Glue
"Nakaharap mo na pala yung crush mo kahapon, bes." Ani ni Eloise at tumawa. "Nabalitaan ko pang nada--"
"Please lang, Loi. Tama na, let's move on from that. At saka hindi ko na siya crush. Ex-crush na." Nakatingin ako sa reflection ko ngayon. Salamin, kamusta naman ang hitsura ko today? Talbog na ba ang ganda ni Ms. Philippines?
"Ang bilis naman mag-bago ng isip mo, porket tinawag ka lang niyang 'lam--" aniya.
"Please. Ayoko na!" Sabi ko ng tinatakpan ang tainga ko. Hanggang ngayon hindi ko makalimutan yung feeling na pinag-uusapan at pinagtatawanan ka ng tao.
"Inaasar lang kita. Haha! Anyway, mauna na ko sa room ah? May i-checheck kasi ako." Aniya at tinapik ako sa balikat.
"Sige, kita na lang tayo sa room." Ngiti ko sa kanya. Tinignan ko muli ang sarili ko sa salamin habang naghuhugas ng kamay.
"Friend, ano bang gamit mong lipstick?" Tanong ng isang babae sa kaibigan niya. Mga second year students ata sila, nandito sila ngayon sa banyo, nagse-selfie and all.
"Mygelle, ang ganda 'no?" Sagot naman ni ate 'friend'.
"Ano bang marerecommend mong face powder, ayoko kasi--"
Patuloy pa din sila sa pag-discuss ng kung ano man ang meron sa make-up world, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko para mawala ang mala-pugad ng ibon na hitsura nito. Ayan Bianca, mukha ka ng tao.
Sumulyap naman ako sa relos ko, "30 minutes na lang pala patapos na ang lunch break." Bulong ko sa sarili ko, mukha naman akong Sisa na kinakausap ang sarili ko.
"Ren, diba siya yung nadapa kahapon sa may entrance?"
"Ay oo, yung pinahiya ni gray eyes? Hahaha!"
"Medyo may pagkabaliw pala."
Nag-uusap silang dalawa na parang wala ako sa tabi nila. Hanggang dito ba naman sa banyo ako pa din ang topic? Hindi maka-move on sa pagkadapa ko kahapon? Ako lang ba ang magandang topic dito sa school?
Agad akong lumabas ng banyo, madami pa ring mga estudyante ang galing sa canteen at may dala-dalang lunches. Possible atang may maka-kilala nanaman sa akin pagtawanan ako dito.
Nang malapit na ko sa building namin, nakita ko si Ma'am Dianne na may dala-dalang box at isang plastic bag na punung-puno ng cartolina.
Nilapitan ko siya at kinausap, "Ma'am, tulungan ko na po kayo. Ang dami niyo naman pong dala."
"Maraming salamat talaga, Bianca." Inabot niya sa akin ang box na hawak niya kanina, puno pala ito bottle ng iba't ibang kulay ng paint at mga white glue.
"Basta Bianca, 7 bottles yan ng paint at 7 bottles yan ng white glue, okay? Maraming salamat talaga." Aniya at ngumiti.
"Walang anuman po, Ma'am!" Ngiti ko sa kanya. "Basta po may plus ten ako sa long test natin."
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko, "'Kaw talaga, mapagbiro ka. Paki-dala naman yan sa third building, room 312. Babalik lang ulit ako sa taas kasi may mga naiiwan pa ko eh."
"Sige po, Ma'am." Ngiti ko. Si Ma'am naman eh, kaka-ayos ko lang ng buhok ko kanina, ginulo nanaman niya.
Medyo malayo yung third building pero ayos lang naman, maaga pa naman eh. Kawawa din naman kasi si ma'am na ganon ang kondisyon. Nagtatakbuhan ng ibang estudyante papuntang third building, siguro sila yung mga nasa hallways kanina sa kabilang building.
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Genç KurguIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?
