Chapter 49

54 7 3
                                    

Note: I don't know what to feel about this chapter? Haha! 

--


Chapter 49

Ilang buwan na ang nakalipas at tuluy-tuloy nang naging mabait sa akin si Lance. Inaasar niya pa din ako paminsan minsan pero mas madami pa din yung oras na mas nagkakaintindihan kami.

May mga oras talagang magiging magkagrupo kami sa mga group projects tapos tutuksuhin kami ng lahat kapag magka-tabi kami. Lahat nga siguro natutuwa except kay Jacelle at ang mga alipores niyang pangit.

"Ms. Mariano, can you distribute these textbooks to your classmates?" ngiti ni Ma'am Kath habang nakaturo sa mga English textbooks namin na nakalapag sa tabi ng desk niya.

Pa-akyat na sana kasi ako sa room galing ng restroom nang makita niya ako. Tinitigan ko naman ang pinagpatong-patong na blue books at inisip kung paano ko yun mabubuhat lahat. Ayokong kalahati muna ang kunin ko kasi magdadalawang balik pa ko para lang kunin yung kalahati.

"Sure po." Ngiti ko at kumuha na lang ng madaming libro na kaya kong dalin. Dibale nang hindi ko makuha lahat, bahala na kung paano makukuha yun iba.

Dahan-dahan akong tumayo habang karga-karga ko na ang mga libro at ngumiwi. Hindi biro ang bigat nitong mga librong to tapos aakyat pa ko ng ilang hakbang bago makarating ng stairs.

Bakit nga ba hindi ko kasama sila Evian at Eloise ngayon? Tamad kasi bumaba!

Pinagpapawisan akong nakarating sa floor namin. Pagkatapak ko ng isa kong paa sa isang hakbang ng hagdanan, nahulog ang isang libro sa sahig. Pumikit ako ng mariin at bumuntunghininga. Hay nako nga naman o. Pagmulat ko ng mata nakita ko si Kuya Charles at Ate Kim na malapit sa isa't isa, si kuya Charles ay nakahaway sa batok niya habang si ate Kim naman medyo namumula.

Anong nangyari?

Ibinababa ko nang dahan dahan ang mga librong hawak ko para kunin yung isang nahulog pero kahit dahan dahan ko na itong ibinaba, may mga nahulog pa din.

"Ang bigat." Sabi ko. Binuhat ko na ulit yung mga libro at naglakad papalapit sa pintuan naming na malapit sa kinatatayuan nila kuya Charles.

"Hi Kuya Charles," bati ko sa kanya at ngumiti. "Hi ate Kim."

"Hello, andyan ka pala?" ngiti niya din na parang pilit pa.

May naistorbo ba ko?

"Sige po, una na ko." Ngiti ko na lang din at nagmadaling umalis.

Nawala na yung... spark? Kilig? Kapag nakikita ko si kuya Charles. Kung meron man, sobrang liit na lang nito na hindi ko na siya nararamdaman. Anong nangyayare sa akin?

Nasa harapan ako ngayon ng pinto at nag-iisip kung paano ko bubuksan ang pinto. Wala naman akong kapangyarihan para buksan to gamit ang isip ko diba?

Lord help naman po pawis na pawis na ko pero hindi ko pa din 'to nabibigay.

Biglang isang himala na bumukas ang pinto. Binuksan ito ng isang mala-anghel na mukha. Thank You Lord for the answered prayer!

"Akin na," malambing na sabi niya. Ganito yata talaga kapag anghel eh, natutulala ka na lang sa kagwapuhan niya. Teka—ano daw?

Napatingin ako sa kanya at umiling. "Hindi na Lance kaya ko na."

"Akin na, ayokong nahihirapan ka." At tuluyan niya kinuha ang mabigat na dinadala ko.

"Thank you."

"Basta ikaw, lagi kong tatanggalin ang hirap na dinadala mo." aniya at tumalikod para ilagay sa mesa yung mga libro.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon