Chapter 60
Nang humupa na ang malakas na ulan at feeling namin ay wala nang nakaharang na puno sa daan, tumayo na ako para umuwi.
"Hatid na kita," presinta kagad ni Lance.
"Hindi na uy. Tama na yung pinag-stay ako dito panandalian." Inayos ko ang bag ko at dinoble check kung may naiwan ba ako sa bahay nila. "Thank you po Tita."
"Sa susunod dapat 'Mama' na tawag mo sakin ha." Biro niya—or feeling ko totoo yun?
"Tara na," kuha ni Lance sa bag ko
"Wag na nga sabi!" agaw ko sa kanya ng bag ko. "Dito ka na lang."
"Bye Ma!" sigaw niya papalabas ng bahay.
"Bye po tita," pagmamadali ko at hinabol si Lance. "Thank you very much po!"
"Lance naman eh!"
"Tricycle!" sigaw niya. "Tara na!"
"Ang kulit kulit mo," irap ko. "baka magkasakit ka pa eh, nandito ka naman na. Dyan ka na lang!"
"Sumakay ka na," aniya pagkatapos tumigil ng tricycle sa harapan namin. "magkakasakit ako lalo dahil nauulanan ako sa bagal mong pumasok."
Pumasok ako ng trike na humahalukipkip. Bwisit siya eh. Siya naman masayang tumabi sa akin. Para bang tinamaan ako ng kidlat nung magkadikit ang mga balat namin kaya umusog ako ng onti kahit alam kong impossible.
"Sabi mo hindi ka na galit," aniya nang medyo mahina
"Anong sabi mo?" sigaw ko. Sa sobrang lakas ng tunog ng motor dito sa tabi ko, hindi ko siya marinig.
"Sabi ko," nilakasan niya ng onti ang boses niya at lumapit sa kanang tainga ko nang onti. "sabi mo hindi ka na galit."
Sa paglapit niya, tumayo ang mga balahibo ko. Nilingon ko siya kaya sobrang lapit ng mga mukha namin. Hahalikan mo nanaman?
"Hindi—"
Muntik na ko mapasubsob kasi ang bilis ng patakbo ni kuya kahit may humps sa daan. Buti na lang nandyan si Lance na niyakap ako para hindi ako masaktan.
"Kuya, ano ba naman!" sigaw niya sa driver.
"Aray ko naman," takip ko sa tainga ko.
"Ayaw ko lang naman sasaktan ka eh," bulong niya sa tainga ko. "Antayin mo talaga kapag college na ko, ihahatid sundo pa kita papuntang school mo or natin."
"Makapag-plano ka kala mo may 'tayo' sa future ah?" sagot ko pero mahina lang.
"Anong sabi mo?"
"Wala, assumingero ka masyado!" tumingin ako sa labas at nakitang nagdadahan dahan na kami. "Ayan na tayo!"
Nakapark na ang sasakyan namin sa harapan, ibig sabihin naunahan pa ko nila Mama makauwi.
"Yan na po yung bayad," abot niya tapos binulsa na lang ni kuya yung buo niyang pera. "yung sukli ko kuya?"
"Piso na lang naman eh?"
"Aba kahit na, amin na yung piso!" aniya kaya napakamot si kuya sa leeg. "bibigay ko na sana yung piso eh muntik nang mapahamak yung girlfriend ko!"
"Lance!"
"Bye kuya!" aniya at ngumiti ng pang-asar sa akin.
"Bakit mo pina-alis? Sana yun na lang sinakyan mo pabalik ng bahay niyo."
"Eh ihahatid pa kita sa pinto niyo eh."
"Parang mapapahamak pa ko sa pagpasok ko ng pinto eh no?"
"Tara na,"
Binuksan ko ang gate at pumasok na kami papuntang harap ng pintuan namin.
"O, alis na!" saway ko sa kanya at tinulak ng bahagya.
"Grabe ka makataboy, pagkatapos kita ihatid?"
"Ano pa bang inaantay mo, umaraw?"
"Good bye kiss ko?"
Napa-awang ang bibig ko, "Naghahalikan ba ang mga magkaibigan?"
"Bianca naman eh,"
"Totoo naman na magkaibigan tayo ah?"
Bumukas ang pintuan at naabutan kami ni Daddy na nagtititigan ni Lance. Si Daddy nakauniform pa at may hawak na susi ng kotse, napatigil siya nang makita kami ni Lance.
"Daddy!" nauutal kong sabi at medyo lumayo ng onti kay Lance. "Nakauwi na pala kayo."
"Oo," aniya at tumingin kay Lance na medyo nanahimik na sa tabi ko. "akala ko susunduin pa kita, paalis na ko."
"Hinatid na po ako ni Lance," yuko ko. "makakauwi ka na Lance."
"May gusto lang ako itanong sa harap ng Papa mo, Bianca." Kabadong tanong niya.
Don't tell me magtatanong siya sa harap ni Daddy kung pwede na ba siya sagutin? Oh no, hindi pa nga alam ni Daddy may nanliligaw na sakin. Tinitigan ko siya na parang winawarningan siya sa mga susunod na sasabihin niya. Ayoko pang mamatay ng maaga!
"Bianca," dahan-dahan niyang tanong.
Huminga ako ng malalim at hindi ito pinakawalan. Eto na ata yung moment na mamatay na ko.
"Matagal ko nang gusto itanong to sayo..." aniya habang nakatitig lang sa akin.
Hindi ako makahinga. Talagang mamatay na ako!
"Pwede bang..."
PWEDE BANG ANO!? Hindi pa din ako makahinga at feeling ko malamig na pawis na ang dumadaloy sa noo ko.
"Pwede bang ikaw maging date ko sa prom?"
Narinig kong napasinghap si Daddy. Agad akong napatingin sa kanya at tinignan kung galit ba siya o—kahit ano!
"Uhh—"
"Hindi mo sa akin sinabi na malapit na pala prom niyo, Bianca." Sabi ni Daddy at hindi tinatanggal ang tingin niya kay Lance.
"Sinabi ko po kahapon." Nauutal kong sagot
"Daddy!" sigaw ni Mama sa loob. "Naka-alis ka na ba?"
"Saglit lang!" sigaw ni Daddy pero hindi pa din tinatanggal ang tingin kay Lance.
Ilang segundo ang lumipas na parang sobrang bagal habang tumatagal, "Anon a Bianca?"
"Ha?" tingin ko kay Lance. "Si—sige?"
"Sure ka ba sa sagot mo?" tanong ni Daddy.
"Of course Lance." Nanginginig kong ngiti—or wish kong ngiti nga.
Unti-unting lumiwanag ang mukha ni Lance at abot tainga ang ngiti niya. "Thank you Bianca!"
Makatalon kala mo parang nanalo sa lotto ang bwisit.
"Umuwi ka na, bilisan mo." Tulak ko sa kanya papalabas ng gate. "Mag-ingat ka okay? Bye!"
Pumasok ako dali-dali at nilagpasan si Daddy bago niya makita yung namumula kong mukha.
"Bianca!"
Tumigil ako sa paglalakad pero hindi siya nilingon. Hinga nang malalim, paypay sa mukha.
"Ano nga bang apelyedo nun?" aniya. "Parang pamilyar ang mukha niya sa akin."
"Po?" tumingin ako sa kanya. Nakasandal siya ngayon sa pinto at naka cross ang mga braso sa dibdib. "A—"
"Daddy, kanina—" napatigil si Mama at tumingin sakin. "Andito ka na pala."
"Hinatid siya nung Lawrence." Sagot ni Daddy.
"Lawrence?"
"Lance po, Daddy." Kamot ko sa ulo ko.
"Tapos tinanong siya kung pwedeng maging date sa prom." Kalmadong kwento ni Daddy.
"Ano?" dahan-dahan na lingon sa akin ni Mama. "Makikipag-date na ang baby ko?!"
"Ma naman eh," tago ko sa mukha ko.
"Wag ka muna mag-aasawa ha?" yakap niya. "Iiwan mo na ko."
Over talaga 'tong si Mama.

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Novela JuvenilIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?