Chapter 56
Ilang linggong pananahimik sa bahay, ilang beses kong nakita na nag-iwasan ang Nanay at Tatay ko. Kung may sasabihin sila sa isa't isa laging kailangan dumaan sa akin.
"Sabihin mo kay Mama mo na nakahanda na yung pagkain." Utos ni Daddy habang hinahain ang paborito ni Mama na Caldereta.
"Sabihin mo sa Daddy mo na hindi ako gutom." Sabi naman ni Mama at ibinalik ang atensyon si iPad niya.
Nakakapagod na, really.
Pero ikinagulat ko noong after ng ilang linggo na yun—o buwan na nga ang nakalipas— nakita ko na lang na nagtatawanan ang mga magulang ko. Nagtatawanan sila na parang walang nangyari. Nagbibiruan sila na parang walang nangyari.
Nagtatawanan sila na parang hindi ko sila nahuling nag-aaway noong gabing iyon. Yung gabi na parang gumuho ang buong mundo ko.
Nagtatawanan sila na para bang hindi nila ako ginawang tulay sa bawat salitang binitawan nila.
Ganon ba ka-weird ang pagmamahal?
"Anong nangyayare?" tanong ko sa kanila habang nagpupustahan sila kung sino ba ang mananalo sa Volleyball game—La Salle or Ateneo daw ba.
"Mananalo na La Salle!" sigaw ni Mama habang tumatawa pero tutok ang atensyon sa TV.
"Mas magaling pa din Ateneo." Sambit naman ni Daddy.
"Basta La Salle ako."
Kung ganon ang pag-mamahal, ayoko na. Ang weird!
Umakyat ako papunta sa kwarto ko na may ngiti sa labi. Bumabalik na ulit ang lahat sa normal. Agad kong kinapa sa loob ng bag ko ang cellphone ko at sinimulan itext si Lance.
To: Flattops
May ikwe-kwento ako sa'yo bukas. :)
Eto na ang normal naming ni Lance, araw-araw nagtetext o kaya nagchachat. Araw-araw niyang pinapakita na mahalaga ako sa kanya sa maliliit na bagay na kaya niya at araw-araw din akong nahuhulog sa kanya.
Siyempre hindi niya alam yun. Natatakot pa din ako na baka niloloko niya lang ako! Sabi nga ni Mama, kailangan kong siguruhin muna na worth it yung taong panggalingan ng sakit ng pagmamahal.
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa din nagrereply si Lance. Ano na kayang nangyari duon? Tumingin ako sa orasan at nakitang ala syete na, nasan na kaya si mokong?
To: Flattops
Hoy.
Nakauwi ka na ba?
Ingat ka sa pag-uwi, okay?
Binitiwan ko ang phone ko at inilagay ito sa malayo. Hindi ko na nga siya itetext, sabihin nun ang clingy kong girlfriend. EH HINDI NAMAN KAMI. Bwisit siya, pinagaalala niya ako!
After ng ilang minuto, hindi pa din siya nagrereply. WALANG HIYA TALAGA! SINUSUBUKAN NIYA ANG PASENSYA KO.
Ibabato ko n asana phone ko sa kama ko nung maramdaman ko itong nagvibrate. Nagreply na siya!
From: Flattops
Slr. Wala akong load eh, kita na lang tayo bukas sa garden.
YUN LANG?
Pagkatapos niya akong pag-antayin ng matagal, yun lang?! Bwisit siya! Makakatikim talaga to bukas sakin, pasalamat siya masaya ako ngayon.
Kinabukasan, excited akong pumasok sa school. Sa sobrang excited ko, maaga akong nagising at nakapanood pa ng Youtube tutorial kung paano i-braid ang buhok ko. Inspired ako matuto ngayon dahil masaya na ulit ang lahat.
Feeling ko tuloy parang walang mangyayareng mali!
Umulan ng kaunti pero hindi ko hinihiling na masuspend kasi gusto ko pumasok ng school. Tumigil naman agad ito kaya nakadating ako sa school ng walang hirap.
Pumunta ako sa room namin para ilapag na ang bag ko sa upuan ko. Tinignan ko na din kung nandun na si Lance at nakitang nakapatong na din ang bag niya sa upuan niya. Lumaki ang ngiti ko pero agad kong binawi yun nung naalala ko na pinag-alala niya ako kagabi!
Nagpunta na agad ako sa garden para kitain si Flattops. Papasok pa lang ako nang makita ko silang dalawa ni Jacelle na nag-uusap. Napatigil ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Sobrang lapit nila sa isa't isa. Itinaas ni Jacelle ang kanyang sarili nang bahagya para medyo magka-level sila ni Lance. Gusto ko na umalis para hindi ko na makita ang mga susunod na mangyayari, pero hindi ako makagalaw.
Inilapit ni Lance ang kanyang mukha kay Jacelle, sinukbit naman ni Jacelle ang dalawa niyang kamay sa leeg ni Lance at hinalikan ito.
Naramdaman ko nanaman yung naramadaman ko nuong narinig kong nag-aaway sila Mama nung gabing iyon. Sobrang sakit, parang pinipiga ng sobra sobra ang puso ko.
Anong ginawa ko para maramdaman ang sakit na ito? Oo nga pala, kakambal ng pagmamahal ang sakit. Hindi ko nasiguradong worth it yung taong pagmumulan ng sakit na mararamdaman ko.
Bakit Lance? Sabi mo mahal mo ko? Sabi mo hindi mo ako iiwan?
"Sorry, nakakaistorbo ako." Buong lakas kong sabi at tumakbo.
Wala akong pakialam kung sino ang makakita sa akin. Gusto ko lang makalayo nang tuluyan sa kanilang dalawa. Niloko lang ako ni Lance! Dapat hindi ko na siya minahal, dapat nanatiling hate na lang ang naramdaman ko sa kanya.
But there is always that fine line between love and hate, I'm afraid I crossed that line too much. After all these, niloko lang pala ako ni Lance. Sobrang sakit ng puso ko!
Sabi nila 'first love never dies' pero dahil sa sakit na nararanasan ko ngayon sana namatay na lang si Ardevela!
To hate or to love an Ardevela? More like I hate my self for loving an Ardevela.

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?