Chapter 54

36 4 2
                                    

Note: Dedicated to Danica because she inspired me to write. Thank you!


--


Chapter 54

Alas dos ng madaling araw iyon nung marinig ko. Naalimpungatan ako at napabangon ng kama ko. Alam kong Sabado naman ngayon pero bakit parang ang ingay sa labas?

Lumabas ako ng kwarto ko at hinanap kung saan galing ang ingay na yun.

"Matanda na tayo, ngayon mo pa ko gaganituhin?"

"Akin na cellphone ko, Marvia." Mahinahong sabi ni Daddy.

"Bakit mo nagawa sa akin to, Leo?" Humihikbi na tanong ni Mama. "Anong nagawa ko sa'yo?"

Kinusutkusot ko ang mata ko at sumilip sa maliit na butas ng pinto nila Mama. Umiiyak si Mama habang nakaupo sa medyo malayong parte ng kama.

"Marvia," hinawakan ni Daddy si Mama pero agad tinanggal ni Mama ang kamay ni Daddy sa balikat niya.

"Wag mo kong hawakan!" sigaw niya habang umiiyak. "Kadiri ka, hindi mo ba naisip na baka nakakuha ka ng sakit—"

"Wala ngang nangyare sa amin!" sagot ni Daddy at sinubukan niyang yakapin ulit si Mama. "Umiinom lang ako at nakaupo lang siya sa tabi ko."

"Wag mo sabi akong hawakan eh," aniya at humagulgol ng mas malakas. "Leo, ikaw ang pinili ko. Ikaw ang pinili ko kahit na—"

Hindi ko na kayang manuod. Hindi ko na kayang panuorin ang Mama ko na umiiyak. First time kong makita na ganito makaiyak si Mama at ganito ang away nila ni Daddy.

"Mommy? Daddy?" binuksan ko ng malaki ang pinto habang tumutulo ang luha. "Tama na po, wag na po kayong mag-away."

Pinunasan ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung paano ako titigil sa pag-iyak. Lagi kong nakikita na masaya naman sila ni Mama pero bigla na lang ganito? Bigla ko na lang sila maabutan na nag-aaway?

"Bianca, anak?" tumayo si Mama sa kinauupuan niya at pinunasan ang kanyang luha. "Labas muna tayo, anak."

"Pero Mama..."

Tuluy-tuloy lang umagos ang luha galing sa mata ko. Hinila ako palabas ni Mama pero bago kami tuluyang maka-alis ay tinignan ko si Daddy na nakayuko at nakatakip ang mga kamay sa kanyang mukha.

"Tahan na, anak." Malungkot na ngiti ni Mama sa akin habang pinupunasan ang luhang walang tigil ang tulo galing sa mata ko. "Nandito palagi si Mama, wag mong kakalimutan."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Bakit ganon, masaya naman kami ah? Bakit kailangan mangyare lahat ng ito?

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon