Chapter 41

56 7 6
                                        

Note: Sorry natagalan! Sobrang nakipagbattle of the fittest ako sa school eh. Huhu. Thank you sa mga bagong readers na nagvovote! :)

------

Chapter 41

Oo


Tulad ng sinabi ni Jacelle hindi nga iyon ang final naming mga upuan. Pero bakit ganon, magkatabi pa din kami ni Lance?

"Anong klaseng arrangement 'to at katabi pa din kita? Alphabetical?" sabi ko nang lumabas saglit ang teacher namin.

"Oo, alphabetical." Sagot naman ni Lance na may ngiti sa mga labi niya.

"Parang ang layo naman ng Mariano sa Ardevela diba?" kunot noo kong tanong. Anong petsa na ba at hindi ko alam na pinalitan na pala ang arrangement ng letra sa Alphabet? A, M, C, D na ba ang pagkasunud-sunod ng mga letra?

"Alphabetical nga." Ngisi niya pa din habang nakaharap na siya sa akin.

"Nagsimula ba sa 'A' ang pangalan ko?" mataray kong tanong.

"Oo, diba ikaw si Bianca Ardevela?" aniya at ngumiti.

I'm sure na hindi lang kaming dalawa ang nakarinig nun kasi naghiyawan yung iba. Tumingin naman ako kila Eloise at Evian na may agwat na ilang upuan pero halos magkatabi pa din. Maski sila nakangiti sa amin.

"Renzo, may umaagaw sa Bianca mo!"

"Wala ka pala, Renzo!"

"Lakas mo Lance!"

"Tigil-tigilan mo ko ah." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at humarap na lang muli sa pisara. Buti pa yung blackboard color green.

"She just thinks na she's maganda. Hindi naman siya pinag-aagawan ni Lance at Renzo 'cause Lance is mine." Narinig kong sabi ni Jacelle na hindi ko na lang pinansin.

Bumalik ang teacher namin at muling inayos ang upuan ng iba. Maraming nagtatanong kung bakit kailangan magkaron ng changes sa seating arrangement, ang nasagot lang ng teacher ko ay para daw mabawas-bawasan ang pangongopya.

"Ma'am!" tawag ni Jacelle habang winawagayway ang kanyang kamay. "Bianca doesn't want the upuan next to Lance, can I just have it na lang?"

Napatingin ako sa reaction ni Lance then nung teacher ko. Talaga bang papalipatin niya ako dahil kay Jacelle?

"No." matigas na sagot ng teacher ko at tumingin-tingin pa ng ibang estudyante na gusto niya ilipat.

"Mr. Guillermo, dito ka sa left side ni Bianca." Turo niya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Aba, sinusuwerte nga naman ngayon Bianca.

"Hi Bianx!" masayang ngiti ni kuya.

"Masyado pang maaga para kulitin mo ko, Renzo." Sagot ko sa kanya.

"O sige, mamaya na lang." aniya at ibinaling ang tingin sa iba pero nagsalita siya ulit. "Sabay tayo kumain mamaya sa canteen?"

"A-"

"Hindi mo siya pwedeng sabayan mamaya kasi magkasabay na kami." Seryosong sabat ni Lance.

"Ikaw na ba nanay niya?" tanong ni Renzo. "Ano Bianca?"

"Hindi nga sabi pwede." Sagot muli ni Lance.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko."

"Bianca?" sabay pa nilang tanong sa akin.

"Hindi ako sasabay sa'yo Renzo." Sagot ko at nakita ko sa peripheral version ko na ngising ngisi si Lance. "Maski sa'yo hindi ako sasabay."

"Ouch." Bulong lang ni Lance pero nakangiti pa din.

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon