Bitaw
Nang matapos na ang klase, hindi na ko makapag-antay na pumunta ng canteen at maglakad-lakad, nakakastress ang araw na ito grabe.
Patayo na ko nang marinig ko ang boses ni Renzo, "Bianca, san ka pupunta?"
"Uhm," tinignan ko ang relos ko. "Lunch na, kaya kakain ako?"
"Pwedeng sumama? Wala naman sila Eloise at Evian, diba?" Untag niya.
Gusto ko talaga umiyak, bakit niyo ko iniwan, E and E. Bakit ngayon pa? Makakasama ko tuloy si Renzo. Ayaw ko kasama si Renzo, naiilang ako, please. Paguusapan kami ng madla!
"Ah eh," napakamot ako ng ulo, anong gagawin ko? "Ayoko nga."
"Bakit naman?" Lumungkot ang mukha niya. "Sige na please?"
"Bakit ba?"
"Eh kasi, gusto kong makita mo na mas karapatdapat ako para sayo kasi nandito ako palagi sa tabi mo at hindi si Lance."
Diniin niya yung pangalan ni Lance na para bang ang laki ng kasalanan nito dito. Ano naman kayang problema nila? At saka, karapatdapat? Really!
"Ano ba kasing problema mo kay Lance?" At ano nga naman ba ang pakialam mo, Bianca?
"Wag mo na intindihin yun," ngumiti siya. "Tyaka, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, pwedeng sumama makipaglunch sayo?"
Tinuluy-tuloy niya pa rin yung ang pag-puppyface. Napafacepalm naman ako, mentally.
"Eh--"
"Sige na Bianca, ililibre pa kita." At hinawakan niya pa ang kamay ko, napatingin naman ako dito. Walang sparks eh.
"Kahit hindi mo na ako ilibre no, sumama ka na lang sa mga kaibigan mo. Andyan naman sila Rara, Saxon, Keiran--"
"Ikaw ang gusto ko makasama."
Sa pagkasabi niyang yun, talagang final na ang decision niya, nagtanong pa siya, eh no?
"Sige na nga, pero C.R. muna ako, pwede?"
Ngumiti naman siya sinamahan ako papuntang C.R., grabe talaga Evian at Eloise. Eto na talaga isa sa mga hateful days ko dahil wala sila.
Pagpasok ko ng C.R., naghugas ako ng kamay at tumingin sa salamin. Bianca, paano mo tatakasan si Renzo? Ayaw ko naman ubusin ang lunch period para lang sa pag-iwas sa kanya. Ayaw ko din magtagal dito sa banyo kasi baka makasabay ko pa yung mumu na nagpapatay bukas ng ilaw.
Dug
Napatingin ako sa sumarang pinto ng cubicle, oh noes. Naabutan na niya ko! Sabi-sabi kasi na may bata daw na nagpakamatay dito sa banyo dahil sa bad grades. Wag ngayon, please lang!
Agad-agad akong sumilip sa labas ng pinto at nakitang nagaantay pa din dun si Renzo pero nakatingin sa ibang direksyon. Dahan-dahan akong lumabas ng banyo at tumakbo.
"Bianca!" Sigaw niya.
"Oh my gosh." Nakita ka na niya Bianca! Takbo!
Tumakbo ako ng sobrang bilis, ayoko talaga siyang makasama kumain! Dibale na lang na hindi ako makakain basta hindi ko siya makasama.
Nagpahinga ako sa ilalim ng hagdanan ng third building, "Ang init!"
Basang-basa ng pawis ang katawan ko. Kasalanan ko din naman kasi, kung makatakbo ako kala mo naman may magnanakaw.
Kinapa-kapa ko naman ang mga bulsa ko para tignan kung may pwede ako ipamunas o ipangpamaypay.
Lumabas ako sa ilalim ng hagdanan at nilabas ang malambot na bagay mula sa bulsa ko.
"Panyo ni kuya Charles!" Bulong ko. Ngayon ko lang ulit naalala na hanggang ngayon hindi ko pa din siya nababalik.
"Hi Bianca!"
Medyo napatalon ako sa boses na yun, bakit ba kasi kailangan bigla-biglang nagsasalita? Sino ba naman ang nasa tamang--
"Oh my--hi kuya Charles!" Bati ko din. Dibale nang gulatin ako, basta siya ba lagi eh. No problem!
"Ang layo naman ng narating mo, diba sa 1st building pa kayo?" Ngiti niya.
Sa isip-isip ko, kailangan ko siyang sagutin kagad kasi magmumukha lang akong tanga na nakatitig sa kagwapuhan niya. Pwede bang forever na lang kami magtitigan?
"Ah--eh may ibibigay kasi ako sayo." Sabay pakita ko ng panyo, bigla ko namang naalala na pawisan pala ako ngayon. Oh no, ano na lang ang hitsura ko?! "Yung panyo mo kuya, ang tagal nang nasa akin. Sorry po and thank you."
"Ano ka ba, ayos lang no." Kinuha niya ang panyo at ibinulsa, dun ko lang din napansin na may dala-dala siyang lalagyan.
"Ayy wow, may frog!" Turo ko sa hawak niya pero medyo lumayo.
Inangat niya naman ang lalagyan at ngumiti. "Ah eto, meet Lew."
"Pwede pala magdala ng pets?" Tanong ko.
"Para sa Bio namin to." Sagot niya. "Laboratory na kasi namin in an hour."
Naalala kong may dissection nga pala ang mga second years sa Biology. Nako, Bianca. Lagi ka na lang nakakalimot. Ano ka ba naman!
"Ayy oo nga pala!" Ngiti ko. Nakita ko naman na binukas niya nang bahagya ang kulungan. Oh no, wag mong sabihin na ilalabas niya yan ngayon? "Hala kuya, takot ako sa palaka!"
"Pinapapasok ko lang ng onti yung oxygen, baka kasi mamatay. Kailangan pa naman naming--"
"Bianca! Bakit mo ba ko tinakbuhan?" Sigaw ng isang boses na gumulat sa aming lahat. And by lahat, kasama ang frog na tumalon palabas.
"Waa!" Sigaw ko at napaatras at napatalon ako nang mabilis, hindi ko napansin na nasa likod ko na pala si Renzo.
"Wow, palaka lang pala." Rinig kong bulong niya, napayakap na pala ako ng bongga sa mokong.
Nakita kong papasok ng building si Lance at nang makita niya ko na halos nakapulupot na parang Koala bear kay Renzo ay biglang napapakunot ang noo niya at medyo nairita ata.
Dahil sa reaksyon niya, agad naman akong bumitaw kay Renzo at nahulog. Nahulog nang bongga sa floor na matigas.
"Aww." Mahina kong sabi habang hinihimas yunggilig ng katawan ko. Wag sana po akong mabalian, pero gusto ko talaga umiyak sa sakit. Or over reacting lang talaga ako ngayon.
"Uy, Bianca! Okay ka lang?"
"Bakit ka kasi bumitaw?"
Si kuya Charles nag-aalala sa akin, dapat matuwa ako pero napaisip din ako, bat nga ba ako bumitaw? Tinignan lang ako ni Lance bumitaw na agad ako? Baket?
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Novela JuvenilIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?
