Note: Last update of the year. Happy New Year po sainyong lahat! :) Salamat po sa pagsuporta nito! Tried something new with this chapter, hopefully you'll like it. :)
Chapter 51
LANCE
Paskong pasko na sa bahay ng mga Ardevela. Abalang abala ang nanay ni Lance na si Victoria na tinatapos ang nilulutong pansit habang ang tatay niya naman ay abalang abala lagyan ng finishing touches ang nilutong Palabok.
"Lance, -- , ihanda niyo na yung mesa, dadating na yung mga bisita."
Lumaki sila Lance at ang mga kapatid niya sa kamay ng mga katulong pero hindi yun naging hadlang para hindi sila tumulong sa mga simpleng gawain sa bahay.
"Nabigay mo na ba yung regalo mo sa crush mo?" asar ni ate Sophia habang nilalapag ang mga baso isa-isa. "Ano nga bang pangalan nun?"
"Pakialamera ka."
"Pikon ka."
Binigay ni Lance kay Bianca ang Teddy Bear na nakita niya habang sinamahan niyang mamili ng mga pamasko ang nanay niya. Nang makita niya ang laruan na ito, si Bianca agad ang naisip niya na nagdala ng ngiti sa kanyang labi.
"Para sa'yo, Bianca." naalala niya kung paano niya ibinigay ito kay Bianca na medyo nanginginig pa sa kaba.
Ngumiti si Bianca at napansin niyang medyo namula ang pisnge nito. Nagustuhan niya kaya? Sa mga oras na iyon, alam niyang gagawin niya ang lahat ng pwede gawin o ang pwede hilingin ni Bianca makita lang na ngumiti ito ulit para sa kanya.
Kahit mga impossible pang bagay gagawin niya. Maging masaya lang si Bianca.
Tulad ng pag-staple ng tubig sa puno? Napangiti siya sa ideyang iyon.
Should he really be feeling this way kung sobrang bata pa nila para sa mga feelings na to? May pinipili nga bang edad ang puso?
Inayos ni Lance ang mga plato at ang mga kutsara tinidor. Tumingin siya sa orasan at nasabi niyang ilang oras na lang ay dadating na nga ang mga bisita.
Baka nga nandyan na sila. Any minute now.
"Nakahanda na ba?" pumasok ang Mommy niya na hawak-hawak ang masarap na Pansit at dahan-dahan inilagay sa mesa. "--Kunin niyo pa yung ibang pagkain dun."
Tuwing Pasko, parang piyesta sa kanila sa dami ng pagkain. Fruit Salad, Graham Cake, Pansit, Lechon, at marami pang iba. Dahan-dahan nga lang at baka ma-empacho sa dami.
Nang mailapag na ang lahat ng pagkain sa mahaba nilang mesa, sakto namang tumunog ang doorbell na nagsasabing nandyan na ang mga bisitang inimbitahan.
"Ako na lang po," sabi ni Lance dahil busy pa din ang Mommy niya na siguraduhin na perfect na ang lahat.
Pagkabukas niya ng pinto nila, agad siyang sinalubong ng yakap at halik ng kanyang tita Vacinee.
"Binatan-binata ka na, Lance!" bati nito. "Merry Christmas!"
Binuksan ni Lance nang malaki ang pinto para makapasok isa-isa ang mga bisita. Agad-agad lumapit ang pinsan niyang si Thaleen at niyakapsiya.
"Merry Christmas kuya Lance!" bati ng pinsan niyang si Thaleen. "I mish you!"
Lumuhod si Lance para yakapin ang five years old niyang pinsan at ngumiti. "I missed you too!"
"I want to shee your birdie again." Aniya ng bata. Napatingin si Lance sa kanyang Tita at Tito na nanlaki ang mga mata pero halatang pinipigilan ang tawa. "Kuya Enzo, gusto mong makita yung birdie ni Kuya Lance diba?"

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?