Tawidzoned
Natapos ang klase namin at tama nga ako na hindi ako makakakain ng lunch dahil sa kagagawan ni Renzo. Tumingin ako sa relos ko, feeling ko malelate si Daddy sa pagsundo sa akin ngayon, sa pagkakaalam ko kasi meron siyang meeting tapos susunduin pa niya si Mommy.
"Gutom na ko." Bulong ko. Kapag talaga nagkaron ako ng Ulcer, papabayad ko hospital bills ko kay Renzo!
Pwede naman kasi ako tumawid sa may 7/11 sa kabilang kalye, kung hindi lang kasi sarado yung canteen dito, talagang ngayon sila maagang umuwi. Kawawa naman tung tyan ko!
Tawid?
Tumingin ako sa may gate, kailangan ko lang talagang tawirin yung dalwang kalye at makakapunta na ko sa sa 7/11.
Fun fact about me is that hindi ako marunong tumawid mag-isa, lagi akong may kasama bago tumawid ng kalye. Hindi kasi ako pinapabayaan mag-isa dahil ilang beses na ko muntik masagasaan dahil sa hindi pagtingin.
"Now or never, Bianca." Bulong ko. "Mommy, Daddy, at Ate K, kung mamamatay man ako, mahal ko kayong lahat."
"Bianca, kapag tatawid ka, kailangan mo muna tumingin sa kaliwa't sa kanan."
"Make sure na bago ka tumawid, kailangan malayo pa ang sasakyan."
"Stop. Look. Listen."
"Be watchful, wag distracted!"
Biglang nagflash lahat ng advices sa akin nila Mama sa pagtawid. Naramdaman kong namasa na rin ang mga kamay ko sa kaba, dalawang kalye pa lang ang tatawirin ko pero ganito na ko umasta, paano na lang kung buong highway?
Tumingin ako sa left, malayo pa yung kotse kaya tumakbo ako nang mabilis para maka-abot sa island. Huminga ako ng malalim at napangiti internally.
One more kalye to go and I will eat food na!
Sa side ng kalye na to, medyo mabibilis ang kotse. May mga truck, tricycle, at jeep na mabibilis, paano na ko tatawid?
Nag-antay ako ng mga ilang kotse na lumagpas pero mabibilis pa din sila, baka abutan na ko ni Daddy na nakatayo dito tapos hindi pa din ako kumakain.
Tumingin ako ulit sa kanan ko at napansing medyo malayo pa naman kaya naghanda na kong tumakbo papunta sa 7/11. Itinapak ko na ang isang paa ko at nag-antay ng kahit anong signal.
"Medyo malayo pa Bianca," bulong ko. "Go!"
Beep! Beep!
"Magpapakamatay ka ba?" Sigaw niya sa akin pagkatapos niya kong hatakin. "Muntik ka nang mahagip ng truck, ano ka ba?!"
Natameme ako sa mga pinagsasabi niya, lalong lalo na sa tono niya. Kitang-kita ko sa mata niya ang... Pag-aalala? Galit?
Ang bilis ng tibok ng puso ko, nakita ko din na parang naging mas dark ang grey eyes niya sa galit. Hindi ko napigilan ang sarili kong haplusin ang noo niya.
"Ano ba, Bianca?" Mas mahina niyang sabi ngayun, hindi na siya galit.
"Gutom na kasi ako." Sabi ko at inayos ang pagtayo ko. Inalis ko ang mga kamay ko sa balikat niya at tumingin sa paligid.
"Tara." aniya at humawak sa kamay ko.
"A--anong tara?" Nauutal kong sabi. Nanlmig ang kamay ko sa pag-hawak niya, bakit ba andito siya?
"Tara, kakain ka." Tumingin siya sa kanan at tumawid, hatak-hatak ako sa kamay ko.
Nang makarating na kami sa tapat ng 7/11, sinubukan kong hatakin ang kamay ko pero hindi niya ito binigay, lalo lang niyang hinigpitan.
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?