap ko si Mike. Ano pa nga bang aasahan sa'kin?Searching.. Searching.. Ayun! Nasa labas at may kausap....si Stella na naman?! Grrr! Nakakainis talaga! Nakakalungkot din. Hay. Sa sobrang pagkadown ko, nagsoundtrip na lang ako. 'Oo' by Up Karma Down.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...