Chapter 25

172 13 13
                                    

Note: Dedicated to my Hart, thank you for being my inspiration for this chapter. :)

Happy New Year!

--

Three Seconds

After ng super habang Christmas vacation, nasira ang tulog ko. Nagmovie marathon ako kasama si ate Kiersten. Pasukan na, gusto ko pa matulog na tila hindi ako nakatulog buong vacation.

“Bianca,” tawag sa akin ni Evian. “Anong New Year’s Resolution mo?”

“Uso pa yun?” natatawang sabi ni Eloise.

“Oo, bakit hindi mo ginagawa?” tanong ni Evian.

“Nagsusulat ako pero… hindi ko siya nagagawa.”

“Resolution ko? Magiging organized na ko sa gamit, hindi na ako papa-api kapag alam kong tama ako—“ panimula ko nang bigla akong pinigilan magsalita ni Eloise.

“Speaking of api,” hinila niya ang upuan niya palapit sa akin. “Ano yung narinig ko na binully ka ng J4?”

Natawa ako Eloise, nagpapakwento ng resolution tapos ipapasok sa usapan ang J4. Bestfriend eh!

“Binully ka nila Jacelle?!” gulat na sabi ni Evian. “Ayy wait, bakit pa ko nagulat? Eh ugali na nun ang mambully.”

“Ahh,” napakunot ako ng noo, sino naman kaya ang nagkalat nun?

“Anong, “Ahh.”? Sabihin mo kung anong nangyare nang maisumbong natin sila sa student affairs!” galit na sabi ni Eloise.

Magsasalita na sana ako nang biglang pumasok si Renzo nang nakatungo. Nakakatakot ang aura niya kapag tahimik siya, sana bumalik na lang yung dating mapaglaro na Renzo.

Sanay akong binabati ni Renzo ng ‘Good Morning’ pag dumadating siya. Ngayon, ibinalibag niya lang ang bag niya sa tabi ko at lumabas muli ng class room.

“Lagot ka, Bianca.” Pang-aasar ni Eloise.

“Ano nanaman ginawa ko?”

“Hindi ka pa din nagso-sorry?” tanong ni Evian.

“Hindi pa.”

Napailing naman silang dalawa. Alam ko naman kasi na kahit anong pagsusungit ko kay Renzo, lahat ng sasabihin ko sa kanya ay joke lang. Hindi ko ineexpect na didibdibin niya yun.

New year, new life.

Kakasimula pa lang ng school sa bagong taon may kagalit na ako, kailangan ko magsorry kay Renzo.

“Ituloy mo na yung kwento mo tungkol kay Jacelle.” Sabi ni Evian.

“Pagkatapos ko matanggap yung regalo ko mula kay Renzo, diba iniwan ko kayo?” panimula ko.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon