Note: Sorry po natagalan. Hehe. Thank you sa mga bagong readers nito! Malapit na mag-one year si Ardevela. :))
- Ayra.
---
Kilala
Pagkatapos i-celebrate ang birthday ko kasama ang buong pamliya, nag-ikot ikot kami sa mall. Nakita namin na nag-sale ang phone na pinagarap-ngarap kong makuha last year kaya binili nila Mama at Daddy ito dahil birthday ko naman daw at nag-eexcel ako sa academics ko.
Pagkauwi namin, dumiretso ako sa kuwarto ko para i-set up ang bago kong phone at mag-check ng Facebook at ng kung anu-ano pang social networking sites.
"Hi Bianca! Happy Birthday!"
"Happy Birthday."
"Happee birthday!"
"Happy Birthday Biancatots!"
Napuno ng birthday ang messages ang wall at inbox ko, masayang nireply-an ko isa-isa ang mga ito hanggang sa pinakaunang birthday greeting.
"Hindi ako binati ni kuya Charles." Malungkot na sabi ko sa sarili ko. "Paano ka nga ba naman babatiin eh hindi kayo friends sa FB?"
"Eh mapa-personal nga, hindi din niya ako binati!"
Kinuha ko ang bago kong phone sa tabi ko at sinearch ang kanyang pangalan. Alexander Charles Faundo.
Ang gwapo naman niya sa profile pic niya! Agad-agad kong pinindot ang + Add Friend at ngumiti.
Pagka-pindot ko nun, biglang nagkaron ng pula ang shadow na tao na notifications ko. Omaygas! In-accept na niya ang request ko!
Pinindot ko ito at nakitang hindi pangalan ni kuya Charles ang nandun. Kanino pa nga ba?
"Lance Zion Ardevela." Bulong ko.
Delete ko na ba? Block?
Ang tagal kong pinag-isipan kung anong gagawin ko sa friend request niya, nagpagulong-gulong na ko sa kama para malaman kung anong gagawin ko.
Naalala ko kung ano ginawa niya noong binigyan niya ako ng cake, well, panibagong cake. Hindi ba sweet yun? Sweet!
"Sweet yun, buti pa siya nag-effort! Eh si Charles mo, may ginawa ba?"
Nagkakaron ng internal battle ang puso't isipan ko, bwisit! Eh sa crush ko nga si kuya Charles! Baka nga mahal ko na siya eh.
"Accept? Delete?"
Isang push na lang ang makakapagdetermine kung anong action ang gagawin ko para sa friend request. Itutuloy ko na ba ito? Bakit ba ko masyadong naii-stress sa friend request na 'to?
"Bianca!" Biglang bukas ni Mama ng pinto.

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?