Chapter 4

220 10 8
                                    

Ice Cream

Alam niyo ba yung feeling na konti na lang maabot mo na? Konti na lang makukuha mo na yung inaasam mong satisfaction? Konti na lang pero sumablay pa? Yung moment na pwede ka ng kumanta ng ‘DI KO KAYANG TANGGAPIN!’ with feelings?

“Oh bes, wag ka na malungkot.” Ani ni Loi habang hinahaplos ang likod ko.

Kasalukuyan akong nagmumukmok at nakatingin ng masama sa test paper ko sa Math. Bakit ganon? Konti na lang, papasa na eh. BAKIT SEVENTY FOUR?! BAKIT BA AKO PINAGKAITAN NG 1 POINT PARA PUMASA?

“Patingin nga ng paper mo.” Inabot ko sa kanya ang paper ko ng hindi nagsasalita. Nakakabadtrip naman kasi talaga ang score ko, nagpaturo na nga ako at lahat kay Eloise. Sumablay pa din?! One point na nga lang hindi ko pa nakuha. Ang sakit maging almost passing. Patay nanaman ako kay Mama pag-uwi ko. Papasign-an ko nanaman ang test paper kong bagsak.

“Wag ka na malungkot, friend. Baka naman may pag-asa pang pumasa paper mo. Baka nagkaron ng maling counting, o kaya may hindi lang na check?” suggestion ni Eve.

“Ayoko na umasa. Ngayon pa lang nahihirapan na ko, paano na lang pag-dating natin sa high school. Kung makakapag-high school nga ako. Bakit kasi ang bobo ko sa Math?”

Hindi ko pa din matanggal sa sistema ko ang pagiging badtrip, isa na lang eh. Nakakahinayang!

“Tama na kasi yung solution mo eh, nagkamali ka lang dun sa last part. Bakit mo kasi nilagay na x – x = 1? Parang 1 – 1 lang yun eh.” Sabi ni Eve habang nakatingin sa test paper ko.

“Nabulag ako, hindi ko nakita na ‘1’ yung nalagay ko.” Depensa ko.

“Alam mo naman na kasing magkamali ka lang ng isa dyan sa solusyon mo maapektuhan lahat. Parang buhay lang ‘yan, Bianx. Kailangan nating maging careful sa mga decision natin or else apektado lahat.” Dagdag niya pa.

“Wala talaga akong mahanap, bes. Di bale, babawi ka na lang sa next quiz. Kaya mo yan, ikaw pa!” kahit kelan ang enthusiastic ni Loi. Hindi ko kayang pantayan ang pagiging ray of sunshine nito eh.

“Palibhasa kasi ikaw yung highest dyan. Paano kung hindi ako makapasa ng Math? Hindi ako makakagraduate!” gusto ko talagang sunugin na lang yung minurder na papel ni Ma’am. Puro bilog at pulang tinta. Naluluha na ko sa sobrang badtrip. 

“Wag kang nega, Bianx. Quiz pa lang yan, hindi pa yan ang final sentence mo.” Ani ni Eve.  Hindi ko pa din matanggal yung worry na bumabagabag sa akin. Naiiyak na ko. Ang laki kong disappointment sa mga magulang ko.

“Hindi ko talaga kayang iwasan mag-isip ng possibilities. What if—“

“Shh…” saway ni Loi sa akin at hinaplos ang likod ko muli. “Babawi ka. Sinasabi ko sa’yo, makakagraduate ka at makakapaghighschool ka, okay?” 

“Okay.” Pinunasan ko naman ang luha sa mata ko. “Thank you talaga, Eloise at Eve. Paano na lang talaga pag wala kayo.”

“Walang anuman ‘yon no. Dali, wag ka na sad. Libre kita ng gusto mo sa canteen, you like?” tanong sa akin ni Loi. Ganyan ang pag-comfort niya sa akin, basta sad ako, food kagad. Kaya mahal ko yan eh.

“Hindi na ko sasama ah? Diet kasi ako eh.” Ani ni Eve. Wow, diet. Bakit naman siya mag-dadiet kung hindi naman siya ganung katabaan? Kung tutuusin, ako nga dapat ang magdiet, baboy na nga ako o.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon