Chapter 18

143 11 19
                                    

Thank you for reading!

--

Dare

Pagkabukas ng pinto, halos lahat ng kaklase namin ay napasinghap. Well, yung mga babae lang naman. Parang ngayon lang nakakita ng isang--

"Lance Ardevela." Bulong ko.

Halos lahat sila nagtatanong, why do I hate him eh ang bait-bait naman daw ni Lance. Matulungin, polite, and all. Bakit sila lang ang nakakakita nun? Lagi kaya niya kong inaasar, yun na ba ang form ng kabaitan sa mundong ito, ngayun?

"Si Lance Ardevela?" Seryosong tanong ni Renzo. Ano nga ba naman kasi pinaguusapan namin?

"Ma'am may you excuse Bianca Mariano?" tanong niya at ngumiti kay Ma'am Chatree. Tss, kahit kelan pacute! PA-CUTE LANCE! PA-CUTE!

Our section is known for being noisy, too noisy to the point na ang dami naming kaaway na teachers. Kahit anong saway sa mga kaklase kong officers na tumahimik, tatahimik lang for 5 minutes at mag-iingay nanaman. Ngayon? Nagsalita lang si Lance pero tumahimik ang lahat, kung si Lance lang naman pala ang kailangan para tumahimik sila, dapat andito na yan everyday. Wow, sakin ba talaga nanggaling yun?

"What." Rinig kong naiiritang sabi ni Jacelle, nagkakagulo nanaman silang J4.

Lahat naman ng kaklase ko ay lumingon sa akin na parang na-late akong pumasok sa klase.

"Anong meron?" Bulong ko. Tumingin naman ako kay Renzo, nakita ko yung itsura niya na parang inagawan ng candy at hindi umiimik.

"Bakit daw pinatatawag si Ms. Mariano?" Tanong ni Ma'am Chat.

"Hindi ko po alam Ma'am." Aniya.

"Ms. Mariano, you may go." Sabi ng teacher namin. "Class, let's start. Group nila Ms. Peregrino ang magsisimula."

Bago lumayo si Lance sa pinto, tinignan niya ang buong room, tila ini-scan ang mga tao. Nakikipagtitigan siya sa bawat babae na maabot ng kanyang tingin. Nang biglang magkatinginan na kami, ngumisi siya at umiling bago biglang nag-iba ang expression nang makitang katabi ko si Renzo.

Ako? Tumayo ako ng dahan-dahan at lumapit kay Lance. Gusto ko din pitikin yung noo ko sa tanong kong iyon, ako lang naman nagiisang Mariano dito ah?

"Thank you Ma'am Chatree." Malamig na sabi ni Lance.

Ibinaling ni ma'am Chatree ang kanyang attention sa amin at ngumiti.

"Basta ibalik mo 'yang si Bianca nang buhay, wag muna kayo magpapakasal." Biro niya.

Eww. Kasal? Kami? Yuck. Baka Sakal, kung sakali!

Bago isara ni Lance ang pinto, nakita kong masama ang tingin sa akin ng J4, siguro kung nakakapatay ang tingin, matagal na kong nakalibing.

"Sino ba nagpapatawag sa akin?" Tanong ko kay Lance.

Sa pagkakaalam ko, wala akong ginawang masama at wala pa naman akong bagsak na grades so far. Kaya, hindi pwedeng si Ma'am Dolores ang magpatawag sa akin.

"Si Ma'am Glenda." Maikling sagot niya. "Diba sabi ko sa'yo layuan mo si Renzo?"

Nagulat ako, ano namang pakialam niya kay Renzo?

"For your information, siya ang lumalapit! Hindi ako." Sabi ko sa kanya at umirap.

"Edi sana umiwas ka."

Napatingin ako sa kanya, seryoso ba siya?!

"Maganda sana yung idea na yan kung hindi kami magkaklase, diba? At tsaka, ano bang problema mo kay Renzo." Tanong ko sa kanya.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon