Note: Merry Christmas sa inyong lahat! Thank you for patiently waiting!
------
Chapter 50
Ilang araw ang nakalipas at huling araw na namin bago ang Christmas vacation. Malamig ang simoy ng hangin at mararamdaman mo talaga ang Pasko dahil da pula at berdeng mga dekorasyon sa kahit anong sulok ng bansa.
"Merry Christmas, Bianca!" masayang bati ni Renzo sabay yakap sa akin pero agad ding bumitaw.
"Merry Christmas!" Ngiti ko.
"Oyy kayong dalawa." Singit ni Eloise sa gitna namin. "Mag-ingat kayo ah, kung saan saan may nakakabit na Mistletoe, kayo din."
"Ano namang meron kung may mistletoe?"
"Oo nga Eloise sign kaya ng friendship ang mistletoe." Aniya pero inilayo niya ang tingin sa amin.
"Weh Renzo?" Ngisi ni Eloise. "Kahit sabihin kong may Mistletoe sa taas ng ulo niyo ngayon?"
Agad naman tumingin si Renzo sa taas pero tumawa ng malakas si Eloise nung nakita niyang sumimangot si Renzo. "Sign ng friendship pala ah."
"Bianca," tawag ng isa kong kaklase na si Justice. "Tawag kayo ni Evian, lumabas daw kayong dalawa ni Eloise sa may botanical garden."
Nagkatinginan naman kami ni Eloise, "Anong meron naman sa Botanical?"
"Ayoko lumabas, mamaya umaambon pa."
"Tara na, baka emergency kaya tayo pinapapunta dun." Sabi ko sa kanya.
Lumakad kami papuntang Botanical at napansing ang daming mga tao na nagkukumpulan sa mga puno na andun. Nagkaron na ba ng bunga yung mga nakatanim doon?
"Anong nangyayari dito?" Bulong ni Eloise.
"Asan ba si Evian?"
"Eloise!" Sigaw ng isang boses. "Bianca, dito! Lapit kayo!"
Malapit siya sa isang puno, nang makalapit na kami ni Eloise sa kinaroroonan niya, dun ko lang napansin ang kakaibang palamuti ng mga puno.
"Ano yang mga nakasabit na yan?" Tanong ko. "Bakit mo ba kami pinapunta dito?"
"Tignan mo ng mabuti, Bianx." Ngiti niya na parang... Di mapakali?
Lumapit ako sa puno na katabi niya. May mga nakakabit sa puno na mga lobo na kulay pula at berde. "Ano namang meron sa lobo?"
Interesado din yung iba na lapitan ang iba sa mga puno na may nakakabit na mga lobo. Nagbubulungan ang mga ito at hinahawakan ang mga lobo.
"Kumuha ka ng isa, dali!"
Tinignan ko naman si Eloise pra humingi ng tulong pero maski siya naguguluhan. Itinaas baba lang nito ang mga balikat niya at tumungo na parang sinasabihan siya na sundin na lang si Evian kasi wala kaming patutunguhan kung puro tanong kami at walang sagot na naibibigay.
Pumitas ako ng isang kulay pula na lobo. Napalakas ata ang hila ko kasi pumutok ang lobo at tumapon sa sahig ang laman nito.
Nanlaki ang mga mata ko, tama ba ang iniisip ko? Tubig?
Tinignan ko ang piraso ng lobo na hawak ko, inikot ko ito at nakitang may nakaprint na pangalan sa likod kung sino ang may gawa nito.
"Lance Ardevela?" Tanong ni Eloise. "Bakit may Lance sa mga lobo?"
Tahimik akong nag-iisip. Paano niya nalaman ang lahat ng iyon?
"Naka-staple na lobo sa puno na may laman na tubig." Sabi ni Eloise. "Anong meron na hindi ko alam?"
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Fiksi RemajaIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?