Chapter 13

218 12 20
                                    

A/N : dedicated to Queen Jonaxx kasi siya nag-inspire sakin magsulat at maenganyo magbasa. Hihi.

--

Just Give Me the Reason

"Flat tops. Flat tops. Bakit niya ba ko binigyan ng Flat tops?"

Buong gabi na akong ganito, hindi ako makatulog sa simpleng Flat tops. Kung tutuusin, hindi ko dapat isipin tong Flat Tops na to, pero bakit ba ako nandito ngayon at tinititigan ito na akala mo magsasalita ito anytime?

"Hoy Bianca!" Gulat sa akin ni ate Kiersten. Umagang-umaga, nanggugulat!

"Ate K naman eh."

"Bakit mo ba kasi dinadasalan yang Flat Tops? Hindi niyan pagbibigyan wishes mo." Tawa niya at sinimulan kainin ang kanyang cereals. "Bilis-bilisan mo na kasi, malelate ka na sa pagpasok mo sa school."

"Oo na kasi. May iniisip lang ako." Sabi ko habang tinititigan ang Flat tops sa kamay ko.

"Alam mo ba? Chocolate is a sign of love and commitment. Paniniwala nga ng iba, I mean nung unang panahon, it has the power to make someone fall in love. Parang gayuma ba." Tuluy-tuloy na pag-eexplain niya. Pagkasabi niya pa lang ng love, agad akong kinabahan. In love with Ardevela? Gayuma?

"Pero malay lang natin, baka myth yun." Dagdag niya. "Sino ba nagbigay niyan?

"Wala ate, nacute-an lang ako sa wrapper." Sabi ko at ibinulsa na ang chocolate.

Hindi na nawala sa isip ko ang mga sinabi niya, at nananatili pa din ang tanong na bakit ako binigyan ni Lance ng chocolate. I'm confused, akala ko ba may Jacelle siya? But why? Masyado na kong nagooverthink, sumasakit ulo ko. Bakit ko ba naman kasi binibigyan ng meaning eh wala naman.

Nung nasa school na ako, medyo nakarecover naman na ako sa kahibangan ko sa flat tops.

"Bes, I have a question. Anong ideal man mo?" Tanong ni Loi.

"Ideal man ko? Mabait, matalino, musically inclined, matangkad, gwapo, and... For now siguro yun lang?" Sabi ko.

"Wow." Panimula ni Eve at tumabi sa akin. "Kung narinig ko ng tama, gusto mo ng mabait, matalino, musically inclined, matangkad, at gwapo. Dinescribe mo lang ata si Lance Ardevela eh."

"Oo nga no." Sabi ni Loi at tumawa.

Namula naman mukha ko at agad akong yumuko para kunwari ay may nahulog at inabot. Teka, hindi naman mabait si Lance!

"Hindi naman mabait si Lance, paanong si Lance ang dinedescribe ko?" Tanong ko sa kanila.

"Woo, wag ka na mahiya. Mas crush mo si Lance kesa kay kuya Charles mo." Natatawang sabi ni Loi.

"Hindi, ang only crush ko lang ay si kuya Charles. Wala nang iba." Sabi ko.

Wala nga bang iba Bianca? Stop, brain! Stop!

"Nako, sinong niloko mo? Wag ka na magkunwari. Kapag yang si Lance mo nakuha, paano ka na lang?" Dagdag pa ni Eve.

"Change topic, ang ganda-ganda ng view oh. Don't you see?" Sabi ko sabay turo ko sa field namin. Lunch pa lang naman kaya eto kami, nasa labas ng room.

"Ayan na, napapaghalataan ka na. Change topic pa!"

Nagtatawanan sila ni Eve nang makita kong naglalakad sa field si Lance. Bawat pagtapak niya ng paa ay dahan-dahan na parang nagdedemand ng attention. Nakikita ko rin na kinikilig yung mga nadadaanan niyang lower years. Tss.

"Hoy, Bianca! Sinong tinitignan mo dyan?" Narinig kong sabi ni Eve pero hindi ako lumingon kasi busy ako sa panonood ko kay Lance. Hoy, Bianca! Bakit mo nga ba siya pinanonood?

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon