Note: Kay bagal mag-update ng writer eh no? Huhu. Super thankful ako dun sa mga taong nandyan pa din ngayon. Thank you!
Chapter 58
Pumasok kami ng classroom na basang basa. Napatingin ang buong klase sa amin kasi parang nag-swimming daw kami sa baha.
Hindi ako nagswimming sa baha, okay? Nagswimming ako sa mga luha ko, mga luha kong hindi naman deserve ni Lance.
Nanginginig yung buong katawan ko kasi nataong nakatapat yung upuan ko sa aircon. Eto yung mga panahong hinihiling ko na sana maramdaman ko yung mala oven na init ng Pilipinas.
Nakita kong nakangisi nang malaki si Jacelle sa gilid ko at nakatingin lang sa akin na parang nang-aasar pa habang nangangatog ako na parang basang sisiw.
Tumayo si Lance sa kinauupuan niya at lumapit sa akin para abutan ako ng jacket. Nakakatawa siya kasi sa distansya niya parang kakagatin ko siya, pero hindi ko pa din kinukuha ang jacket niya. Ayos lang na mamatay ako sa lamig kesa kunin ko yung jacket niya.
"Bianca," aniya na parang nasasaktan. "kunin mo na bago ka magkasakit."
"Anong nangyare sa'yo?!" malakas na tanong ni Renzo at agad hinubad ang varsity jacket na suot suot niya para itakip sa akin. "Bakit ka nagpa ulan?!"
Nakita kong masama yung tingin sa kanya ni Lance noong tinanggap ko yung jacket niya at pinipiga ngayon ang basa kong buhok.
"Thank you sa jacket." Mahina kong sabi sa kanya.
"Gusto mo ba samahan kita sa clinic? O kahit saan na meron pamalit? Baka kasi magkasakit ka." Nag-aalala pa rin niyang asikaso sa akin habang hinahawakan ang basa kong malikat.
"Wag na Renzo, ako na lang." matigas na sabi ni Lance.
"Tara Renzo, samahan mo ko please." Nanginginig kong sabi sa kanya. Hindi ko na talaga kinakaya ang lamig ng classroom.
Sumulyap ako kay Lance at nakitang nasaktan ko siya sa mga salitang binitawan ko. Mabuti yan at maranansan mo, wala pa yan sa kalahati ng nararamdaman ko ngayon.
Inalalayan ako papuntang clinic ni Renzo habang nanginginig sa lamig. Alam ko namang kasalanan ko na nagpaulan ako eh, nakakatanga lang talaga ata kapag nagmamahal ka. Hay nako.
"Nag-aaway ba kayo ni—"
"Wag na natin pag-usapan Renzo. Don't say bad words, okay?"
"Bianca, nag-away ba kayo ni—"
"Evian please," bulong ko sa kanya. "don't say bad words."
"Hindi naman ako magmumura eh, tatanong ko lang—"
"Shh."
Buong araw kong iniwasan si Lance. Ayaw ko makita ni-anino niya, ayoko ko ding maamoy siya. Nabwibwisit ako. Paulit-ulit nagrereplay yung halikan nila ni Jacelle.
Si Jacelle naman, ito tuwang tuwa. Ang sarap ilublob sa pool para maging sirena na lang siya tutal mahilig siya mang-akit ng lalaki. Bwisit.
Ilang beses sinubukan ni Lance lumapit sa akin pero lagi akong umaalis kapag nakikita ko na siya. Sira na araw ko, wag niya na tuluyan sirain. Bakakung ano pang masabi ko sa kanya kapag tinuloy niya. Please lang.
Bumalik ako sa garden at umupo sa isa sa mga benches at pumikit. Grabe Bianca, ilang beses ka na umiiyak. Hindi ka ba napapagod?
May umupo sa tabi ko pero sa amoy pa lang alam ko na kung sino ito. Ito yung taong nagpasakit ng puso ko.
Walang nagsasalita sa amin, hindi din ako tumayo para umalis. Nanatiling nakapikit ang mata ko para makiramdam na lang. Napapagod na kong umiyak. Sasabihin ko pa naman sana sa kanya na ayos na ulit ang lahat, excited pa naman ako ikwento sa kanya na...
Huminga siya ng malalim at nagsimulang kumanta.
"Kahit anong mangyari ang pag-ibig ko'y sa 'yo pa rin
At kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw pa rin ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita makikiusap ka'y Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin, Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa iyo at ika'y akin lamang."
Sa pagkanta niyang yun ay napakalma niya ako. Naasar ako sa sarili ko kasi napapakalma niya ako ng ganon ganon na lang. Kaya niya din ako saktan ng ganon ganon na lang.
"Hindi ko talaga siya hinalikan, Bianca." Mahinang sabi niya na parang tinetest kung sisigawan ko ba siya. "Maniwala kang ikaw lang mahal ko at hindi kita niloloko."
"Naiwan ko yung phone ko sa bleachers kahapon kaya napulot ni Jacelle. Pumasok ako ng maaga para kunin sa kanya yun—"
"Okay." Hinga ko ng malalim at binuksan ang mga mata ko.
Tumayo siya sa harap ko na medyo nakangiti na ngayon pero parang hindi pa din sigurado.
"Okay as in okay na tayo or okay as in..."
"Okay."
"Uhm..." hinawakan niya ang kanyang batok at binigyan ako ng hindi sure na ngiti. "I love you, Bianca."
"Ayoko nang mauulit 'to Lance." Mahinahon kong sabi at tinignan siya sa mata.
"Hi—hindi na 'to mauulit. Ikaw lang talaga Bianca, hindi kita iiwan diba?" aniya at nagkaro ng spark sa kanyang mga mata.
"Sana hindi ito maka-apekto sa friendship natin." Sinabi koi to sa isang flat na tono.
Ang ngiting umabot kanina sa kanyang mga mata ay agad-agad na nawala at napalitan ito ng gulat at lungkot.
"Fr—friendship?"
"Let's stay as friends." Sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Friends?" hindi makapaniwala niyang tanong. "Akala ko ba—"
"Madaming namamatay sa maling akala." Sagot ko agad at tumayo. "Sige, mauuna na ko friend."
"Friend?" mukhang tanga niya pa ding tanong. Narinig kong napamura siya ng mahina at napasabunot siya sa buhok niya.
Internally natawa ako ng malakas pero hindi ko papakita sa kanya iyon. Binibigyan na kita ng pagkakataong bumitaw ngayon, mahal na kita pero hindi ko kayang ibigay ang puso ko kung...
"Bye friend." Sambit ko ulit at tumalikod.
"Bianca naman eh!"

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Novela JuvenilIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?