Note: Hello! Sorry sa mahabang pag-aantay, hindi kasi ako nakuntento sa 3 versions ng chapter na ito. Ngayon ko lang nahanap yung satisfaction na "ito na talaga ang chapter 29." plus, nagkaproblema ako sa acads. Haha!
Next update: 02.14.15
Hope you like it. Happy reading!
Vote and comment? :)
--
Public Announcement
Ilang weeks na rin ang nakalipas since ang foundation week pero bitin siya eh, gusto ko pa ng foundation week!
"Bitin yung foundation week." Sabi ni Eloise out of no where.
You see, iisa lang ang iniisip naming lahat. Kulang na kulang talaga ang five days para sa foundation week. Nakakalutang ang reality! Quizzes, quizzes, quizzes.
Ilang weeks na nga ang nakalipas at iniiwasan ko si Lance, ginagawa ko ang lahat ng paraan para hindi magkrus ang landas namin, at hindi ko pa din sinasabi kila Eloise at Evian ang nangyare na confession ni Lance sa garden.
Kung totoo nga yun. Sus, bolero yung bwisit na yun eh!
"Sa wakas!" Sabi ni Evian at nagfistpump sa ere. "Breaktime na!"
Kanina pa siya bagot na bagot sa upuan niya habang may klase, hindi mapakali, gusto nang tumayo at alisan ang teacher namin.
"Apat na oras lang ang nakalipas atat ka na lumabas? Grabe ka naman!" Tawa ni Eloise.
"You can't blame me, inaantok na ako kasi kulang ako sa tulog tapos ganun pa pagtuturo ni Ma'am Filipino?" Pagbibiro ni Evian.
"Grabe ka, Ma'am Filipino talaga? Eh may pangalan naman." Sabi ko.
"Ganun na rin yun!" Talon niya. "Tara na guys, gusto ko na mag-canteen! Bibili ako ng cake!"
"Pwede bang saglit lang? Hinahanap ko kasi wallet ko eh." Sabi ko habang kinakapa ang bawat sulok ng bag ko.
"Ang tagal ah," aniya at tumingin sa relos. "10 years?!"
Medyo binaliktad ko na ang bag ko pero talagang wala dun wallet ko. Asan na ba kasi yun? Alam kong dito ko lang sa side pocket inilagay eh.
"Dahan-dahan, hindi ganyan ang pagsira sa bag mo." Sabi ni Eloise. "Wala ba talaga lunch money mo?"
"Wala, binaliktad ko na yung bag ko pero wala talaga." Sabi ko at sumimangot. "Feeling ko, naiwanan ko dun sa bag ko na gamit ko nung isang araw."
"Utang ka na lang?" Tanong ni Eloise.
"Nako, Loi. It's fine, hindi pa naman ako ganun kagutom eh, baka sunduin naman kasi ako ng maaga ni Daddy," ngiti ko sa kanya. "Thank you na din."
"Tara na please, baka maubusan ako ng cake!" Masayang paglalakad ni Evian palabas ng pinto ang naguna na sa direksyon ng canteen.
"Bianca!"
Napalingon ako at nakitang nakatayo si Ma'am Nadz sa kabilang dulo ng corridor at tinatawag ako. Si Ma'am Nadz ang teacher namin nung grade 6 sa English, isa siya sa mga favorite teachers ko eh. Mabait na, maganda pa!
"Hi Ma'am Nadz! I miss you!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Nako, bolera ka pa din hanggang ngayun."
"Hindi po." Ngiti ko. "Totoo yun Ma'am!"
"Weh," tawa niya. "Pupunta ka ba ng canteen?"
"Opo, bakit po?"
"Papabili sana--"
"Wait, alam ko na po yan. Chai Latte na Caramel flavor?" Ngisi ko.
"Kilala mo na ako." Ngiti niya at inabutan ako ng pera.

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Novela JuvenilIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?