Chapter 40

115 12 18
                                    

Note:  bear with the writer's sabog mind. Huhu, thank you for reading!

-----------

Sa dalawang buwan ng summer vacation, ang daming nangyari. Unang una, lumipat na kami ng bahay na mas malapit sa school ko pero medyo mas malayo sa trabaho nila Mama at Daddy.


"Alam mo naman Bianca, basta masaya kayo at hindi kayo nahihirapan, ayos na sa amin ng Mommy mo." Dagdag pa ni Daddy matapos kong sabihin na parang napalayo sila sa trabaho nila.


Pangalawa, kung saan-saang lugar kami pumunta pagkatapos namin makapaglipat ng mga gamit sa bagong bahay. Gusto kasi ni Mama na masulit namin ang bakasyon na magkakasama ang buong pamilya dahil ngayon na lang kami ulit nagkasama-sama nang mag-dorm si Ate Kiersten nang pumasok na sa college.

Nagpasama si Daddy sa akin kasi bibili siya ng bagong polo para sa meeting niya kasama ang boss niya, dahil bagot na bagot na kong nakatunganga sa bahay, sumama na ako.


"Bagay ba sa akin to?" itinaas ni Daddy ang polo sa may dibdib niya. Kulay Gray ito, kaparehas ng kulay ng mga mata ni Lance na hinding hindi ko malilimutan pagkatapos kong maibigay ang first kiss ko.


Ang tamis nga naman kasi ng unang halik.

Kahit saang sulok ako tumingin, feeling ko siya na lang palagi ang nakikita ko kahit wala naman siya. Nilalagnat ba ko?

Kahit saan ako mapalingon, nakakakita ako ng Flat Tops o kaya naman taong kumakain ng Flat Tops. Ayaw ako tigilan ng utak ko, puro na lang Lance, Lance, Lance ang naiisip!


"Bianca?" tanong ni Daddy habang nakakunot ang noo. Hindi ko pa din pala nasasagot ang tanong niya. Busy nanaman kasi ako isipin si Lance at ang kanyang mga mata. Tama na kasi, uy!

"Lahat naman ng suotin mo Daddy, bagay sayo! Ang gwapo-gwapo mo kaya." Sabi ko at ngumiti.


Sa sobrang dami naming pununtahan at ginawa, mabilis din natapos ang bakasyon. At eto ako ngayon, nakatayo sa harapan ng bulletin board na hinahanap ang section ko.


"Mariano, Bianca R." Napalingon ako sa tabi ko at nakitang nakatitig si Renzo sa tabi ko. "Magkaklase nanaman tayo, biro mo yun?"

"Sigurado ka, baka naman nagkamali lang sila Ma'am?" tumingin ako ulit sa bulletin board at napasimangot nang makita ko nga in all bold letters ang 'Guillermo, Lorenzo Raphael D.'

"Tara na, punta na tayo sa room." Aya niya at nauna na papunta sa direksyon ng bago naming classroom.


Pagkapasok naming dalawa sa classroom agad kaming tinukso ng mga dati naming kaklase.


"Renzo at Bianca ah, pag-ibig na ba ito?"

"Kelan monthsary niyo?"

"Bro, akala ko ba magdadala ka ng cake kapag naging kayo na?"


Kung anu-ano ang mga pinagsasasabi nila pero napalingon ako dun sa biro ni Allen na may cake. What? What? Bakit wala akong alam na kami na pala ni Renzo? One sided relationship?


"Hindi kami," sabi ni Renzo sa isang seryosong boses. "at least, hindi 'pa'."

"YUN!"

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon