Chapter 42

68 8 5
                                    

Chapter 42


Uwian na namin at as usual naiwan nanaman ako as part of the cleaners. Nagwawalis ako nang hindi pa din tinatanggal ng nakatayo sa harap ko yung sarili niya para makapagwalis ako.

Inangat ko ang tingin ko at nakatingin lang sa akin si Lance. Hindi ko alam na may ganito palang side si Lance, super creepy.

"Bakit ka nandito hindi ka naman cleaner today?" tanong ko sa kanya at nagwalis na lang ng ibang parte ng room.

"Wala lang."

"Ang creepy mo." Sabi ko sa kanya habang tinataktak yung dustpan sa may basurahan.

"Hindi ako creepy." Aniya at lumapit sa akin. "Akin na, umupo ka na lang diyan at ako na magwawalis."

"Bakit?"

"Ayokong nahihirapan ka. Ayos lang sa akin na ako ang mahirapan wag lang ikaw." Aniya at tuluyang kinuha ang walis at dustpan sa akin.

Edi wow.

Kumuha ako ng upuan at umupo doon habang pinapanood siyang magwalis ng buong room. Nauna nanamang umalis yung mga kaklase kong kasama ko dapat maglinis. Wala naman talagang kaso sa akin kung maiwan ako, nagulat nga ako na nandito tong si Lance diba?

"Ba't 'di mo pagbigyan ang pag-ibig ko

Tapat naman ang puso ko sa 'yo."

Hindi ko napansin na kumakanta na pala siya. Napatigil ako sa kakaisip at pinakinggan ang boses niya.

"Bigyan sana ako kahit konting pagkakataon

Ba't 'di mo pagbigyan ang pag-ibig ko"

Sa lahat ng pwedeng kantahin, yan pa talaga ang napili niyang kantahin. Hindi ba pwedeng upbeat?

"Lahat ay gagawin para sa 'yo

Nakikiusap sa konting pagkakataong

Mahalin mo."

"Nagpaparinig ka ba?" biglaang ko na lang nasambit nang hindi iniisip.

"Gumagana na ba?"

"Hindi." Irap ko sa kanya.

Bakit mo siya kailangan pagbigyan kung iba naman talaga ang gusto niya diba? Pa-Jacelle Jacelle pa siya dati pa tapos ngayon andito siya sa tabi ko.

"Sana ay magbago ang damdamin mo

At dinggin mo ang pakiusap ko

Makasama ka kahit saglit ay tatangapin ko

Patutunayan ko sayo mahal kang totoo"

Hindi pa rin siya tumitigil kumanta, hindi ata talaga 'to titigil hanggang hindi ko inaamin na natatamaan ako sa kanta niya. Ang ganda ganda ng pagkakakanta niya na para bang hinehele ako.

"I'm sorry." Nawala ang antok ko sa mga binitiwan niyang salita. Sorry para saan? "Sorry kasi ang dami kong sinabi sayong masasama dati."

Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin lalo na't nagsosorry siya ngayon sa mga pinagsasabi niya dati.

"Hindi totoo na pangit ka," aniya habang nakatingin sa akin pero hindi ko siya matignan sa mata. "para sa akin ikaw ang pinakamaganda kahit may make-up man o wala."

"Hindi rin totoo na... flat yung top mo." Sinabi niya yun nang medyo mahina kaya napatingin ako sa kanya. Sobrang pula ng mukha niya at hindi siya makatingin sa akin.

Tumingin naman ako sa dibdib ko at tinakpan ito ng braso. So... ano yun? Tinititigan niya? Oh my gosh.

"Tinatawag kitang Flat Tops kasi—"

Parehas kaming napalingon sa cellphone kong nakapatong sa table nang bigla itong sumayaw sayaw habang may tunog.

"Hello?" agad kong sinagot nang hindi tumitingin kung sino ang tumatawag.

"Labas na, Bianca. Andito na ko."

Kahit na malapit na lang ang bahay na nilipatan namin, hinahatid sundo pa din ako ni Daddy kasi isa, dahil takot akong magcommute mag-isa, pangalawa kasi dagdag baon din yun.

"Palabas na po ako."

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pinuntahan ko kung saan nakalagay ang bag ko. Nakita ko naman na itinabi na ni Lance ang mga ginamit niya pangwalis at tila susunod na sa akin.

"Oh, saan ka pupunta?" itinaas ko ang kilay ko sa kanya.

"Hahatid na kita." Aniya at sinubukan kunin ang backpack ko sa akin. Oh my gosh, seryoso siya?

"Wag na, nandyan na yung Daddy ko." Inilayo ko ang bag ko sa kanya pero sinubukan niya pa din ito kunin.

"Edi mas maganda." Seryoso niyang sabi at tinigilan na kuhanin ang bag ko pero kinuha ang iba pang mga dalahin ko.

"Seryoso ka ba?" napalakas ako sa pagtanong kaya nag-echo sa paligid namin.

"Kasing seryoso ko sa'yo." Aniya at naglakad na. "Maglalakad ka ba o bubuhatin kita?"

"Lance kasi." Ayokong makita siya ni Daddy kasi baka kung anong isipin niya.

"Ayan na Daddy mo." Turo niya sa malayuan. Nakita ko namang nakatayo lang si Daddy sa gilid ng kotse niya. "Papakilala mo na ba ko ng mas maayos sa future Father-in-law ko?"

"Alis ka na dali!" tinulak ko siya papalayo. Eto nanaman po kami sa pagpapakita niya sa magulang ko.

"Good afternoon po Mr. Mariano." Nanlaki ang mata ko nung inunahan niya ako papunta kay Daddy at binati niya pa! Oh my gosh. "Bless po."

"Bless you." Sabi ni Daddy after mag-mano ni Lance. Tumingin naman sa akin si Daddy na parang nanghihingi ng explanation kung bakit nandito si Lance.

"Daddy si Lance nga po pala." Nakita naman na ni Daddy si Lance dati, ano pa bang pakilala ang gagawin ko. "Si Lance po yung—"

Kaklase? Kaibigan? Manliligaw?

"Si Lance po yung dati niyong nakita—uhm, kaibigan ko po."

Tumingin ako kay Lance at nakitang nawala ang ngiti na suot niya kanina at napalitan ito ng lungkot pero agad niya itong tinakpan at ngumiti ulit sa Daddy ko.

"Sige po tito. Aalis na po ako." Ngiti niya kay Daddy tapos tumalikod na. "Ingat ka Bianca, see you tomorrow."

Hala, tampururut ang baby! Hindi man lang niya ako tinignan nung nagpaalam siya. Dirediretso ang lakad niya pabalik ng classroom. Sumama ang pakiramdam ko, nasaktan ko yata siya.

"Sigurado ka bang kaibigan mo lang yun?" seryosong tanong ni Daddy.

"Opo." Binuksan ko ang pintuan ng kotse at inihagis lahat ng gamit ko sa loob.

Kaibigan ko siya. For now.


To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon