Note: Happy 5K reads, Ardevela! Mababaw pero masaya na ko dito. Hihi. Thank you very much po!
-------
Patay
Pumasok ako sa school na ang saya-saya na walang sisira sa araw ko. Kung tutuusin dapat nga malungkot ako kasi hindi ako sinipot kahapon ni kya Charles.
"Huy," sita sa akin ni Eloise. Tinignan ko ang nagtataka niyang mukha. "Sino ang hinahanap mo?"
"Wala." Sagot ko sa kanya pero lumingon-lingon pa din ako sa kabilang direction.
"Baka ma-daig mo na mga ostrich o kaya giraffe sa haba ng leeg ah." Tawa ni Evian. "Sino nga ba kasi hinahanap mo, ah?
"Wala nga kasi."
"Wala? Eh kanina ka pa dyan tingin ng tingin dun!" turo niya. "Lakas ng trip mo sa buhay eh noh?"
Nakapila kami ngayon para bumili ng pagkain, tingin pa din ako ng tingin sa likod ko at sa paligid. Sino nga bang hinahanap ko? Si La-
"Bianca."
Lumingon ako sa tabi ko at nakita ang nakangiti na si kuya Charles. Pero hindi yun yung ngiti na abot hanggang mata, ngiti na parang guilty?
"Alam kong dapat magkikita tayo kahapon pero kasi may emergency sa bahay eh. Kinailangan kong umuwi ng mas maaga." Bumuntung hininga siya at nilagay ang kanyang kamay sa batok niya. "Sorry talaga."
"Ayy ganon po ba?" nilagay ko ang lahat ng bigat ko sa kabila kong paa. Ang haba ng pila dito sa canteen, nangangalay na ko. "Ayos lang naman po."
"Ano ba yung ibibigay mo sa akin?" tanong niya.
Napatingin ako sa gilid ko at nakitang nagbubulungan si Eloise at Evian na para bang gumagawa ng chismis tungkol sa amin ni kuya Charles. Hampasin ko 'tong dalawang 'to eh, masyadong pahalata!
Paano ko naman masasabi sa kanya na nabigay ko na ang dapat ay para sa kanya?
"Ahh-" lumingon ako ulit sa paligid. "Wala na po kasi yun eh."
"Ahh-ganon ba? Ayo-"
"Xander! Tara na!" tawag sa kanya ng mga kaklase niya. Nilingon ako ulit ni kuya Charled na parang mas lalo pang naguilty.
"Sorry talaga pero kailangan ko nang umalis. See you around?" ngiti niya.
"Bye kuya!" sabay na paalam nila Evian at nakangisi. Bwisit talaga itong mga 'to, nagpapahalata pa eh!
Medyo mabilis naman ang usad ng pila kaya nakabili kami agad ng pagkain. Nang makalabas na kami ng canteen ay hinarangan ni Jacelle at ng mga kaibigan niya ang daanan.
"Pwedeng padaan?" tanong ko na medyo may pagkamataray.
"Ang lakas nga din naman ng loob mo eh no?" aniya at pinaikutan ako.
"Ano nanamang problema mo?" tanong ni Evian at medyo tinulak siya palayo at inalalayan ang pagkain niyang may sabaw.
"Problema?" tanong ni Jacelle sa kaniya at tinignan muli ako ng makarating na ulit sa harapan ko. "Si Bianca ang problema ko."
"Wala akong ginawa sa'yo kaya pwede ba, huwag kang humarang sa daanan." Malamig kong sabi at nagsimula na muli maglakad nang bigla nanaman niya akong harangin. "Ano bang problema mo, ah?"
"Ikaw, ikaw pa din ang problema ko." Lumapit siya lalo na sa akin kaya napa-atras naman ako. "May balak ka bang makulong?"
"Makulong?" napakunot ang noo ko. Anong pinagsasasabi nitong 'kulong'? Ang bata-bata ko pa para makulong at alam kong wala naman akong ginawang labag sa batas ng Pilipinas?
"Bakit mo gustong patayin si Lance, ha?" tinaasan niya ang kanyang boses at lalong lumapit sa akin hanggang sa bumangga na ang likod ko sa dinding.
"Patayin si Lance?" tanong ko pa din. Anong kinalaman ko sa pagpatay kay Lance? Bakit siya mamamatay?
"Tama na, Jacelle!" sinusubukan ni Eloise hatakin si Jacelle palayo pero pumapalag ito. "Pakawalan mo na si Bianca!"
"Muntik mo nang mapatay si Lance sa binigay mong Maja Blanca!" sigaw niya at hinampas ang hawak kong Styrofoam ng pagkain kaya natapon ito sa sahig.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, muntik nang mamatay si Lance sa Maja Blanca? Bakit? Inaalala ko naman ang binigay ko, alam kong hindi ito panis, bakit naman mamatay si Lance?
"Tama na sabi, Jacelle!" pilit nilalayo ni Evian si Jacelle pero pinipigilan naman ng mga kaibigan ni Jacelle sila Evian.
"May kung anong meron sa Maja Blanca na allergic si Lance! Alam mo bang hindi siya pumasok kasi nagkaron siya ng matinding allergic reaction?"
Hindi pa din ako makapagsalita, totoo ba yun? Muntik ko nang mapatay si Lance? Nanginig ang mga kamay ko, hindi ako makagalaw. Kaya pala hindi ko siya nakita buong araw, hindi pala siya pumasok kasi may allergic reaction siya.
"Jacelle!"
Hindi ako gumalaw, hindi ko alam kung kaninong boses yun pero nakatulala lang ako. What if namatay nga si Lance? Hindi ko na naramdaman ang gutom, nangingibabaw ang pag-aalala ko kay Lance.
"Umalis ka na!" utos nung boses.
"Ano ba, Renzo! Wag mo kaming pakielaman." Tinulak ni Jacelle si Renzo pero hindi ito nagpatinag.
"Pwede ba, Jacelle! Bakit ba kailangan mong ipagtanggol si Lance? Inutusan ka ba niya, ha?" malakas na sabi ni Renzo.
Natameme si Jacelle at tumingin na lang ng masama sa akin. "Hindi pa tayo tapos, Bianca!"
Umalis si Jacelle kasama ng mga kaibigan niya, nilapitan naman ako nila Evian, Eloise, at Renzo kung okay lang ako.
"Bianca?" tanong ni Renzo habang hawak-hawak ang mukha ko para tumingin ako sa mga mata niyang nag-aalala. "Bianca, kumalma ka."
"Si La-Lance. Mu-muntik ko nang mapatay si Lance." Nauutal kong sabi habang medyo nanginginig nginig pa.
"Lance is fine." Kalmado niyang sabi na tila sigurado siyang safe na si Lance.
"Paano?" tanong ko. "Paano mo nalaman?"
"I-I just know, okay?" pinunasan niya ang mga luhang dumaloy sa mata ko. "Calm down, he's fine. Exaggeration lang ang mga pinagsasasabi ni Jacelle."
"Pe-pero."
"Tubig, o." abot ni Evian sa akin. "Uminom ka, sobrang nanginginig ka ngayon, Bianca."
Hindi kami close ni Lance pero yung ideya na baka napatay ko siya ay nakakapagpalungkot sa akin. Ang sakit, nanlamig ang buong katawan ko. Kailangan ko siyang makita! Dapat masigurado kong buhay siya.
"Kailangan kong ma-makita si Lance." Tinignan ko si Renzo.
"Bukas mo na lang siya kausapin," aniya at inabutan ako ng Styrofoam na may lamang pagkain. "Kumain ka na muna, natapon yung lunch na binili mo. Ito, binilan kita ng bago."
"Pero si Lance?" tanong ko pa din kay Renzo.
Alam kong mag-kaaway si Lance at Renzo for some reason, pero hindi talaga matatahimik ang konsenya ko hangga't hindi ko nasisiguradong nasa maayos na kalagayan si Lance.
"Bianca," humugot ng malalim na hininga si Renzo. "Paniwalaan mo ko, papasok si Lance bukas. Kumalma ka. Bukas mo siya makikita, ayos lang ang pakiramdam niya. Wala kang dapat ikabahala."
Inalalayan ako ni Renzo papuntang room at saka tinabihan ako habang kumakain, pero nawalan na ako ng gana. Tila nabusog na ako sa balita ng pagkapahamak ni Lance.
Sorry Lance. I'm Sorry.
![](https://img.wattpad.com/cover/16679618-288-k963991.jpg)
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Fiksi RemajaIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?