Note: Nanganib ang buhay ko this sem kaya sobrang nasacrifice ko ang writer life ko. Huhu. I'm so sorry!
May nakita akong mga bagong readers nito ang I'm glad. Hello hello sainyo, thank you for reading!
---
Chapter 53
"Bianca, punta tayo sa horror booth na ginawa ng 4th year." Aya ni Evian habang patalon talon sa excitement.
"Hindi naman ako mag-eenjoy dyan, babangungutin lang ako sa sobrang takot." Iling ko at sinusubukan tanggalin yung kamay niyang nakakapit sakin para hindi ko siya takasan.
"3rd year na tayo kailangan na nating enjoy-in ang last two years as a high school student!" hinila niya nanaman ang kamay ko papunta sa booth. "Sige na please?"
Oo, 3rd year na kami. Parang kelan lang nung binukas ko ang mga mata ko at sinabing Freshmen na kami. Parang kelan lang din nung mag-kaaway kami ni Lance, ngayon...
"Palibhasa kasi mahilig ka sa nakakatakot," tinitignan ko ang mahaba-habang pila ng booth at ang nakakatakot na design ng pituan pa lang nila. "Ayoko talaga."
"Mga 4th years lang naman yan!"
"Hindi naman ako sa 4th years natatakot no, hindi mo ba nababalitaan yung mga storya sa room na yan? Yan yung haunted na room eh!"
Sa tuwing naalala ko yung mga kwento ng higher batches tungkol sa room na yan, ayoko talagang nakikita or napapadaan dyan. Sabi nila may bata dyan na umiiyak tapos makakaramdam ka na lang daw ng malamig na presensya. Ayoko talaga.
"Sige na please?" pilit niya. Asan na ba kasi si Eloise kapag kailangan mo siya.
Oo nga pala, isa nga pala siya sa nananakot sa loob. Bwisit.
"Wala akong pera."
"Lilibre na lang kita, sumama ka lang."
"Hindi ba pwedeng mag-isa ka na lang?"
"Hello?" tinuro niya yung sign board kung saan nakalagay na meant for two people yung experience.
"Uy Evian," tapik ni Kieran sa best friend niya. Tumungo at ngumiti naman siya sa akin. "Bianca."
"Pipila din ba kayo?" tanong nito sa best friend niya at tumingin kay Lance na walang imik. "Anong meron sayo?"
"Wala," matipid na sagot ni Lance.
"Lance!" matinis na tawag ni Jacelle.
Hanggang ngayon hindi pa din siya tinitigilan ni Jacelle kahit na pinapakita ni Lance na hindi naman siya interesado at nakikita mong ako lang ang gusto niya.
ANO DAW.
"Para sa two people yung horror booth," aniya sa isang batang boses habang iniikot ikot pa yung power bangs niya sa isang daliri. "maybe you want to make sama na lang sakin? Madali kasi akong matakot eh."
Naningkit nanaman ang mga mata ko at inirapan ang babaeng ito. Mas naging determinado akong umalis dito sa booth na to, katabi naman niya din yung Kissing booth, baka gusto niya na din laplapin labi ni Lance?
PERO AKIN LANG SI LANCE. PWE.
Naramdaman kong tumabi sa akin si Lance at pinatong ang braso niya sa balikat ko at inilapit ako sa kanya, "Sorry, kami na ni Flattops ko ang magkasama eh."
Sinubukan ko namang tanggalin yung braso niya, kung napipilitan lang naman siya sumama sakin wag na no. Hahanap na lang ako ng ibang sasamahan o kaya mas mabuti pa aalis na lang ako.

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?