Chapter 5

203 9 10
                                    

Swing

"Look up." Utos ni Glea. Sumunod naman ako sa kanya, hinawakan niya ng marahan yung mukha ko at dahan-dahan nilagyan ng eye liner ang mata ko.

"Waa!" Sigaw ko nang mahina at medyo nilayo ang mukha ko sa kanya.

"Wag ka malikot, Bianca. Baka matusok ni Glea ang mata mo." Ani ni Loi.

"Naiirita kasi yung mata ko eh, tyaka hindi ako sanay magmake up!" Sabi ko sa kanya habang sinusubukan hindi gumalaw. Naramdaman kong medyo naluha na ang mata ko.

"There." Sabay layo niya ng bahagya sa akin para tignan ang aking itsura. "Mukha ka nang bruha."

Halloween na ngayon at sasali kami ni Eloise sa costume contest, isa akong bruhang witch, cow girl si Glea, at si Eloise naman ay isang corpse bride. Ginulo nila ng bongga ang buhok ko at nilagyan ako ng black lipstick at eyeliner. Yung mga usual na make up sa Halloween.

"Thank you, Glea. Galing mo talaga." Ani ko habang tumitingin sa salamin. Marami sana akong matakot habang dumadaan ako sa hallways mamaya.

"'Sus, simple lang yan 'no. Sige ah, alis muna ko? Assembly na mamaya ha, wag masyado magtagal dito sa C.R." Aniya at umalis.

"Bes, ayus lang ba itsura ko?" Tanong ni Loi habang hawak-hawak niya ang dress niya na color blue.

"Ano ka ba, nakakatakot ka nga tignan eh." Ngiti ko sa kanya.

"Sure ka ah?" Tanong niya muli.

"Oo nga."

Maraming nag-aayos ng make-up at damit nila ngayon dito sa C.R. Yung iba bampira, faries, wizards, and etc. Medyo required din kasi kami magsuot ng costume.

"Tara na, Bianx. Ang init na dito eh." Aya ni Loi palabas. Kinuha ko na ang walis ko sa may dingding at lumabas.

Punung-puno ng Halloween decorations ang mga building at paligid namin ngayon. Halatang pinaghandaan ng student council ang one day event na ito.

"Ang daming nakakatakot!" Sabi ni Loi habang lumilingon sa iba.

"Oo nga eh, ang laki din ksi ng cash price para sa mananalo. Sayang din ang opportunity!" Sagot ko sa kanya.

"Minsan lang din naman kasi ito, kaya siguro todo bigay sila."

--

Pumila na kami ni Loi sa linya ng section namin sa may court. Pinapalinya daw kasi kami according to sections tapos magkaiba ng line ang boys and girls.

"Good morning, students. Happy Halloween sa inyong lahat! It seems na pinaghandaan niyo talaga itong event na ito, ah? Para malaman na natin kung sino ang winners, let's start the parade!" Ani ng MC.

Section by section, umikot sa buong court, maraming kumukuha ng mga pictures lalo na yung mga nasa Journalism para sa school paper. Habang umiikot ang mga estudyante, nakita kong marami talagang deserving manalo. One costume nga eh, table siya tabos yung ulo niya yung nagsilbing pagkain na nakahain sa mesa. Sobrang ganda!

"We are now welcoming 6 - Carbon!"

Tulad ng naunang mga section, inikot din namin ang buong court at may kumuha ng pictures namin. Nang matapos kami sa isang round ng ikot, pinaupo na kami sa mga designated seats.

"Look who we have here." Ani ng isang boses na may halong konting accent. Tumingin ako sa gilid ko at nakitang si Lance Ardevela ang nagsalita. Medyo malaki na aisle kaming pagitan pero enough para magkarinigan kami.

"Ano nanaman problema mo, Lance?" Sabi ko sa kanya. Ngayon pa lang, naasar nanaman ako. Bakit ba kasi ang dali uminit ng ulo ko sa twing nakikita ko mukha niya?

"Wag mag-eskandalo ah, baka mapagalitan at magkaron pa kayo ng detention galing sa principal." Sita ni Loi sa aming dalawa.

Ngumisi nanaman ng nakakaasar si Lance. Right now he is wearing longsleeves na nakafold hanggang sa may elbow niya at maong pants. Masyadong maraming pulbo ang kanyang mukha at may red na parang tulo ng dugo sa sides ng bibig niya. Vampire.

"Look at you, Bianca." Tinignan niya ko from head to toe. "You look... horrifying as ever. Tamang tama ang suot mo ngayon, tutal araw-araw ka namang mukhang bruha eh. Sino kaya magkakagusto sa'yo? Matabang Bruha?"

"Bro, foul na yan." Sita ng katabi niyang si Kieran. "Babae pa rin yan, tama na."

"What? I was just teasing!" Sagot niya.

Yumuko ako. Sa lahat ng pang-aasar ni Lance, eto yung isa sa mga pinaka hindi ko nagustuhan.

Tumayo ako para lumabas ng court, hindi ko talaga kaya. Ang sakit ng mga sinabi niya sa akin.

"Bianca!" Sigaw ni Loi.

"Bro, sobra ka na talaga."

"I was just teasing her. Hindi ko naman inakalang seseryosohin niya yun."

Naglakad ako papuntang playground. Dibale nang hindi ako manalo sa contest ngayon, ayoko lang talaga makita o huminga ng iisang hangin kasama si Lance.

"Ano ba kasing ginawa ko sa kanya?" Bulong ko sa sarili ko.

"Kanino?" Sagot ng isang boses. Nagulat ako at tumingin sa paligid, si Kuya Charles pala. Pinunasan ko ang mata ko at tumingin muli sa kanya.

"Hi." Bati ko sa kanya.

"Oh, natanggal na make-up mo. Ang ganda ganda mo pa naman tapos umiiyak ka. Sinong nagpaiyak saiyo?" Tanong niya at tumabi sa swing na bakante sa tabi ko.

"Wala po kuya Charles." sagot ko sa kanya at tumingin sa kamay ko. Bakit nga ba ako ulit umiiyak?

"Alam mo, ikaw lang tumawag sa akin ng Charles." Aniya habang bahagya na ginagalaw ang swing niya.

"Ano bang tawag nila sayo?"

"Xander. But it's okay to call me Charles, I like it." Ngiti niya sa akin.

Waaa! Kilig ako, ako lang tumatawag ng Charles sa kanya. I feel so special.

"Sige, Bianca ah? Baka hanapin na din ako sa loob. Nagtatago lang din kasi ako. Haha! See you around. Wag ka na iiyak ha? Kapag may nagpaiyak sa'yo, sabihin mo lang sa akin papalibing ko." Ngiti niya kaya lumabas ng dimples niya.

"Opo." Yumuko ako at ngumiti. Aba! Kahit na inaasar ako ng walanghiyang mokong na si Lance, bawing-bawi ako kay Charles!

"Hindi ko na pala kailangan pumunta dito eh." Sambit ng isang boses.

"Bakit ka nanaman ba nandito, Lance? Sino bang nagsabi sa'yo na kailangan kita dito?" Nagsisimula nanaman akong mairita.

"Nagsayang lang ako ng energy para pumunta dito para pagaanin yung loob mo kasi kasalanan ko. Pero hindi na pala kailangan kasi andyan na si Xander. Dyan ka na nga." Aniya at padabog siyang umalis.

Aba, siya na nga ang may kasalanan siya pa ang galit?! Anong problema nun?

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon