Audition
"Magkakaron daw tayo auditions ngayon." Sabi ni Loi habang nagsusuklay ng kanyang straight brown hair.
"Auditions for what?" Tanong ko sa kanya.
"Hello. Bianx, nakalimutan mo na ba na naghohold ng auditions ang RhythmMovers and Dynamics tuwing start ng school year?" Sagot niya sakin habang natatawa. RhythmMovers ang pangalan ng dance club dito sa school namin at Dynamics naman ang glee club, hindi ko din alam kung bakit yan ang pangalan nila pero I think it's okay?
"Ayy oo nga pala. Ano naman ngayon kung merong audition?" Tanong ni Eve sa amin.
"Hindi ba kayo nakikinig sa balita?" Sabi ni Loi habang tinatali na ngayon ang kanyang buhok.
"Ano ba Loi, paano namin malalaman ang balita? Syempre ikaw ang makakaalam ng mga balita sa mga clubs na yan kasi member ka ng RhythmMovers at inaabangan mo naman yung crush mong si kuya Andrian sa Dynamics." Tawa ko ng mahina.
"Pssh, inggit ka lang eh. Kasi po mga ateng, may bagong twist ang audition ngayon." Sagot niya muli.
"Twist?" Ani ni Eve.
"Oo, twist. Dati kasi kapag mga auditions, hinohold lang sa classroom. Ngayon, auditions will be held at the covered court." Ngisi niya.
"Hindi ba nakakatakot yun? I mean audition pa lang tapos nakaharap ka na sa madla?" Tanong ko. May fear din kasi ako sa crowd, knowing na ganun yung magiging sitwasyon nagtaka lang ako.
"Well, sa first nakakatakot talaga. Pero you know, kung matanggap ka din naman sa mga clubs na yun, you'll face them too. Kaya, walang pinagbago." Sagot niya.
"Sino naman ba kasi ang meron dun at nabring up mo yung topic na 'yan?" Tanong ni Eve.
"Hmm. Magpeperform kasi kaming RM and konting Dynamics. So parang may program talaga." Ngiti niya sa amin. Bilib na bilib din kasi ako sa bestfriend kong ito, ang tali-talino na nga, ang active pa sa mga extra curricular.
"Sino ba mga kakilala o sikat na nandun sa RM, ha?" Tanong ko. Masaya manood ng mga ganyan kasi ang gagaling lang talaga nila gumalaw, halos parang walang buto kung gumiling.
"Mm... Si ate Divina, ate Lois, ate Catt, kuya Simon, kuya Lloyd, kuya Xander, kuya--" pageenumerate niya pero bigla akong napatigil, Xander? Si kuya Charles?!
"Wait lang Loi, Xander? As in Alexander Charles Faundo?" Tanong ko. Nafefeel ko nanamang bumibilis ang tibok ng puso ko. Omg. Kuya Charles please!
"Ayy ang galing, kilala mo si kuya Xander? Naks, stalker mode ka nanaman bes." Tawa ni Loi na nangaasar pa. "Crush mo no?"
"Oo." Nahihiya kong sabi. Ang gwapo kaya ni kuya Charles super bait pa hindi tulad ni... Ugh!
"Ikaw ah. Alam mo ang galing sumayaw nun, gusto mo pakilala kita?" Tulak niya sa akin ng mahina. Ayan na, kinikilig na si Loi, nanunulak na.
"Grabe ka naman manulak, Loi." Tawa ko. Napansin kong nananahimik si Eve. Bakit kaya?
"Eve, ayos ka lang?" Tanong ko habang hinahawakan ang kanyang balikat.
"Oo naman ayos lang ako, inaantok din kasi ako eh." Aniya at humikab.
"Ganun ba," ibinaling ko muli ang tingin ko kay Loi. "Anong oras simula ng auditions niyo?"
"Bakit, magaaudition ka? Maawa ka naman, Bianca. Alam kong frustrated dancer ka pero wag mo pahiya sarili mo sa stage." Pangaasar niya. Super alaskadora din 'to minsan eh no?

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?