Sorry not Sorry
After ng happy moment ko na iyon, mas lalo akong nagsipag sa pag-aaral. Halos lahat ng mga teachers namin ay nagulat sa progress na ginagawa ko. Sobrang onti na lang ng mga mistakes ko sa mga quizzes and long quizzes ko. Ganyan talaga kapag inspired!
"Asan na ba si Eloise Peregrino?" Tanong ni Evian habang lumilingon to the left and to the right para hanapin ang missing piece ng friendship namin.
"I'm here, I'm here. Sorry!" Nilapag niya ang kanyang food sa table at umupo. "Kasi naman, ang haba na nga ng pila sa canteen, ang dami pang sumisingit. Let's eat na!"
Nag-sign of the cross muna kaming tatlo at tahimik na nagdasal.
Lord, thank You for this day and thank You for this food. Sana po kami ni kuya Charles sa huli, pero kung hindi po... ayy. Sige na Lord, please? Mabait naman po ako eh. Forever gift Niyo na lang po sa akin si kuya Charles. Please give me a sign. Amen.
Pagkatapos ko magsign of the cross, biglang natawa si Eve kahit wala namang nagsasalita. Hala, ano pong nangyari?
"Bakit ka tumatawa, Evian Jacque Padilla?!" Pang-aasar ni Loi.
"May naalala lang ako na nabasa ko sa internet ng isang araw." Aniya at sumubo ng kanin at ulam niya.
"At ano naman yun?" Tanong ko.
"Kapag may crush ka daw kasi, mas nagiging madasalin ka. Yung tipong nananalig ka na kayo na talaga forever ng crush mo." Umiling-iling siya habang natatawa.
"Wow." Sambit ko at hindi na umimik. Medyo totoo naman kasi, ayaw ko din naman ipaalam na kakagawa ko lang habang nagdadasal ako.
"Ang dami mo namang signs na alam. Ano pa?" Tanong muli ni Loi.
"Next time na yung iba, when the right time comes." Aniya.
"May ganon pa siyang nalalaman." Tawa ni Loi.
Pagkatapos namin kumain ay naglakad na kami pabalik ng classroom, matagal-tagal pa naman ang next class namin pero atat na ko makabalik kasi may nakalimutan akong aralin sa Environmental Science ko.
"Good afternoon po, Ma'am Iza." Bati naming tatlo sa kanya.
Nakasalubong kasi namin siya na may hawak-hawak na coffee mug na may kutsara. Papunta yata siyang canteen para kumuha ng hot water niya.
"Good afternoon," ngiti niya. "Pwede bang humingi ng favor? Could you get me some hot water for my coffee? Pinatatawag kasi ako ni Ma'am Dolores for something tapos matatagalan pa ko sa pagkuha ko water."
"Sure Ma'am." Inabot ko naman yung mug niya at ang sachet ng kape niya.
"Basta gusto ko, 3/4 ay hot water and konting cold water." Sabi niya.
Napanganga naman ako sa sinabi niya, may measurement pa talaga ang pagkuha ng tubig? Hindi ba pwedeng kuha na lang?
"Wow Ma'am, pati ba naman sa tubig kailangan pa ng Math." Tawa ni Loi.
"Ganun talaga, sige sige. Bianca, please leave it on my desk afterwards okay? Thank you." Nagpaalam na siya at kaagad umalis.
"Bianca, kailangan ko na bumalik kasi may meeting daw kami sabi ni Nikki for Social Studies project." Sabi ni Eve.
"Kami din may meeting eh, ayos lang ba na mauna na kami?" Sabi ni Loi.
"Oo naman, ayos lang ako. Hindi naman ako mawawala, dyan lang naman yung canteen oh." Ngiti ko sa kanila. "Good luck sa mga meetings niyo."
Pumunta nman ako kaagad sa canteen. This time wala nang masyadong tao kumpara kanina pero kailangan mo pa din pumila. Nang makarating na ako sa tapat ng thermos ay mineasure ko muna ang 3/4 ng baso at nilagyan ng tubig at isununod na din ang konting cold water.
Hinawakan ko ang mug at napansin na kaya pala pinili ni Ma'am Iza ang ganitong measurement ay dahil hindi ganoong ka-init ang tubig. Inilagay ko naman ang powder ng kape niya at ini-stir ito.
Kinuha ko siya nang dahan-dahanna sa table na pinagpatugan para hindi matapon. Sobrang lakad ng concentration ang ginagamit ko para lang hindi matapon ang tubig nito.
"Excuse me." Sabi ko para hindi ako mabangga.
"Wow ha, Mira! Ang korny mo!" Tawa ng isang estudyante habang nagbibiruan sila.
"Sarcastic ba yan? Hindi kaya korny!" Sagot naman nung isa.
"Excuse me." Sabi ko ulit pero hindi nila yata ako narinig at tuloy pa din ang asaran nilang magkakaibigan. Delikado kasi baka biglang umusog sila at tumapon ang dala kong hot water.
Lumayo naman sila kaya nakadaan ako, slowly but surely ang mga galaw ko. Hindi ko na gaanong tinitignan ang dinadaanan ko kasi nakaconcentrate lang ako sa baso. Paulit-ulit ang sabi ko ng excuse me para lang hindi ako mabangga.
"Excuse me!" sigaw ng isang boses at binangga ang balikat ko. Ang bait naman ng bumangga na yun! Walang ka-manners manners, sino ba nagsabing pwedeng tumakbo sa hallways?
Napanganga naman ako kasi tumapon ang kalahati nito, at hindi lang ito ang worse! Tumapon yung ibang tubig sa kasalubong ko. I'm so dead.
"Sht. Ang init!"
"Oh my, I'm so sorr--" tumingin ako at nakitang si Ardevela ito na nakatingin sa akin ng masama habang tumutulo ang ibang natapon na kape sa kamay niya. Natapunan ko pala siya ng kape, yung ibang nasa pants ng uniform niya na para siyang naihi.
"Oh. Sorry not sorry." Ngisi ko sa kanya at paalis na sana para kumuha ulit ng bagong tubig na idadagdag sa baso, di bale na uulit nanaman ako sa pagdagdag ng tubig, ang mahalaga, kinarma si Lance.
"Hoy Bianca!" Rinig kong sigaw niya pero hindi ko siya pinakinggan at tuluy-tuloy lang sa paglalakad. Super good vibes nga naman ako.
Pinigilan niya ko sa may balikat kaya tumigil naman ako at inilayo ang baso para hindi tumapon sa akin ang kape. Humarap siya sa akin at ipinasok ang kamay niya sa right side ng bulsa ko.
"Hoy Lance! Ang manyak mo talaga, bakit mo pinapasok yang kamay mo sa palda ko." Sigaw ko sa kanya.
Napatingin naman ang ibang estudyante sa amin. Napatingin din ako sa kanila at narealize na mali ang sinabi ko. Sige Bianca, ipahiya mo pa lalo ang sarili mo.
Winagayway naman ni Lance ang isang puting panyo sa harap ng mukha ko at ipinunas sa kamay niyang may kape. Oh no, ginamit niya yung panyo na ipinahiram sa akin ni kuya Charles!
"Hoy, ibalik mo yan!" Nagsisimula nanaman ako ma-bad trip sa taong 'to. Hindi pwedeng mawala yung panyo, souvenir ko yan galing kay kuya Charles!
"Ibigay mo muna yang kape ni Ma'am Iza, kanina ka pa niya inaantay oh." Sabi niya ng nakangisi.
"Uy Lance!" Tawag sa kanya ni Xavier. "Happy Birth--bakit ka nai--ah."
Nagulat ako sa sinabi ni Xavier, birthday niya? Oh my goodness! Hindi ko tuloy alam kung dapat ba kong mahiya kasi birthday niya tapos tinapunan ko siya or magoodvibes kasi nasira ko ang araw niya.
"Lance! Happy Birth--" sigaw ni Jacelle pero naputol ito nang biglang tignan ang uniform ni Lance. "Eww, what is that? Kape stain?"
Tumingin naman siya sa hawak kong kape at ibinaling ang masamang tingin sa akin.
"Bakit ka ba ganyan? Why do you like ruining everybody's day? Especially my Lance's day!" Naasar na tanong sa akin ni Jacelle. Napansin ko palang nasa likod niya ang J4.
"I don't ruin everybody's day, they ruin mine." Sabi ko at nag-walk out.
Aakma pa sanang pipigilan ako ng J4 pero lumayo sila nang tinapat ko sa kanila ang baso para pagtinamaan nila ako ay tatapon ang kape sa kanila.
"Wala bang 'Happy Birthday, I love you!' dyan?" Pang-aasar ni Lance.
Lumingon ako at ngumiti ng peke. "Happy Birthday Grey-Eyed monster."
Naglalakad ako nang maalala ko ang panyo na kinuha ni Lance. Oh no! Babawiin ko na nga lang next time. Hmph, magsama sila ng crush niyang pangit ang in and out!
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Teen FictionIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?