Chapter 46
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Tama bang nakasuot ako ng Sunday dress para sa birthday date namin ni Renzo?
Tama ba yun, date namin ni Renzo? Tama yun kasi natalo niya ako. Natalo niya ako ng one point, talagang malakas siya kay Lord nung araw na iyon.
"Oh my gosh." Talo ako.
"Sabi sayo eh, ladies first." Masaya niyang sabi. "Score?"
"28." Bulong ko.
"Ano?" aniya habang malungkot ang mukha. Oh my gosh, may alalay na ako next week?! YES!
"28 sabi!" sabi ko sa kanya habang nakangiti. Yes, panalo ako.
Malungkot pa din ang mukha niya at ibinaba ang papel niya sa table ko. Does that mean I won the freaking bet?
"Anong susuotin mo sa Sabado, Bianca?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Evian.
Nagpanggap siyang panalo. Niloko niya ko!
"One point!" sigaw ni Eloise. "Go Renzo!"
"Date with Renzo!" aniya nang pasigaw.
Tinignan ko si Lance sa gilid ko at nakita kong malungkot siya pero iniwas niya ang tingin sa akin at umupo muna malapit kila Kieran.
Pagbaba ko, naabutan ko si Daddy na nakaupo sa may sofa na may hawak-hawak na newspaper. Inangat niya ang kanyang tingin at napataas ang kanyang kilay.
"Daddy o," sabi ni Mama at inabot ang kape ni Daddy sa kanya. Napatingin din ito sa direksyon na tinitignan ni Daddy. Nanlaki ang kanyang mata at agad ngumisi. "O, saan ka pupunta?"
Sasabihin ko bang may ka-date ako? Ano bang magiging reaksyon nila kapag sinabi kong lalabas ako para makipagdate?
"Ang bata-bata mo pa para makipagdate!"
"Balik sa kwarto!"
"Hindi ka pwedeng makipagdate hangga't hindi ka pa 40 years old!"
"Bianca." Tawag nila sa attention ko. Nawala yung utak ko panandalian hindi ko na sila nasagot.
"Uhm-" ano na ba? "Magkikita lang po kami nila Eloise at Evian sa mall. Manunuod po kami ng sine."
Hindi ako huminga. Baka sakaling nakakaamoy ang magulang ng sinungaling tapos pabalikin ako sa taas. Plano ko sanang hindi na lang pumunta ngayong araw na to, sasabihin ko na lang na nagkasakit ako or something. Pero naisip na ata ni Renzo lahat ng pwede ko i-excuse. Kapag daw hindi ako dumating sa oras ng usapan namin, pupuntahan niya daw ako dito sa bahay at sasabihin sa magulang ko na matagal ko na siyang boyfriend. The horror.
"Bihis na bihis ah."
Feeling ko nakakaramdam 'tong si Mama, may hint ng pasususpetya yung boses niya eh.
"Sige po, una na ko." Paalam ko sa kanila at hinalikan sila pareho sa pisnge. Buti na lang talaga nilalakad lang ang mall mula sa amin!
Palabas na ako nang tawagin pa ako ulit ni Daddy pabalik. "po?"
May binunot siya sa bulsa sa likod niya at inabutan ako ng pera. "Tipirin mo yan."
"Thank you po."
Akala ko mabubuko na ko eh.
--
Naabutan ko siyang nakasandal sa isa sa mga railings katapat ng bookstore. Nakatingin siya sa relos niya at nakakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Novela JuvenilIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?