Chapter 57
"Bianca!" sigaw niya. Sigaw ng pinaka hate kong tao sa buong mundo.
"Dun ka na kay Jacelle mo!" sigaw ko sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad. Pagtingin ko sa likod ko ay maabutan niya na ako kaya tumakbo na ako para makalayo sa kanya.
"Wag ka tumakbo, Bianca!" sigaw niya.
"Wag mo ko sigawan!"
"Wag mo ko takbuhan!"
"Wag mo ko habulin, di kita kailangan!"
"Magdahan-dahan ka please, baka mapahamak ka!"
"Wala kang pakialam, dun ka na kay Jacelle!"
Patuloy pa din ang pagtakbo ko palabas ng school. Nagsimula na ulit umulan ng malakas pero wala akong pakialam. Nasasaktan ako sa ginawa niya, ayaw ko na siyang makita kahit kailan.
Malabo ang paningin ko dahil sa luhang umaagos sa mga mata ko pero alam kong may padating na kotse. Ang huli kong narinig ay ang malakas na busina nito bago tumigil ang lahat.
Wag kayong mag-alala, hindi ito yung kwentong mamatay ako. Masyado pa kong bata para mamatay.
"Ano ba boy? Plano mo bang magpakamatay?" sigaw ng lalaking nagmamaneho ng kotseng muntik nang makabangga sa amin ni Lance pero naiwas niya ito.
Hindi pinansin ni Lance ang lalaking minura siya dahil sa kamuntikan niyang makapatay ng estudyante. Nanatiling nakatitig sa akin ang mga mata ni Lance na punung puno ng pag-aalala at medyo namumula ito na parang kakagaling lang niya sa pag-iyak.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya sa ilalim ng malakas na ulan.
Niyakap niya ako ng mahigpit at narinig kong bahagya siyang umiiyak. Sinubukan kong tanggalin ang mga brasong nakapulupot sa akin kasi galit ako sa kanya, ayoko na sa kanya, pero hinigpitan niya pa lalo ang kapit niya sa akin.
"Bakit mo ko iniwan? Akala ko mawawala ka na ng tuluyan." Pautal-utal na sabi niya habang nakayakap sa akin. "Akala ko mamamatay ka na."
"Bitiwan mo ko." Hindi ko pa din siya niyayakap. Pinunasan ko ang mga mata kong nagsimula nanaman na pumatak ang mga luha. "Sabi nang bitawan mo ko eh."
"Ayoko, hindi kita bibitawan," aniya. "Mahal kita, Bianca."
"Kung mahal mo ko, hindi mo ko lolokohin."
"Hindi kita niloko."
Sa wakas ay binitiwan niya na ako pero nakakapit pa din siya sa akin. Hindi ako tumitingin sa kanya kasi baka humagulgol na lang ako ng tuluyan sa harap niya. Tinuruan ako ng nanay ko na hindi dapat ako nagpapakita na mahina ako sa mga nang-aaway sa akin."Bakit ka umiiyak?" tanong niya at hinawakan ang mukha ko, pilit na pinatitingin sa mga mata niya. "Tumingin ka sakin."
Hinawakan ko ang mga kamay niya ay tinanggal ito. Tumalikod ako na walang sinasabi kasi pagod na ko.
"Mahal mo na rin ba ko, Bianca?" tanong niya na punung-puno ng lungkot at the same time pag-asa.
Napatigil ako sa pag-lalakad. Mahal na nga kita pero pinaglalaruan mo lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit para yakapin niya ako ulit.
"Mahal mo na rin ba ako?" tanong niya muli.
"Hindi kita mahal." Sagot ko at sinubukan makawala sa kanya.
"Kung hindi mo ko mahal bakit ka umiiyak?" tanong niya at inangat ang ulo ko para tignan niya. "Finally, you feel something for me."
"Matagal na kong may nararamdaman sayo," Lumayo ako sa kanya. "I hate you."
"You don't." mas confident niyang sabi. Confident pa din siya kahit basang basa na kami ng ulan ngayon. "Hindi ko hinalikan si Jacelle. Hindi ko gusto si Jacelle."
"Tama na, puro ka naman kasinungalingan eh." Tinakpan ko ang tainga ko. "Ayoko na marinig mga sinasabi mo."
Tinanggal niya ang mga kamay na nakatakip sa tainga ko, "Mahal kita, Bianca."
"Do you love me too?" tanong niya muli.
Hindi ako sumagot pero tinitigan ko lang ang mga mata niya. Naramdaman kong inilalapit niya ang mukha niya sa akin paunti-unti pero iniwas ko ang mukha ko.
"Mas masaya naman yata kung si Jacelle ang hahalikan mo diba, mas bagay kayo eh."
This time tumalikod na ko ng tuluyan. Ayoko na talaga... kung eto ang pagmamahal na sinasabi nila, ayoko na.
Kay Jacelle na lang lahat.

BINABASA MO ANG
To Hate an Ardevela
Novela JuvenilIf the only thing between love and hate is a fine line, are you going to hate an Ardevela?