Chapter 2

289 16 16
                                    

Never

Dear diary,

Iniintay ko si ate Kiersten kanina sa may waiting area sa school nang biglang makita ko ang bagong student ng kabilang section. Nagkatitigan nga kami eh. Gray pa ang color ng mata niya! Base sa narinig ko, ang pangalan niya raw ay 'Lance Ardevela'. Sobrang gwapo niya diary, siya na ang crush ko! Bianca Mariano-Ardevela. OMG! Bagay na bagay!

Napangiti ako sa entry ko ngayon, sobrang nakakainspire talaga kapag may crush no?

"Hoy, Bianca! Ano yang hawak mo?" Biglang gulat ni ate Kiersten at hinablot mula sa mga kamay ko ang diary ko.

"Ate Kiersten, akin na yan! Wag mong basahin yan!" Sigaw ko habang tumatalon para kunin ang diary. Palibhasa matangkad siya kaya itinaas niya ang diary ko. Huhu, mabubuko niya kung sino ang crush ko!

"Dear diary," simula niya pang basahin. "Base sa narinig ko, ang pangalan niya ay 'Lance Ardevela'--siya na ang crush ko!"

"Ate K! Akin na kasi sabi eh!" Tumungtong na ko sa kama ko at lumundag para abutin muli ang aking diary. Thankfully, nakuha ko na siya. Agad ko siyang tinago sa likod ko nang sinubukan niya muli itong kunin sa akin.

"Hoy Bee, sinasabi ko sayo. Bata ka pa para magkaboyfriend ah! Ilang taon ka na ulit? 11 years old diba?!" Biro niya. "At saka, bakit ba sa lahat ng magiging crush mo e bakit isa pang Ardevela?"

"Ano bang meron sa mga Ardevela?" Tanong ko. Hawak-hawak ko pa din sa likod ko ang diary ko, feeling ko kasi anytime susugod nanaman siya para kuhanin it ulit.

"Kasi po, kilala ang mga Ardevela sa pagiging playboy. Tulad na lang ng kaklase kong si Darius Ardevela, may girlfriend na nga sa school, may girlfriend pa sa kabilang city, may girlfriend pa sa ibang bansa." Sabay salumbaba niya.

"Naging crush mo din si kuya Darius 'no?" Ngisi ko sa kanya. Patago kong nilagay sa ilalim ng kama ko ang diary ko para makatabi na ko kay ate.

"Tss, 'di no! Nagwapuhan lang ako sa kanya, well, malapit ko na siyang maging crush pero nung nalaman ko na marami siyang girlfriend, ayoko na sa kanya. Kaya ikaw," pinisil niya bigla ang ilong ko kaya napahawak naman ako dito. "Layu-layuan mo yang si Lance Ardevela. Kung magkakaron ka lang din naman ng crush, wag na yung playboy. Okay?" At ginulo pa nito ang buhok ko. Ang bait talaga ni ate K!

"Malay mo naman ate, magkaiba sila ng kuya niya." Ani ko habang inaayos ang buhok kong ginulo niya.

"Asus, magkaiba?" Umiling siya, "Impossible."

Tumayo na siya papuntang pinto, "Nga pala, Bianca. Maghugas ka na daw ng kamay, kakain na tayo."

Bigla akong napaisip, kung makapagsalita si ate K about kuya Darius ay parang magkakilala na sila dati. Pero kalilipat pa lang nila sa school, possible kayang magkakilala na sila dati pa?

Kinabukasan, pumasok na kami sa school. This time hindi basta bastang ordinary na pagpasok ito sa school. Makikita ko muli ang aking crush na si Lance Ardevela!

"Hi friend!" bati sa akin ni Eve pagkapasok ko ng classroom. Wala pa naman ang ibang mga studyante kasi medyo maaga pa.

"Hello, Eve." Ngiti ko at tumabi sa kanya. "May ikukwento ako sa'yo. May bago akong crush na pero sayo ko lang sasabihin ah?" Pinagkakatiwalaan ko naman si Eve eh, isa siya sa mga friends ko dito.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon