Cheated
Lumipas ang ilang araw, hindi pa din ako tinitigilan nila Eve at Loi sa pagtukso kay Lance. Kung iisipin mo nga naman, kapag may kaaway ang bestfriend mo, dapat kaaway mo din. Sa kaso namin ni Lance? Imbis na mainis din sila sa kanya, tinutukso pa ko sa kaniya lalo. Mga baliw talaga 'tong mga to.
"Good morning class." Bati ni Ma'am Iza sa amin. Oh no, ibabalik na niya ang resulta ng long quiz namin sa Math!
"Good morning Ma'am!"
"So kakatapos ko lang i-check ang long quiz niyo. I need to see your parent's signature on these para bigyan ko kayo ng quarterly exam, okay?" Aniya at kinuha sa bag niya ang mga resulta.
Kinakabahan ako. Sobrang nag-effort ako dun sa long test na 'yun kasi gusto kong makabawi.
"Bianca, anong nangyayare sa'yo?" Bulong ni Eve.
"Natatakot ako, baka bagsak nanaman ako. Ang bobo ko talaga!"
"Hindi ka bobo, Bes. Tinatamad ka lang mag-aral, hindi ka babagsak, ano ka ba!" Bulong naman ni Loi.
"Sinasabi niyo lang 'yan kasi kaibigan ko kayo."
"Ang kulit mo, alam mo yun?" Sabay pa na sabi nila.
"Gusto ni Xander ng matalino." Naalala kong sabi ng mga ate dun sa bleachers. Paano na lang yan, Bianca? Think positive!
"Ms. Bonus." Tawag niya kay Isha. Pagkakuha naman niya sa test paper niya ay lumukot ang kanyang mukha. Lalo akong kinabahan sa facial expression niyang yun. Lumingon ako kay Eloise at Evian at nakitang kampante lang sila, hindi sila mukhang stressed na stressed katulad ko.
Nung kinuha namin ang exam na iyan, sobrang nadalian ako to the point na ako pa yung nauna magpasa. Sabi naman ng iba, "When it's easy, you're doing it wrong."
"Ms. Padilla." Tumayo naman si Eve at kinuha ang test paper niya, tumingin sa akin at ngumiti.
Kinakabahan talaga ako, nagpapawis na yung kamay ko sa sobrang kaba tila parang inaagusan ng tubig sa sobrang dami ng pawis. Feeling ko, exaggerated yung description ko na 'yun pero ayun talaga.
"Ms. Peregrino." Tumayo na si Loi at kinuha ang paper niya at kagad bumalik. "Kaya mo yan, Bianca."
"Kinakabahan talaga ako." Bulong ko sa kanya at hinigpitan ko lalo ang hawak ko sa panyo ko. Parang may butterflies pa nga ako sa tyan na ewan, kinukurot ko na ang sarili ko para kumalma pero hindi ko kaya.
"Ilang ang nakuha mo, Loi?" Tanong ni Eve.
"47. Ikaw?"
"45. Kulang kasi ako ng negative sign sa mga solutions ko." Napasimangot pa siya ng bahagya.
Madami na siyang tinawag pero wala pa din yung paper ko sa isa sa mga nabalik. Paano kung highest to lowest ang pagkaka-ayos. Paano na lang ako?!
"Class," pagsimula ni Ma'am. Hala, magdidiscuss na siya? Wala pa yung paper ko! Gusto ko na umiyak, asan yung paper ko?
"Gusto ko i-acknowledge ang achievement ng isa sa inyo. I'd like you to give her a big round of applause kasi na-perfect niya ang exam." Sabi ni Ma'am.
Tumingin ako sa paligid ko at nakitang maski si Jacelle ay wala pang papel. Siya na nga ang nakaperfect ng exam!
"Nako, Jacelle! Ikaw na talaga ang matalino! Na-perfect mo yun?" Rinig kong sabi ni Jiezel.
"Si Jacelle ang nakaperfect?" Tanong ni Eve.
"Wow, sino kaya ang nagpakopya?" Bulong ni Loi.
"The test was so easy naman kasi. Kaya kong sagutan yun kahit tulog ako." Tawa ni Jacelle. "Joke."
Napairap ako sa mga sinabi niya. Bruha talaga yun, sobrang yabang!
"Nagbunga na ba ang pagsusunog mo ng kilay sa Math, Bee?" Bulong sakin ni Evian.
"Hindi ko nga alam eh. Nakakaiyak." Bulong ko pabalik.
"Ms. Jacelle." Tawag ni Ma'am Iza sa kanya. "Ms. Mariano."
Malaking ang ngiti niya nuong pumunta siya sa harap samantalang ako, nanlalamig ang katawan pero tumayo pa din para kuhanin ang test paper ko. Magkatabi kami ni Jacelle sa harap at sabay kinuha ang mga papel namin.
"Congratulations." Sabi ng teacher namin at nakangiti.
Hindi ko pa tinignan ang test paper ko kasi natatakot ako kaya naka-upside down siya sakin, inantay ko muna makabalik ako sa pwesto ko, pero si Jacelle, naiwan sa harap na nakatingin sa papel niya.
"What?!" Sigaw niya na ikinagulat ng lahat. "Paanong hindi ako nakaperfect, ang dali-dali ng exam?!"
Ibinaliktad ko ang papel ko at nakitang may nakasulat.
50/50 = 100% :) KEEP UP THE GOOD WORK!
"Oh my gosh." Bulong ko, agad naman tinignan ni Evian at Eloise ang papel ko at napa-palakpak. Is this real, is this real?
"Naks, iba na talaga kapag inspired." Tawa ni Loi.
"Jacelle, makakaperfect ka sana kung sumunod ka lang sa instructions. Nakalagay sa instructions ko is to write TRUE or FALSE, hindi true or false." Sabi ni Ma'am.
"What's the difference?" Sabi ni Jacelle.
Hindi pa rin ako makapaniwala, oh my gosh! Naka-perfect ako! Pwede ko na ipaframe yung test paper ko sa sobrang tuwa.
"So class, ang highest natin ay si Bianca." Ngumiti sa akin si Ma'am Iza. "Sana ipagpatuloy mo yan, ha?"
"Ang galing talaga ni Bianca ko!" Sabi ni Renzo habang nag-standing ovation pa.
"Ayiie!"
Nagpalakpakan naman silang lahat habang tinutukso ako kay Renzo, except sa J4 na umiirap irap pa. Tumungo ako at medyo na-teary eyed. Ngayon ko lang napatunayan na, kaya ko pala talaga.
"What if she cheated?" Pagpaparinig ng grupo ni Jacelle, ang J4. Bakit J4? Sa mean girl group nila, coincidentally, lahat sila nagsisimula ang pangalan sa J. Jacelle, Jiezel, Janelle, and Jamilla.
Napalingon naman sila Evian at Eloise sa kanila.
"Matalino si Bianca ko." Sigaw pa ni Renzo, thankful akong kinakampihan niya ko pero na-aawkward-an pa din ako sa kanya.
"Hindi nangongopya si Bianca no." Sabi ni Eve.
"Nag-aral siya ng mabuti para sa exam na 'yan." Dagdag ni Loi.
"You're only supporting her because you're her friends. Tignan na lang natin sa next exam natin." Maarteng sagot ni Janelle.
"Bitter lang kayo kasi hindi kayo marunong sumunod sa instructions." Sabi ni Loi at tumingin na ulit sa harap.
"Tama na yan," awat ni Ma'am Iza kasi magsisimula nanaman ang J4 sa pagsagot. "I believe na nag-effort si Bianca para sa test na 'to at hindi siya nangopya. So for that, congratulations again, Ms. Bianca."
"Thank you po." Sabi ko ng mahina.
"So let's start our last lesson before the quarterly exams." Aniya at nagsimulang magsulat sa board.
"Eve, alam mo ba?" Panimula ni Loi na parang nagpaparinig lang sakin.
"Ano yun?" Sagot namin ni Eve.
"Isa daw sa signs na may crush ka ay ang pagiging matalino?" Tawa ni Loi ng mahina.
"Really? Ito bang crush na ito ay nag-ngangalang Lance Ardevela or Lorenzo Guillermo?" Tawa din niya ng mahina at nilagay ang kamay niya na parang L sa kanyang noo.
Napatingin naman ako sa kanila at napasimangot. Good vibes na ko, mga friends. Kita niyo na inspired na ko tapos bigla niyong ipapasok si Lance at Renzo sa usapan?
"For your information, si kuya Charles ang inspiration ko." Irap ko sa kanila ng pabiro.
"Wushu ka." Parinig ni Eve.
Mission accomplished na ba ako, kuya Charles?

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?