Chapter 36

105 11 7
                                        

Nag-aalala




"Bianca,"



Naramdaman kong ginigising na lang ako ni Mama. Anong oras na ba ako nakatulog? Nakatulog nga ba ako? Pagkapikit ko bigla na lang ako ginigising ni Mama eh.



"Gumising ka na daw kasi may emergency meeting ang Daddy mo kaya kailangan niya pumunta ng office nang maaga."



Minulat ko unti-unti ang mga mata ko at agad nasilaw sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana ko. I don't feel so well, gusto ko na lang matulog ng matulog.



Ayoko. Pumasok. Ng. School.



"Dali!" sabi ng nanay ko at lumabas ng kwarto ko. "Alas-otso na!"



Tumingin ako sa orasan kong nasa dingding at napa-iling nung nakita kong 4:30 pa lang ng umaga. Hinawakan ko yung ulo ko, ang sakit talaga! Baka naman nakulangan lang ako sa tulog kaya sumasakit, sana wala na siya mamaya pagkadating ko ng school.


Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili ko, dumiretso ako sa dining room at umupo sa bakanteng upuan.



"Kain ng marami anak," sabi ni Mama habang nilalagyan ng fried rice ang plato ko. "Niluto ko yung favorite breakfast mo. Tapsilog."



Tumungo ako at kumuha na lang ng kaya kong kainin. Umupo si Daddy sa upuan na katabi ko at uminom ng kape at madaling binasa ang dyaryo na nakalagay sa mesa.



Tumingin siya sa akin at nagtaka, "Ang hina mo ata kumain ngayon?"


"Hindi ko lang po feel kumain ng marami ngayon." Bulong ko.


"Nako," sabi ni Mama at umupo sa kaliwa ko. "Nag-didiet ka na anak? May crush ka ba?"


"Diba usapan natin na bago ka magkaboyfriend, sasabihin mo sa amin?" dagdag ni Daddy.


"Wala po akong boyfriend, Mommy and Daddy. Sadyang hindi ko lang po gusto kumain ng marami ngayon." Mahinang tugon ko.



Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na kami kay Mommy at sumakay na ng kotse para ihatid ako sa school. Sobrang aga ko dumating kaya hindi pa bukas ang room namin.



"Ayos ka lang ba kung iiwan na kita dito?" tanong ni Daddy pagkatapos ibaba ang bag ko sa malapit na bench.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon