Chapter 45
"Sure ka bang wala kang hindi naintindihan sa Math?" Nilingon ko si Lance at napataas ang kilay. "Hindi naman sa—uhm—sina—sabi kong mahina ka—"
Nagkanda-utal utal na siya tapos medyo nagiging kulay kamatis pa yung mukha niya. Ano bang meron at hindi siya mapakali at panay ang tanong niya buong linggo kung wala ba akong hindi naintindihan sa Math?
"Wala? Sure?" aniya at napahawak sa kanyang batok.
"Kalma lang," sabi ko sa kanya at tinapik ang balikat niya. "Baka atakihin ka sa puso."
"Baka nga." Huminga siya ng malalim at pumikit. Ang laki ng problema nito panay ang buntunghininga eh. Magkakaron ba ng Doom's day?
"Alam mo na ba kung anong papanuorin nating movie, Bianca?"
Lumingon ako kay Renzo na nakakunot ang noo. Nakita ko naman si Lance na parang mas na-tense pa, nadamihan siguro ang inom nito ng kape?
"Paano ka naman nakakasigurong matatalo ako eh hindi pa nga natin nakikita yung exam?" tanong ko sa kanya.
"Nanalangin ako buong linggo na sana tuparin ang wish ko dahil naging mabait naman ako." Aniya at ngumisi.
"Mayabang ka lang." bulong ni Lance pero narinig yata ni Renzo kaya umiling lang ito.
"Wag kang mainggit, Ardevela." Pabirong sabi ni Renzo. "At least ako gumagalaw na, eh ikaw? Ano pang hinihintay mo?"
Sasagot sana si Lance pero nakita na niyang pumasok yung teacher namin na may hawak hawak na makapal na bond paper. Umaayos na lang si Lance ng upo at tumingin sa akin.
"Galingan mo ha?" ngiti niya. Isang totoong ngiti.
Ngiti lang ni Lance pampagoodvibes na.
"Ikaw din." Bulong ko at ngumiti.
"Kayo ah," kalabit sa akin ni Evian. "Galingan mo Bianca, kailangan manalo ako sa pustahan naming ni Eloise. LanCa until the end!"
"Good luck sa'yo, Evian." Ngiti ko sa kanya at tumungo.
"Everyone, keep your reviewers. Nothing on your desks except your pens."
Pagkatapos ilagay ng lahat ang mga reviewers nila sa kani-kanilang bag, sinimulan na ni Ma'am na ipasa ang mga papers sa amin. "Get one then pass."
Pagka-ikot ko ng papel, agad-agad nanlaki ang mga mata ko.
1. The lengths of two sides of a triangle are equal to a while the length of the third side is equal to b. Calculate the radius of the circumscribed circle.
Number one pa lang medyo napahinto ang puso ko. Oh my gosh. Unti-unti kong nararamdaman ang bilis ng tibok ng puso ko at panay na ang punas ko sa palda ko ng kamay kong medyo nababasa na. Am I going to live?
Kung bumabagal ang ikot ng mundo kapag nakita mo ang taong feeling mo ay gugustuhin mo, sa pagkuha ng exam bakit parang mas bumibilis?
"You only have 15 minutes left."
Tumingin ako sa relos ko at napansin na 45 minutes na nga ang nakalipas. I am really going to die! Anong nangyare sa mga minuto kong iyon? Nakita ko naman na napalingon sa akin si Lance at mukhang nag-aalala na sa akin. Papakopyahin niya ba ako?
Word problems ang buong exam at 15 numbers lang ito pero two points each. Feeling ko tuloy babagsak na ako. Magbibigay kaya si Ma'am ng one point kahit na mali yung sagot pero may solution? Sa solution na lang yata ako kakapit eh.
"Pass your papers."
At ganon ganon na lang natapos ang exam ko. Hindi ko alam kung tama ba ang pinag-gagagawa ko. Agad-agad nag-usap ang mga kaklase ko ng mga sagot nila. Sa mga naririnig kong sagot, wala akong narinig na kaparehas ng pangalan ko.
"Ayos ka lang, Bianca?" tanong ni Eloise. "Namumutla ka."
"Nanlamig lang katawan ko." Sagot ko sa kanya at ngumiti. Hindi ko na alam anong gagawin ko.
"O." abot sa akin ni Lance ng jacket niyang kulay itim.
"Ano yan?"
"Jacket?"
"Para saan?"
"Kasi nilalamig ka diba?"
"Uhm," inabot ko na lang ito at sinuot. Agad naman akong binalot ng pabango ni Lance. Omg, ang bango naman nito. Parang nilublob sa fabcon, ganito din kaya ang amoy niya? "Thank you."
"Basta ikaw."
"Lalabas na daw yung resulta mamaya, Bianca!" bungad sa akin ni Renzo na galing pa yatang labas at hinabol pa si Ma'am.
"Hindi ka naman excited sa resulta eh no?" iling ni Evian. "Kamusta ba exam, Bianca?"
"Hindi ko alam." Bulong ko sa kanya.
"Ikain na lang natin yan, tara na." sabi ni Eloise at hinila ako patayo. "Bakit ka may jacket kung ang init init?"
"Lance," sinusubukan nanaman ni Jacelle kunin ang attention ni Lance niya. "Nilalamig me. Can you make yakap me?"
"Tara na guys baka mahawa tayo sa sakit dito." Sakit sa utak.
Hinila ko na silang dalawa palabas at dumiretso ng canteen.
--
"Evian." Sabi ni Renzo habang may inaabot na papel sa kanya at may hawak na patong-patong na paper sa kabilang kamay.
"Binigay na?!" tanong ni Eloise at hinablot yung ibang papel kay Renzo.
"Anong score mo, Evian?" tanong ko sa kanya habang naririnig ko na ang tibok ng puso ko sa tainga ko.
"4 mistakes." Iling niya. "May hindi ako nafinalize na sagot!"
"Yes!" sigaw naman ni Renzo sa kabilang dulo ng room.
I'm dead.
"Bianca, o." abot ni Eloise sa papel ko.
Nakita ko sa gilid ko na nakatingin sa akin si Lance. Mas lalo tuloy bumilis ang puso ko sa kaba.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mata ko. Lord please po. Unti-unti kong binuksan ang mata ko at tinignan ang score ko.
"2 mistakes?!" bulong ko. Lord salamat po at hindi ako bagsak. Hindi ko po alam kung ano pong pinag-gagagawa ko pero ginabayan Niyo po ako. Thank you.
"Anong score mo Bianca?" tanong ni Renzo matapos niyang magtatatalon galing sa kabilang dulo ng room.
"Moment of truth." Bulong ni Evian na medyo nang-aasar.
"Ikaw muna." Sabi ko sa kanya at tinago ang papel ko sa likod ko.
"Ladies first."
"Ikaw muna!" diin ko pa.
"Ganito na lang, bato bato pik." Ngisi niya.
"Siguradong-sigurado kang mananalo ka ah?" puna ni Eloise sa kanya.
"Malakas ako kay Lord." Aniya at tumingin sa taas at itinuro ang daliri niya. "Game na."
"Bato bato pik." Sabay naming sabi.
"Oh my gosh." Talo ako.
"Sabi sayo eh, ladies first." Masaya niyang sabi. "Score?"
"28." Bulong ko.
"Ano?" aniya habang malungkot ang mukha. Oh my gosh, may alalay na ako next week?! YES!
"28 sabi!" sabi ko sa kanya habang nakangiti. Yes, panalo ako.
Malungkot pa din ang mukha niya at ibinaba ang papel niya sa table ko.
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?
