CHAPTER 32:
Tangay"Jiovanni Mercado. Any bid?" Tanong ng host na si Jigger, VP ni bes Anne.
"10K!" Sigaw ni Maam Agnes. Hala?! Kasali rin pala ang Faculty?
"12K!" Sigaw naman ni Lourvic, volleyball player.
"Ahhhh! Fifteen thousand!" Sabi nung cute girl na si Mariz.
"15K and a kiss!" Sabi nung kaibigang flirt ni Mariz.
"20K!" Sigaw nung nerd. Aba..
"20,001!" Sigaw ni ateng chubby. May piso pa talaga?
"30K and a smack!" Sigaw nung baklang third year. The ef?! Wag naman sana...
"35K!" Sabi nung babaeng maganda na nakaskirt na maiksi. Hay salamat. Wholesome pa naman kaya safe si Van.
"Any more bids? SOLD TO MISS BEAUTIFUL! Say hello to your date for the day!" Sigaw nung host. Nagpalakpakan ang mga tao at abot tenga ang ngiti ni ateng maganda. Third year ata to? Pero bakit ate ang tawag ko? Ay basta!
Nandito ako ngayon nanonood sa last bidding of the day habang naghihintay sa turn kong ipagbili din. Waah! Oo, nahuli kami ni Light and it's all my fault. At oo, siya yung lalaking humila saakin papasok sa janitor's closet.
Nakita ko siya sa kabilang side. Hiwalay kasi ang side ng boys at girls. I mouthed 'Sorry' kasi sobrang naguiguilty talaga ako. Pahamak naman kasi talaga ako eh. Nang dahil saakin nahuli kami. Tsk!
Nakita ko siyang nginitian ako at nag thumbs up. Kahit ilang beses na rin niyang sinabing okay lang, sorry pa rin ako ng sorry.
Naalala ko tuloy yung nangyari kanina sa janitor's closet.
**flashback
"Light?!" OMG! Si Light Aragon! Teka, bakit ba ang OA ng reaksyon ko?
Kumalas na ako sa yakap niya kasi nakakahiya na. Ang bango sana niya pero ano ba yan. Ang awkward!
"Yup, it's me. Are you okay? Nasaktan ka ba?" He scanned my face with worry.
Naalala ko yung sinabi saamin ni Anne. Na siya ang nag-utos sa football slash soccer team na kidnapin ako noong Orgs Fest. Siya nga kaya yung...o baka napakiusapan lang...haist! Kulang pa ang evidence namin.
"Huh? Hindi naman. Okay lang ako. Ano, salamat pala sa pagtulong. Teka! Dito ka pala nagtatago all this time?" Wow lang ah, kaya pala di siya mahanap ng seekers kasi sa janitor's closet ba naman nagtago.
BINABASA MO ANG
Di Mo Lang Alam (PS #1)
HumorWhen the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa rin sa huli.. kahit sobrang masakit na? "Oo, all this time pasimple lang ako. Kunwari wala lang, dea...