Note: Hi Reader! Sorry ngayon lang ako ulit nakapag-update, nagkaron kasi ako ng bonggang problema sa school eh. I hope you understand. :( Eto na ulit si Lance at Bianca, nagbabalik!
Natuwa ako na medyo umangat yung reads nito, may nagbabasa pa din pala. Huhu. Thank you talaga!
Enjoy reading! :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 52
Tumingin ako sa orasan at nakitang may 15 minutes pa ko bago ako sunduin ni Daddy. Maraming nagtatanong sa akin kung bakit hinahatid sundo pa ako ng mga magulang ko kahit na malaki na daw ako, kung titignan mo yung iba kong kaklase marunong na magcommute. Anong gagawin ko kung strict ang parents ko diba? Pero I know, one day matuto din ako magcommute!
Naka-upo ako sa usual kong antayan, ang bleachers, nang biglang may upo sa tabi ko kaya napalingon ako.
"Hello." Ngiti niya.
"Hello."
There goes the butterflies in my stomach. So ano ang trip natin ngayon, Lance? Love begins in one hello?
"Hindi ka pa umuwi?" tanong ko na agad kong pinagsisihan. Malaman hindi pa siya umuwi, Bianca. Nasa harap mo nga diba?
Umiling siya, "May inaantay lang ako."
"Sino naman inaantay mo?" curious kong tanong.
"Ahh—"
"Hi Lance!" super sayang epal ni Jacelle. "Sabay na tayo umuwi?"
Ahh, siya pala yung inaantay ni Lance. Edi okay? Makakauwi na pala sila parehas.
Tumayo ako sa kinauupuan ko. Ano pa bang silbi ko ditto kung may sarili nang mundo yung dalawa diba?
"Bianca!" nag-papanic na boses ni Lance. "Saan ka pupunta?"
"Grabe ka naman," tawa ko at tumingin kay Jacelle na ang sama ng tingin sa kamay ni Lance na nakahawak sa kamay ko habang pinipigilan ako umalis. "Kung makapigil ka akala mo iiwan kita ah?"
Namula siya. Namula si Lance Zion Ardevela!
"Sisilip lang ako kung nandun na sundo ko no." tawa ko ng mahina. Ano ka ngayon, Jacelle?
"Sama na ko." Tayo niya rin pero agad naman kumapit si Jacelle sa braso niya at pinapaupo siya ulit."
"Dito ka lang Lance!"
"Pero—"
Makahawak eh, akala mo kanya! Hmp.
Pumunta na ako sa gate at sumilip to the left and to the right. Wala pa nga si Daddy. Ayaw ko naman bumalik agad dun at makita kung paano landiin ni Jacelle ang Lance ko. Ugh!
"Excuse me," ngiti niya. "Pwede ko bang matanong kung nasan yung Assistant Principal's Office?"
May isang matandang lalaki na lumapit sa akin na mukhang galing pa ng office. Sa pag-ngiti niyang iyon ay naalala ko nanaman yung ngiti ni Lance. Si Lance na dinidikitan ni Jacelle! Napasimangot ako at napailing. Nakakabadtrip talaga!
"Ahh dito po sa hallway na to, diretso po kayo tapos pangalawang pinto po sa kanan." Tinuro ko ang natatanaw na salamin ng office at ngumiti.
"Thank—"
"Pa!"
Nanlaki ang mata ko kay Lance na palapit sa amin ng matandang lalaki—Daddy niya pala. Omg, Daddy niya! Mukha ba kong tao ngayon? Nakakahiya! First meeting with future in law?

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
TienerfictieIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?