Chapter 47

65 7 2
                                    

Chapter 47

"Ang eskandalosa naman nun." Bulong ko at dahan-dahan tumingin sa kanan namin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Jacelle na nakasuot ng dilaw na Sunday dress at nakatayo habang basang basa ng...tubig or iced tea? "Bakit siya nandito?"

Tinignan ko naman ang ka-table niya at napataas ang kilay. Si Lance Ardevela ay nakaupo sa katapat niyang upuan at nakatakip ang mukha na parang nahihiya sa inaasal ni Jacelle.

Mukhang basang sisiw si Jacelle. *evil laugh*

"I'm sorry po, Ma'am." Sabi ni ate waitress na parang trainee pa lang yata.

Biglang nagring ang phone ni Renzo na nakalapag sa table namin kaya parehas kaming napatingin dun. "Sorry ah, excuse lang."

Tumayo siya at lumayo sa table namin. Ibinaling ko muli ang atensyon k okay Jacelle na nagkakaron ng tantrums sa harap ng maraming tao.

"Ergh!" sigaw pa din nito. "I'm going home na!"

"'Celle." Mahinahong sabi sa kanya ni Lance.

Mm... Celle.

"This date is over, Lance!" sigaw pa din ni 'Celle'.

Ohh... so nagdedate pala sila. Tama din ba ako na yung figura na nakita ko sa may labas ng sinehan ay si Lance din?

So... nagdedate pala sila.

"Uuwi na ko!" wow, pwede naman pala magtagalog ng diretso si Jacelle. Hindi ko alam! "She made sira to my dress!"

Natutuyo naman yun ang arte!

Nagwalk-out ito at unti-unting bumalik ang ingay na nawala nuong umeksena si Jacelle. Ayy "Celle" pala. Nagkatitigan naman kami ni Lance at-

"Bianca." Sabi ni Renzo na parang nag-aalala ang mukha. "Ayos lang ba kung umalis na tayo? May emergency kasi sa bahay eh."

"Ha? O sige."

Tinawag na niya ang waitress para kunin ang bill. Binayaran na niya ito agad at tumayo na kami para lumabas.

"Sorry talaga na iiwan na lang kita ng ganito-ganito na lang." aniya habang nakayuko.

"Ano ka ba, ayos lang yun." Mas masakit nga ata yung ginawa ko kaysa sa pag-iwan mo sa akin ngayon. Birthday mo pa naman.

"Sorry hindi kita mahahatid ngayon, sobrang nagmamadali eh." Aniya. "So... kita na lang tayo sa school?"

"Sige." Ngiti ko at hindi ko napigilan na yakapin siya. "Happy birthday."

"Thank you." Bumitiw siya sa yakap namin at lumayo. Hindi na ako sanay, ang awkward.

"Nag-enjoy ako sa araw na 'to." Ngiti ko.

"Kahit na umiyak ka?" biro niya.

"Kahit na umiyak ako." Tungo ko. "Sige na, umuwi ka na."

"Sige, ingat ka pauwi. Itext mo ako kapag nakauwi ka na." paalam niya at tumalikod.

"Renzo!" tawag ko sa kanya nung medyo hindi pa siya nakakalayo. "Friends?"

Ngumiti lang siya at kumaway. "Ingat ka!"

Hayy.

Nakaramdam ako ng presensya at familiar na amoy. Amoy na parang nilublob sa fabcon.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Sinasamahan kita." Aniya. "Wag mo ko tarayan."

Sino bang hindi magtataray kapag nagsasabi siya na gusto ka niya pero makikita mo naman na may ka-date siyang iba diba?

To Hate an ArdevelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon