Chapter 11

171 10 7
                                    

Candy

Sunday na ngayon, super relief na nagkaron ng two days of rest from school and work. Nagsimba kami kasama ang buong pamilya at napagpasyahan na pumunta ng mall afterwards.

"Bianca, anong gusto mo?" Tanong sakin ni Mama habang nakapila para bumili ng pagkain. Nakatingala kami sa malaking menu ng restaurant.

"Gusto ko po ng lasagna, cheeseburger, large fries, at saka iced tea." Sabi ko ng mabilis. Hindi naman halatang gutom eh no? "Tyaka po pala sundae na maliit! Thank you ma! I love you!"

"Sigurado ka bang sa'yo lang yun? Parang nag-order ka na din para kay Kiersten ah." Tawa niya.

"Akin lang yun, Ma. Promise." Tawa ko.

"Alam mo naman iyan, Ma. Basta favorites niya, hindi mawawalan ng space sa tyan niya." Dagdag ni ate Kiersten.

"Edi ako na matakaw." Sabi ko habang tumatawa.

Bumalik na ko sa upuan namin at nakitang nagbabasa ng dyaryo si Daddy. Happy ako na nakasama namin siya ngayon kasi halos everyday na siya nagoovertime para may makain kami sa araw-araw.

"Dad, hindi ka ba napapagod? I mean, everyday ka nagtratrabaho tapos hindi natatapos?" Tanong ko sa kanya. Binaba naman niya ang binabasa niyang dyaryo at humarap sa akin.

"Anak, ganyan talaga ang buhay. Nagtratrabaho ako at ang mama mo kasi gusto namin kayo makatapos at gusto namin makuha niyo ang mga bagay na hindi namin nakuha o kulang kami nung mga bata kami. Ayaw na namin ng Mama maranasan mo ang paghihirap na madanas namin. Napapagod ako pero nakukuha naman iyan sa pahinga, tyaka makita ko lang kayo na masaya, nawawala ang pagod ko. Kaya ang hinihiling ko lang sainyo ni Kiersten ay ang nag-aral kayo." Aniya at ngumiti.

Ito ang gusto ko kay Daddy, super bait, hardworking, supportive, and understanding niya. Bonus na lang yung kagwapuhan niya! Dahil sa characteristics or traits niya, gusto ko yung mapapangasawa ko, katulad niya. Naiingit ako kay mama kasi sa 7 billion na tao sa mundo, she found my dad.

"Ang seryoso naman ng pinaguusapan niyo." Sabi ni Mama habang may dala-dalang tray ng food kasama si ate Kiersten. Tumayo ako para tulungan siya pero nailapag niya na ang laht ng pagkain bago pa ko nakatulong.

"Wala naman po Ma, random question ko lang yun kay Daddy." Sabi ko sa kanya.

"Tungkol saan naman ba yun, Bee?" Tanong ni ate.

"Work niya, ate."

"After nito mag-grogroceries tayo, okay?" Sabi ni mama.

"Opo."

--

"Ano pa bang kailangan natin ngayon, Bianx?" Tanong ni ate Kiersten habang nagtutulak ng cart.

"Uhm. Sibuyas ba?"

"Meron na." Sagot niya.

"Mantika?"

"Meron na."

Nasabi ko na halos lahat ng nasa grocery list namin pero lahat ay meron na. Nakakaasar din kasi kapag nagbabayad na tapos may kulang pa pala.

"Kumpleto na ba, mga anak?" Tanong ni Mama.

"Opo." Sagot namin ni ate. Dumiretso na kami sa counter para magbayad nang bigla si ate Kiersten lumingon sa akin.

"Bee, nakalimutan natin kumuha ng pineapple. Takbuhin mo na lang, dali!"

Dahil mabait akong bata, tumakbo ako sa aisle na may mga canned goods para hanapin ang pineapple nang bigla akong may makasalubong na bata. Agad ko naman siya hinawakan para hindi tumumba.

"Sorry sorry, baby." Sabi ko at tumakbo na ulit.

"Kuya!" Rinig ko namang sigaw nito habang papalayo ako.

Nang matapos nang bayaran ang lahat ng groceries, nauna na si daddy para kunin ang kotse at sunduin kami sa tapat ng hypermarket.

"Kei," tawag ni Mama. "Bianx."

"Mm?"

"CR lang ako saglit, ah?" Sabi niya. Tumungo na lang kami ni ate at nagpatuloy na siyang lumakad papunta sa banyo.

"Kuya! Candy! Candy!" Sigaw ng isang bata habang tumatakbo. Base sa suot niya, siya yung batang hinawakan ko para hindi matumba kanina noong makasalubong ko.

Tuluy-tuloy siya sa pagtakbo at nakita kong babangga siya sa salamin. Lumbas na din si Mama ng CR at nakita niya din na pabangga yung bata.

"Nako, tatama siya sa--" simula niya pero ayun nga, tumama na ang bata sa salamin at natumba ng bahagya. Agad namang tumingin ang bata sa direksyon namin.

"Oh my gosh!" Sigaw ni ate Kiersten ng mahina.

"Tayo ka, dali." Kalamadong sabi ni Mama sa bata. Kung ako si Mama, hindi ko mapipigilan at magpapanic ako dahil nauntog siya at hindi magiging calm.

"Bianx, dapat hindi ka nagpapakita na nagugulat ka or nagpapanic sa bata." Bulong sakin ni Mama. Pinuntahan naman ng yaya ng bata ang kanyang alaga.

"Paanong hindi ka magugulat ma? I mean, paano ka hindi magrereact ng nagpapanic kung tumama na yung mukha niya sa salamin?" Tanong ko sa kanya.

"Dapat kalmado mo siyang sasabihan na tumayo at wag ka magpapanic kasi nagbabase ang mga bata sa reaction ng iba, kapag nakita nilang negative, iiyak sila. Sabihan mo lang sila na 'Tayo ka na, it's okay.' nang kalmado, they will be fine. Tyaka hindi mo din sila dapat tulungan tumayo. Hayaan mo sila." Sabi ni Mama.

"Ha? Hindi mo tutulungan? Diba nga dapat tulungan mo na kasi nasaktan na?" Tanong ko ulit. Ang weird lang kasi, kung nadapa na yung bata syempre, kailangan tulungan na siya tumayo ng nanay o ng yaya niya.

"Dapat kasi bata pa lang marunong na tumayo nang sarili niya. Isipin mo, hindi lahat ng oras ay nandyan kami sa tabi niyo para tulungan kayo tumayo kapag nadadapa kayo. Kahit ilang beses ka madapa o masaktan, always know na tatayo at tatayo ka pa din and everything's going to be alright." Ngiti niya.

Wow, isang malaking hugot for Mama. Simple lang ang tinanong ko pero ang lalim ng sagot. Tama nga naman siya, kailangan matuto tayo tumayo sa sarili nating paa.

"Wow, lalim." Tawa ni ate Kiersten.

"Tara na." Sabi ni Mama at tinulak na ang cart.

"Candy!" Sigaw ng bata na nabangga sa salamin.

"Wala akong candy, Thaleen. Bawala ka daw ng candy sabi ng mama mo." Sabi ng isang boses na pamilyar. Agad akong napatingin at nabiglang si Lance pala iyon.

"Tara na dali, kapag naging good girl ka at hindi mo na ko tinatakbuhan, bibilan kita ng candy at hindi mo sasabihin sa Mommy mo. Ayos ba yun?" Sabi niya dito kphabang nakaupo siya para maging ka-level niya ang bata.

"Chige po!" Ngiti nito, sa pagkangiti niya ay napansing kong kahawig niya ang bata. Kaano-ano niya kaya ang bata?

"Bianca!" Sigaw ni Mama. Naglakad ako papunta sa kanila pero lumingon ako ulit sa pwesto nila Lance. Karga-karga niya na ngayon ang bata, nakatingin naman ang bata sa akin at ngumiti.

Isang katangian na gusto ko sa mapapangasawa ko? Magaling mag-alaga ng-- ano ba naman pinagiisip mo, Bianca?

"Ba't ang bagal mo maglakad, Bianxx? Pagagalitan ka nanaman ni Daddy!" Bulong ninate Kiersten.

"May tinignan lang kasi ako." And he was friendly with the kid.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon