CHAPTER 57
***
"Sis? Wake up!"
Nagising ako dahil sa sigaw at katok ni kuya sa pinto pero nakapikit pa rin ako.
"Hmm.." Ano ba yan, ang sarap pa ng tulog ko. Naputol tuloy ang panaginip ko. Kumakain pa naman ako ng ice cream na kasing laki ng unicorn at pink colored pa!
"Sis! Come on, gumising ka na!" Aish! Napatingin ako ng oras sa phone ko.
"Hmm..oppa naman eh! May thirty minutes pa ako para matulog!" Nakakainis naman si oppa eh. Gisingin daw ba ako eh alam naman niyang hindi ako morning person.
"But somebody's here waiting for you. Kaya wake up na sis!"
"Huh? Who?" I asked groggily. Niyakap ko pa si Pillows. Hay, ang lambot talaga ni Pillows! Love ko na siya ulit eh.
"A certain white haired guy."
Sus! Si Ilaw lang naman pala eh. Wala namang---"Eh?!" Napabalikwas ako sa kama. Tumakbo na ako sa may pinto at pinagbuksan si oppa.
Bumulaga saakin ang kuya kong gwapo at bagong paligo at bihis. Kumusta naman ang itsura kong bird's nest hair at mukhang wasted?
"Bakit siya nandito?!" Pabulong na tanong ko sa kanya. Ke aga-aga naman ata niya. Pero hindi yun ang issue. Bakit siya nandito?!
Nagtaas ng kilay si kuya. "Seriously? He said he will fetch you. Sabay na raw kayo papuntang school."
Napaface palm ako. Ano naman kaya tong pakulo ni Ilaw?!
"Ah hehe. Oo nga pala.." Sabi ko na lang.
"Tapatin mo nga ako sis. Is he courting you?" Naningkit lalo ang mata niya.
And the bomb just dropped from the sky. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Anong sasabihin ko?! Eh hindi ko naman siya pinapaligaw eh. Trippings lang naman pati niya ang lahat ng to. Heller lang? So hindi naman talaga di ba?
"Uhm hindi oppa noh. Nagmamagandang loob lang siya. Good samaritan. And we're friends kasi." Tiningnan niya lang ako na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Oppa, promise! I'm telling the truth." Kahit abot Mindanao na ang ilong ko kasisinungaling, this time totoo na talaga to. Asa naman si Ilaw noh!
Huminga siya ng malalim bago tumango.
"Fine. Fix yourself then. Aalis na rin kasi ako. I need to go to the company earlier than the usual today para maasikaso ko na yung ibang papers sa table ko nang sa gayon ay makaalis ako ng maaga mamaya para sunduin sina dad."
"Ay oo nga pala oppa! Susunduin natin mamaya sina mommy di ba?"
"Anong natin? Hindi ka makakasama kasi may pasok ka pa. 3:30PM ang dating nina mommy kaya ako at si manong nalang ang susundo." Nagpout ako. Sayang naman! Akala ko pa naman makakasama ako sa pagsundo eh. Excited pa naman akong makita sina mommy at daddy.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...