Chapter 27

219 13 17
                                    

I like you

"Kailangan ba natin manood ng basketball game?" Nakasimangot kong tanong kay Evian habang hinahampas ng marahan ang kanyang braso.

Foundation week pa din namin ngayun, isa sa mga activities ng week na ito ay ang different games like basketball, volleyball, and etc.

"Hindi." Sagot ni Eloise.

"Hindi naman pala eh, tara na!" Pag-aaya ko.

"Required kaya," lumingon si Evian kay Eloise. "Loi, required diba?"

"Hoy! Alam kong niloloko niyo ko, please! Wag na lang kasi tayo pumunta ng game."

Hindi ako athletic, hindi din ako mahilig manuod ng mga games. Hindi ko talaga alam kung bakit naguubos ng oras ang mga tao para manuod diyan, especially basketball. Sorry pero hindi ko lang talaga gusto.

"Ano ba ang game mamaya?" Tanong ni Evian.

"Basketball." Maikling sagot ko.

"Masaya kaya manuod ng basketball!" Ibinaling niya ang tingin niya kay Eloise. "Anong section ang lalaban?"

"Sa pagkakaalam ko, yung third year versus yung fourth year tapos yung dalawang section ng second year tapos yung dalawang section natin."

"Sino maglalaro sa section natin?" Tanong niya ulit.

"Aba syempre, ang varsity!" Masayang sagot ni Eloise.

Eh halos majority ng section namin varsity ng basketball, ano yun? Joke? Edi lahat sila maglalaro?

"Una kong naiisip, si Renzo." Sabi ni Evian.

Pagkabanggit ni Evian ng pangalan ni Renzo, agad itong lumingon sa akin at ngumisi. Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya tumawa siya ng malakas.

"Ang naiisip ko naman sa kabilang section, si Lance." Sabi ni Eloise.

Ginawa din ni Eloise ang pagtingin sa akin nang mabanggit niya ang pangalan ni Lance.

"Ano bang problema niyo at may halong pangaasar ang tingin niyo?" Naasar kong tanong.

"Kasi may gusto sayo si Lance." Sabi ni Eloise.

"At si Renzo." Tawa ni Evian. "Ganda ng buhok mo, teh."

"Wala silang gusto sa akin okay?" Sumimangot ako lalo.

"Paano kung meron?" Tanong no Evian.

Naalala ko kung paano ako tinulungan ni Lance nung isang araw. Kahit malayo ang pwesto niya, pumunta siya sa akin para abutan ako ng pagkain at kuhanan ako ng electric fan para makahinga ako.

Possible nga bang may gusto sa akin yun?

"Wala yun." Sambit ko at nagiwas ng tingin.

Iniisip ko na, sobrang impossible na magkagusto sa akin si Renzo. Bakit ako? Bakit hindi yung iba dyan?

Tyaka, ang gusto kong makasama habambuhay ay si kuya Charles. How could you not love kuya Charles?

Sa sobrang pag-iisip ko, natulala na ko habang salita ng salita si Evian at si Eloise. Tinignan ko ang buong paligid, sobrang onti ng tao ngayun dito sa main building. Majority ata ng tao ay nagcompete o kaya naman ay nanood sa mga games.

Nahablot ng malilikot kong mata ang isang likod ng lalaki na nakasandal sa railings ng upper floor. May katabi siyang babae na... Parang kilig na kilig?

Napailing ako, ganyan yata itsura ko kapag katabi o kausap ko si kuya Charles. Kulang na lang ata himatayin ako sa harap niya. Bigla namang gumilid si kuyang nakatalikod kaya medyo nakita ko yung side ng face niya.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon