Chapter 26

175 13 31
                                    

Note: Thank you for reading, commenting, and voting, dear. Ikaw ang nagpapalakas ng loob ko ngayon for Ardevela.

--
Tubig

"Paging all high school students, please go to the covered court now."

"Woo!"

"Yes! Tapos na!"

"I love this week!"

Masayang-masaya kami na tumunog ang paging system, ito na ang signal na simula na ang Foundation Week. Papasok ka ng school ng hindi nagkaklase, how nice is that!

Pag dating namin sa covered court, nakita naming abala ang mga Juniors at Seniors sa pag-aayos ng decorations ng stage at ng bawat sulok ng lugar na ito. Ang galing nila kasi na-organize nila ang lahat ng ito sa maikling panahon, pag kami na ang magiging assigned para sa ganito, sana maayos din siya.

"Andito na ba lahat ng Freshmen at Sophomores?" Tanong ni ate Eunice.

Lumingon-lingon naman ako at nakitang padating ang section nila Lance na pinangungunahan ni Lenan na pinakamaliit sa kanila.

"Hi Lance!" Pasigaw na sabi ni Jacelle na humarang sa harapan ko para lang kawayan ang Lance niya.

Ang landi, ah.

Tumingin si Lance sa direksyon ko, kahit na natatakpan siya ni Jacelle, nakita ko pa din kung paano nagbago ang expression ng mukha niya nang magtama ang mata namin. Hindi ko alam kung ano ibig sabihin nun pero, hindi ko na lang pinansin.

"Lance, namiss mo ba ko?" Tanong muli ni Jacelle.

Napalingon ako muli sa direksyon ni Jacelle nung sinabi niya yun. Ang kapal naman ng mukha mo, teh. Naramdaman kong kumulo ang dugo ko, gusto ko manapak ng tao. Kahit kelan talaga, ang landi-landi nitong taong to!

Ngumiti naman sa kanya si Lance kaya etong si Jacelle, muntik na himatayin.

"Guys, guys!" Tawag niya sa ibang bruha. "Nakita niyo ba yun, kinindatan ako ni Lance!"

Napairap ako sa kawalan, hmph. Feelingera lang 'to eh, hindi naman siya ang gusto ni Lance! Tyaka, kinindatan? Baka napuwing lang si Lance!

Sino nga ba ang gusto ni Lance?

Paano ka nakakasigurado na hindi siya gusto ni Lance?

Nagseselos ba ko?

Inalog-alog ko ang utak ko, erase-erase. Ano bang pakialam ko sa kanila? Maghalikan sila wala akong pakialam!

"Aray ko naman Eloise!" Pabulong na sigaw ko sa kanya.

Ngumuso siya sa kabilang direksyon, nakita kong papalapit si kuya Charles sa amin. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko, kelan nga ba kami uli nagkita?

"Hi Eloise," bati niya. "Nakapagpractice ka ba kahapon?"

"Syempre kuya Char--este Xander." Tawa niya.

"NakikiCharles ka na din ah." Ngisi ni kuya Charles sa kanya.

"Sorry kuya, paano ba naman kasi, ikaw ang laging sinasabi at binabanggit ni--"

Bago pa man siya makabanggit ng pangalan niyakap ko siya ng mahigpit at itinalikod siya kay kuya Charles para hindi makita na tinakpan ko ang bibig niya.

"Uy Bianca!" Tawag ni kuya Charles at hinawakan ako kasi medyo tumagilid ako dahil sa kulitan namin ni Eloise. "Baka mahulog ka."

Kung mahuhulog lang din naman ako, sisiguraduhin kong sa'yo na yun kuya!

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon