Chapter 30

165 12 30
                                    

Magulo

Habang naglalakad ako papuntang faculty room para ihatid ang Chai Latte ni Ma'am Nadz, nakikita kong tumitigil ang karamihan ng mga nasasalubong ko para magbulung-bulongan.

Bwisit kasi na Lance yan, masyadong eskandaloso.

"Kilala ko yan," sabi ng isa.

"Bianca Mariano, Lance Ardevela's."

Hindi po ako pag-aari ni Lance, for your information. Hindi ako pumapatol sa mga... Ugh.

"Bakit naman kaya magugustuhan siya ni kuya Charles, hindi naman siya ganun kagandahan." Sabi ng isa.

"Aba, niloloko lang tayo ni kuya Lance." Sabi ng isa. "Mas gusto ko sila magkatuluyan ni ate Jacelle."

"Oo nga, bagay sila ni ate Jacelle!"

Edi sila na, hindi ko naman pinagpipilitan sarili ko sa kanya!

Nakakakulo ng dugo ang mga parinig ng mga tao dito eh, lalo na't ihahambing ka pa kay Jacelle.

"Nabrokenhearted ako, nagproclaim na si crush na may gusto siyang iba!"

Kahit sayong-sayo na si Lance, wala akong pakialam. Saksak mo pa sa lalamunan mo!

Pagkadating ko sa tapat ng Faculty room, kumatok ako at inilagay ang Chai sa table ni Ma'am Nadz.

"Ano yung nabalitaan kong proclamation sa labas, huh?" Ngisi ni Ma'am Nadz. "Eto namang si dalaga ko, pumapag-ibig."

"Nako po Ma'am, wala po akong gusto dun."

"Wala naman akong sinasabi ah," pang-aasar niya. "Bagay kayo."

"Sinong bagay?" Tanong ni Ma'am Chatree.

"Si Bianca at--"

"Ma'am Nadz naman, wag!" Sabi ko.

"Kung wala ka namang gusto kay Lance bakit ka nahihiya?" Ngisi niya.

"Lance at Bianca? Akala ko ba sila ni Jacelle." Tanong ni Ma'am Chat.

"Sila nga po." Sabi ko.

"Huh? Ang gulo." Sabi niya.

"Basta po, walang kami." Ngisi ko.

"Sige na, kumain ka na. Baka abutan ka ng bell." Tawa ni Ma'am Nadz.

"Sige po, bye Ma'am Nadz! Bye Ma'am Chat!"

Pagkalabas ko, andun pa ein yung bulungan ng mga tao-tao kung sino ako, kaya yumuko ako habang naglalakad pabalik ng room.

Una, si Renzo ang sumira ng gana ko kumain. Pangalawa, si Lance, sayang na sayang yung Carbonara ko!

"Uy!"

Hindi ko napansin na babangga na pala ako sa isang tao, hinawakan naman ako ng nakabangga ko sa dalawang balikat para hindi ako matumba.

"Bianca," ngiti niya. "Long time no talk ah?"

"Hi kuya Charles!" Ngiti ko.

Well, kahit hindi na ako kumain, ngiti lang ni kuya Charles ay ulam na!

"So... Kamusta ka na?"

Eto, kinikilig ako ngayon.

"Uhm, ayos lang po!" Ngiti ko. Kahit magtitigan lang tayo, ayos na ayos ako. "Kayo po, kamusta na?"

"Ayus lang din." Aniya at inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa. "Kamusta kayo ni Lance?"

"Kuya naman eh, pati ba naman ikaw? Walang 'kami' ni Lance." Sabi ko habang nakahawak sa ulo ko.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon