CHAPTER 13:
AwitNagising ako sa maingay na tunog na cellphone ko. Tsk! Kainis naman yung alarm! Naset ko pala to, hindi ko na nabago. Eh kasi wala naman kaming pasok ngayong umaga. Ang sarap pa naman ng tulog ko. Grabe! Ngayon palang ata ako nakatulog ng matagal at mahimbing sa buong linggo.
Kinuha ko yung bag ko kasi andun yung phone kong sobrang ingay at inoff na ang alarm.
Umupo na ako sa kama ko nagstretch. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nagland yung mga mata ko sa kwarto ko. Teka, kwarto ko?! Pero paano? Ang natatandaan ko nasa kotse ako ni Nathan kasama siya pauwi.
Oh, nakatulog ata ko. Siguro si daddy ang bumuhat sakin paakyat dito kagabi.
Ay teka! Nagpa Korea na pala si dad kahapon kasama si mommy para tulungan si kuya sa company namin dun. May problema daw kasi eh. Ibig kayang sabihin..?!
Napaface palm nalang ako. Wala naman kasing ibang magbubuhat sakin eh. Wah nakakahiya kay Nathan! Nakita niya pa yung kwarto ko huhu! Pero hindi pa naman ako nakakasiguro di ba? Tama, stay positive lang Kim.
Nagring yung phone ko kaya tiningnan ko yung caller id. Nanlaki ang mga mata ko.
Nathan calling..
AWTSU! Anong sasabihin ko sakanya? Nakakahiya namang tanungin ko agad-agad yun.
"H-Hello?"
["Good morning KC! Kumusta ang tulog mo?"]
"Ah eh..ayos naman. Feel ko nga parang ang tagal kong hindi nakatulog."
Feeling ko napangiti siya sa sinabi ko. Feel ko lang ha?
["That's good to hear then. Hindi na kita ginising kasi himbing na himbing ka matulog kagabi."]
Ayun na, naungkat na yung kagabi. Tatanungin ko na ba siya? Huhu!
May narinig akong sumigaw sa kabilang linya. Sino kaya yun? Mukang galit.
["Hay. Sige na KC I have to go. Kita nalang tayo sa school ha! Ingat ka! Bye!"]
"Ah sige ingat din. Bye!"
Naputol na yung linya. Hay buti na lang. Natense ako dun ah! Pero feel ko pa rin ang good vibes ngayon. Para akong naenergized. Siguro dahil na rin sa nalaman ko kagabi about kay Mike. Para akong nabunutan ng tinik. Mamaya magthathank you pa ako kay Nathan at tatanungin ko na rin yung about dun.
Kinuha ko yung picture namin ni granny at hinalikan ko to.
"Good morning granny! I know andito ka lang nagbabantay parati saamin. I love you granny and I miss you so much!"
Hindi pa rin nawawala yung sakit sa pagkawala ni granny pero habang lumilipas ang araw, mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi naman ako pwedeng magmukmok nalang ng magmukmok. Baka multuhin pa ako mi granny nito eh. Sabi nga niya noon, 'Life goes on'.
Tiningnn ko ulit yung bag ko at may nakalabas na something kaya kinuha ko to.
Yung pink rose! Ay oo nga pala, nailagay ko pala to sa bag ko. Medyo lanta na siya pero buhay pa! Kinuha ko yung phone at pinicturan ito. Kinuha ko yung scrapbook ko at tinape yun doon at nilagyan ng caption: 'First pink rose I received. -From Superman' Napangiti ako. Kinuha ko na rin yung pink na cute na teddy bear at nilagay sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...